First Page

5 0 0
                                    

2 years ago..

"Alice!" narining kong tawag sa akin ni Riza. Kaya Lumingon ako sa kanya

"Hmm? Ano yun?" Tanong ko sakanya

"Ano bang ginagawa mo dyan? May orientation yung mga freshmen, kaya dapat nandun tayo sa Auditorium para mag assist. Tinuringan pa namang tayong 2nd year representative nakatambay ka lang dyan?" sermon niya sa akin.

"Nag s-sketch lang ako. Wala kasi akong magawa." niligpit ko na yung mga pencils ko at nilalagay sa pencil case

"Sketch? Sketch na naman? Hindi ka ba nag sasawa kakadrawing?" sabi niya sabay kuha ng skecth pad ko at pinagbubuklat ang mga pahina

"Hobby ko lang ang pag s-sketch pag wala akong ginagawa. Pero dahil sinabi mong kailangan tayo para mag assist. Halika na." Tumayo na ako, hinila ko na ang braso ni Riza para makapag lakad narin. Mukha kasing namangha siya sa Sketch ko

"Ang gaganda nito Alice! First time ko lang makita anong tawag dito sa mga sketch mo?" pinakita niya pa sa akin yung isa sa sketch ko

"Hmm. Landscape ata?" sagot ko

"Ata? Hindi ka sigurado kung anong klase ang pinag s-sketch mo?!" inabot niya na sa akin yung sketchpad

"Hindi. Sabi ko naman sa iyo hobby ko lang ito, wala naman akong alam sa ibat-ibang klase ng pag iisketch at kung anong tawag." paliwanag ko sa kanya

"Pero malay mo. Sa simpleng hobby mo na yan? Magkakaroon ka na ng magandang kinabukasan!"

"Dahil lang dito? Malabong mangyari yan. Ang alam ko bihira lang na pag tuunan ng pansin dito sa pinas ang mga artist. Kung sa ibang bansa siguro pwede" sabi ko sa kanya

"Mismo! Ayun na nga yung pinupunto ko. Sa ibang bansa ka uunlad! Di ba ang galing?" sabi niya na para bang kumikislap ang mata niya

"Ano bayan Riza. High School palang ako. Tsaka na yan"

Dumeretcho na kami ni Riza sa Auditorium. Kakatapos lang ng break kaya wala ng masydong estudyante na pagala-gala. Pag dating namin doon, sinalubong kami Kuya Troy, 3rd year representative namin. At siguro may balak siyang maging President next school year.

"Hi Kuya Troy!" Bati ni Riza

"Oh. Nandito narin kayo, Alice at Riza. Kanina pa namin kayo hinihintay" Kuya Troy

"Ito kasing si Alice! Pa VIP ang peg at kailangan ko pang sunduin" Ito talagang si Riza. Kahit kailan ang kulit

"Sorry po Kuya Troy" paumanhin ko sa kanya

"Ano ka ba Alice ayos lang. Sige punta na kayo sa pwesto  niyo" sabi ni Kuya Troy tsaka pinat ang ulo ko.

Naglakad na kami papunta sa Pwesto namin kung saan kami mag babantay at mag aassist habang may orientation na nangyayari..

Nagulat nalang ako nang siniko-siko ako ni Riza..

"If I know may gusto lang sayo si Kuya Troy. Alam mo bang strict yan? Kaya nga bagay siyang maging President next school year. Matalino na Gwapo pa!"

"Hay nako Riza . Ayan ka na naman. Walang gusto sa akin si Kuya Troy, kapatid lang ang turing niya sa akin, sa atin." paliwanag ko

"Nagsalita ang manghid" bulong niya, pero narinig ko naman

"Huwag kang bumubulong bulong Riza kung naririnig ko naman" pabiro kong sabi sa kanya

"Sadya ko yun hahaha"

I Still Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon