(Flashback ito. Ang narrator ay si Cindy)
Nasa Library kami nung pumunta sa cafeteria si Daniel at Gerald
"Cindy alam ko na mapagkakatiwalaan ka dibah" Sabi ni Sherwin. Oo naman. Ang sagot ko naman sa kanya
"Ganto kasi yan si Gerald may gusto sa bestfriend mo" sabi ni Michael. Ahh so tama pala ang sinabi sa akin ni Daniel na bakla si Gerald. Pangiti kong sabi sa kanya. "Ha pano mo naman nasabi yun?" Tanong ni Sherwin. Lumabas kami ng library upang ipaliwanag sa kanilang dalawa na naamoy sila ni Daniel nung unang araw pa lang ng pasukan.
"Berdeng dugo? bakla ba si Daniel? pano nya nasabi na bakla si Gerald ae ang bakla lang ang may gaydar wag mong sabihin na..." sabi ni sherwin. Hindi ko pinatapos ang sinasabi niya at agad kung dinepensahan ang besfriend ko malay niyo baka mabuko na ka sister nila si daniel haha.
Dahil sa kagandahan ko ay napaniwala ko sila na ako ang nagsabi kay Daniel na bakla sila. Yes nakapagbuhat din ng katre o siya tuloy tayo sa kwento. Inalam ko kung anu ang gagawin nila kay Daniel, may naamoy na ako na masama at hindi nga ako nagkamali dito selos alert selos alert choz.
"Gusto kasi ni Gerald na maging sila ng papa Daniel nya" Sabi ni Sherwin Natawa naman ako na Papa Daniel talaga ang tawag sa besfriend ko kaya naman nasabihan ako ng tanga ni Sherwin dahil seryoso talaga si Gerald na mapa sakanya si Daniel. Tinutulan ko naman ang plano nina Michael at Sherwin. Ano ako ginawa kong Candy si Daniel para bilhin lang ng mga nagkakagusto sa kanya, ginawa ko naman siyang bugaw siyempre bestfriend ko kaya siya at may care ako sa kanya kahit na babaero siya, ngunit nagbago ang lahat dahil sa sinabi ni Michael.
"Kung hindi ka makikipag kasundo sa amin ay ipapapatay namin si Daniel hindi mo na sya makikita bukod dun masisira ang pangalan nya pagsasamantalahan namin ang pagkalalaki nya ayaw mo naman nun diba kaya sumunod ka na lang iba panaman kung pano magalit si Gerald sigeh ka imbes makikita mo pa si Daniel ay hindi na its your choice" Natakot ako sa banta nina Michael at Sherwin, mayaman kasi sila at may kapangyarihan sa school kaya nga sila nakapagtransfer dito ay dahil Member ng Board of Regents ang ama ni Michael samantala ang ama naman ni Sherwin ay Director ng School namin kaya wala talagang laban si Daniel sa kanila. Ba't ka pa kasi naging gwapo Daniel ehh yan tuloy nasa panganib ka hayst.
Pinagbawalan nila akong sagutin si Daniel if ever na manligaw ito sa akin pano kasi pati sila naamoy na may gusto si Daniel sa akin at may gusto din daw ako sa kanya. Kaya kahit labag sa puso't isipan ko ay napa oo na lang ako sa plano nila. Mas mabuti pa sigurong maging sila ni Gerald at least nakikita ko si Daniel. Ok na din siguro na hanggang mag bestfriend na lang talaga kami.
Ang sumunod na eksena ay yung tumawag sa akin si Daniel. Matapos akong yayain ni bestfriend para magsimba ay tinawagan ko sila Sherwin tungkol dito kaya eto ang rason kung bakit kasama namin sila ngayon. Kung may magagawa lang ako ay itinapon ko na siguro itong tatlo na ito sa creek. Hala kasisimba ko pa lang ang sama ng ugali ko ahh, pero maganda naman haha.
End of Flashback.
Cindy's POV
Wait lang mahal ako ni Daniel no way bestfriend ang turing nya sakin nun no pero kinakabahan talaga ako teka nga lang muna downloading ....... download complete. Nagiilusyon lang pala ako na gusto ako ni Daniel.
Ang tanga ko bakit hindi ko sinabi sa kanila na bakla si Daniel nagpalusot pa kasi ako ayan tuloy. Tanga ko din ae no pano kaya to amm tawag na ba ako ng pulis baka pagsabihan lang ako na baliw na ako, ehh kung kay Presidente na lang oa na Cindy Maganda ka hindi ka Paranoid. Pls help me i need a solution pano kung sa kuya ni Daniel hmmmp imposible magkaaway yung dalawa na yun ae. Kung sa mama niya kaya kaso nasa US nayun ae at isa pa hindi ko alam number nun huhuhuhuhuhuh iyak na ang lola nyo pano ba.
(guys tulungan niyo naman si Cindy ohh LOL)
Kainis naman tung tatlo na to para lang sa pagnanasa kay bestfriend gagawin talaga ang lahat geeezzzz sabihin ko na kaya para din sa kaligtasan ni Daniel ae pero...
"Oh sya may gagawin pa ako sa bahay ehh bye guys kita kits sa Wed sa time ng "sanitary Engg Class, tara na Cindy ..... huy Cindy nakatulala ka nanaman anung problema? tara na huy....." Sabi ni Daniel kinuha niya kamay ko sabay alis na din sa resto.
Masama ang tingin nina Michael at Sherwin sa akin habang si Gerald ay nag paflying kiss pa kay Daniel. Wohh buti hindi nakatingin si bestfriend anung hindi dapat nakatingin sya ng malaman niya. Saan ka ba panig Cindy, sa gwapo mong bestfriend o dun sa tatlong asungot na yun?
Para akong tanga na nag sisisgaw ng help me help help help kaya. "huy Cindy anung help help dyan baka sabihin pa ng mga tao dito na pagsasamantalahan kita huy tigilan mo nga yan" lutang ako nung mga oras na iyon. Boses na pala yun ni Daniel pero tuloy parin ako sa pagwawala ko.
Nagising na lamang ako sa realidad nung nasa park na kami ni Daniel. Hawak hawak pa ni Daniel ang kamay ko. Kahit lalaki siya ay malambot ang kamay niya anu kaya ang lotion nitong bestfriend ko?, siguro hindi niya ina araw araw yun. Teka bat napunta na sa kamay ni Daniel ang atensyon ko erase erase erase kalimutan niyo na yung pinagsasasabi ko.
"Happy Friendsary Bestfriend pasensya na kung nakigulo sina Gerald sa atin ahh, at dahil Friendsary natin ay may ipagtatapat ako sa iyo, ang pinaka maganda kong Bestfriend
"Sus Daniel nambobola ka nanaman, Happy 15th Friendsary din sayo..." o see 15 years na kaming magbestfriend kaya totoo na may forever... Forever bestfriends haha bitter lang ang peg ko.
"... Ano ba yung ipagtatapat mo sa akin Bestfriend?". Dahan dahang lumapit sa akin si Daniel habang hinahawakan niya ang dalawa kong kamay siyampre ako naiilang sa ginagawa niya pero di ko ito ipinakita sa kanya teka bat naiilang ako?" Tsss..
"Hindi ako Bakla Cindy, Lalaki ako, nagpangap lang ako".
BINABASA MO ANG
My boyfie is gay WEWZ
RomanceAll characters appearing in this work, and the events are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead and real events, are purely coincidental. ps. if ever na may ibang story na halos katulad nito i swear na coincidental lang siya at...