Best, pwede pa ba?

128 7 6
                                    

Best, Pwede pa ba?

Copyright © 2013 by bLackrabbIt13

All Rights Reserved.

---

[Therez's POV]

"ajsbsjsb! Uwaaah!" bulalas ko ng makita ko ang hinahanap ko sa facebook. Em so happy that i found him. Its been a long time na rin kasi. Paano ba naman, lumipat kami ng bahay 6 years ago. Tapos ngayon pumunta ako ng ibang bansa. At ang masama WALA KAMING COMMUNICATION. Errr FYI people, bestfriend ko po pala ang hinahanap ko. Hindi ko po boyfriend o kung ano mang ek ek. Pero kung pagbibigyan. Pwede! Pwedeng pwede!

*friend request sent*

"Its been a long time na rin ano? Naaalala mo pa kaya ako?" humalumbaba ako sa harap ng aking sirang laptop. Opo sira po ang aking laptop. Nagloloko siya at minsan nagagamit minsan hindi. Tinotopak ei.

*vibrate*

"nak ng palaka sino 'tong panggulong 'to?" inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa tukador sa tabi ng aking study table. Pagtingin ko sa phone ang akin lang palang kakambal. Chooos, hindi ang aking ate. Nangangamusta. Broken hearted daw. Hahah, hindi pala. Pilit kinakalimutan ang kanyang crush. Mali pala, nakalimuntan nya na pala. Ang gulo ko 'no? XDDD

Pagtapos naming mag chismisan ni aking Ate tungkol sa mga lalaki ay humarap akong muli sa aking tinotopak na computer. And guess what? Ajdvsnbs! Trystan accepted my friend request! And he's online!

Oo Trystan pangalan nya. Party party tayo! Kasi inaaccpet ni Bestfriend slash crush slash future boy..friend...

Oo crush ko po ang bestfriend ko. And hoping na.. Haaay *sighs* Its been a long time. Can he still remember me? Naaalala nya pa ba yung mga kulitan namin?

Agad akong nakipag chat sa kanya. After several minutes ay nag reply siya. Pero...

"sorry ah, pero busy ako ngayon. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap.."

Boom Shakalaka! Akshhgjs! Ansaveh? Oh yan ano napala ko? Ang galing! Nasa ko ay masakit!

Sumimangot ang aking mukha at pakiramdam ko ay bigla na lang akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Inilog out ko na ang aking facebook at humiga na lamang sa kama.

Pagkahiga ko ay biglang nagflash back sa aking isipan ang mga nangyari 6 years ago.

- F L A S H B A C K -

"asan na kasi si bestfriend ko?" luminga linga ako sa paligid at nagbabakasakaling nagtatago si Trystan kung saan man. Pero higo ako. kahit ilang beses ko pang lingain ang paligid. Kahit pa ilang beses ko iikot ang aking ulo este iikot ang tingin ay hindi ko pa rin talag siya makita.

Biglang bumusangot ang aking mukha at napatungo.

Asan na ba kasi siya? Alam nya namang ngayon ang lipat namin ng bahay diba? Bakit ba wala siya? Hindi man lang ba siya mag papaalam sakin? Hidni nya ba ako mamimiss?

Dahil sa sobrang pag kainip ay napag pasyahan kong sumakay na sa sasakyan. Tinatawag na rin kasi ako ni mama. Aalis na daw kami.

Sa huling pagkakataon ay nilibot ko ng tingin ang paligud at nagbabakasakaling andon siya. Pero bigo ako.

Naka sakay na ako sa jeep ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko. Paglingon ko nakita ko ang aking pinsan. Hingal na hingal mula sa pagtakbo. 

"oh pinsan ikaw pala! Nakita mo ba si ---" hindi na ako natapos sa aking pagtatanong kung nakita niya si Trystan dahil bigla siya lumapit sa'king may tenga at bumulong.

Constellations☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon