"Medal.." Narinig ko ang boses ni Tammo sa earpiece ko.
"Hindi ko na naman nagawa?" Sabi ko sa panghihinayang na boses. Halos pangatlo ko na 'tong misyon na hindi napagtatagumpayan. Hindi naman ako ganito noon. Ako palagi ang unang nakakatapos ng mga misyon ko at siguradong malinis ito at walang bakas.
"Nakatakas sila Medal." Malungkot na sabi ni Tammo
Inis akong tumayo at sinipa ang pinagtataguan ko. "Putangina naman!"
Nang marinig ko ang ingay ng chopper ay inis kong niligpit ang gamit ko at hinintay ito na magbaba ng harness. Inalalayan ako ni Tammo papasok sa chopper at kinuha ang mga gamit ko.
"Bossing! Ano, tara inom?" Bungad sa'kin ni Pablo ng nakaakyat nako. Inis ko siya tiningnan na naging dahilan para tumahimik siya.
"Nakita mo ba kung saan sila pumunta Tammo?" Tanong ko. Umiling siya at muling ibinalik ang tingin sa laptop.
Sila ang team ko. Si Tammo ang taga-track ng mga target namin. Si Estefani ang taga-drive ng chopper, sina Black at Ymma ang back-up ko kung sakaling magkagipitan, at si Pablo ang walang ambag at taga-sul-sol lang.
"Nandito na tayo guyzes." Imporma ni Estefani at naramdaman kong bumaba ang chopper.
Inalalayan ulit ako ni Tammo na bumaba at saka niya kinuha ang mga gamit niya.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Black sa balikat ko, "Naghihintay ang supremo sa opisina niya." Tinanguan ko siya at nalakad papasok sa building.
Sumalubong agad sa amin ang malakas na boses ni Diego. "Panibagong misyon panibagong sablay na naman. Tsk tsk tsk."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa harap ng opisina ng supremo ay kumatok ako ng tatlonh beses bago binuksan ang pinto. Sumalubong sa aking ang dismayadong mukha nito.
"Anong nangyayari sa'yo Medal?! That was the biggest syndicate leader in the country! Alam mo ba kung anong ginawa mo?! Ngayon, mas mahihirapan na tayong makuha siya. He deals with different kinds of illegal drugs, Medal! He sells women for a living and abuse children! Akala ko ba ayaw mo sa gano'n?!" Sigaw niya.
Niyuko ko ang ulo ko at kinuyom ang mga kamay. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata ngunit pinigilan ko ito.
"I'm not gonna say I'm disappointed in you Medal, dahil alam kong disappointed ka sa sarili mo bago ako." Bumuntong hininga siya, "Might as well take a little vacation. To clear your head up. Hmm? Sige na, okay lang yan."
Tiningnan ko siya at niyakap.
BINABASA MO ANG
The Sea Waves
RomancePaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay makatagpo mo ang taong inaakala mong hindi mo na makikita? Ril Medal Avoro has always wanted to be something more than she ever is. She always wants to thrive more than what she did before. Many call her...