Pag-ngumiti ka, Akin ka!

133 5 2
                                    

Pag-ngumiti ka, Akin ka!

Copyright © 2013 by bLackrabbIt13

All Rights Reserved.

---

[Luke's POV]

"Good Morni---"

"Asan na yung mga pictures na due today? Kailangan natin yun para sa exhibit mamaya! Diba sabi ko sa inyo una nyo yung asikasuhin!" hindi pa nakakatapos bumati ang iba kong mga kaklase ay sinigawan na agad sila ni Mika.  Mika is our club president. Hindi ko nga pala nasabi pero kasali ako sa Photography club ng school namin.

"Eh, ma'am Mika, on the way na po si Claire dala yung mga picture na pina-develop.." sagot ng isa kong kaklase na lumpit kay Mika. Kunot na kunot pa rin ang kanyang mga noo. Paano ba naman, ang hirap kayang maging President, lalo na pag maraming inaasikaso! Kaya iniintindi ko na lang si Mika kapag galit.

"Anong tinitingin tingin mo?" bigla akong napabalik sa'king senses ng maramdaman kong may nakatayo na pala sa'king harapan at ang malala ang lapit pa ng boses. Pag tingla ng ulo ko ng kaunti, bumungad sa'kin ang galit na mukha ni Mika. Nakapamey-awang pa siya sa'king harapan.

Agad kong naibaba yung hawak kong DSLR na camera at saka tumayo. Iniiwas ko ang tingin sa kanya kasi nahihiya ako, nakita nya akong nakatingin sa kanya. 

"Ano kasi.." bigla akong natameme. Ano ba yan Luke? Bigla na lang umurong yang dila mo!

"Ma'am andito na po ang mga pictures na pina-develop.." nag-iisip pa ako ng maiisagot kay Mika ng biglang dumating yung Secretary nya.

Agad na umalis si Mika at iniwan akong nakatayo. 

Haaay, baliw ka kasi Luke! Anyareh sa'yo? Natotorpe! Daig mo pa ang makahiya sa katorpehan! Ang makahiya natiklop pag nalapitan. Eh ikaw, nalapitan mo na lalo ka pang tumiklop! Aiiish! (>__< !!)

Oo, tama ang hinala nyo. May gusto ako kay Mika. Kaya nga lang. Ayun, langit s'ya; lupa ako! Paano ba naman siya Presidente ng club namin; ako? pssshh, hindi naman sa baguhan. Errr yung iba kong mga kuha pinanlalaban namin sa mga exhibit. Yung iba lang, karamihan ayun, nakalagay lang dito sa'king DSLR. Kaya ayun.

Constellations☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon