UEL4

16 0 0
                                    

TRISTAN POV

"Uhrg! Ang bingi naman ng babaeng yun oh. Nasabi ko na sana eh! Tss." Padabog akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis at humiga na.

Flashback....

"Arte naman neto. Dami pang next time. At tsaka magde- date pa naman tayo."

Pahina ng pahina na yung boses ko. Puteks!

"Franz ito na yung order niyong Halo-Halo special." Ate May! Wrong timing ka! Tss.

"Salamat po Ate May."

"Oy ano yung next time Fris? Hindi ko kasi narinig ng dumating si Ate May." Naman oh! Dumadamoves na nga ako hindi niya pa narinig. Tss. Shete!

Present time...

Hmmm. Isip-isip!

Paano na to. Graduate na kami bukas hindi ko na siya laging makikita. Hindi ko na laging makikita yung Lanz na yon. Tss.

Graduation Day...

ALLANA's POV

Ito na ang most awaited event ng isang high school student -ang graduation.

Blaah Blaah Blaah. Haha

waaaaaaah! Sa wakas we're officially graduate!!!

"Allana congrats!"

"Thank you sir Brando. Huhu. Mamimiss po kita sir."

"Sus. Dumalaw ka nalang dito sa school pag may oras ka ng makapagkwentuhan parin tayo." Sabay gulo ng buhok ko.

"Aayyyy. Sir naman eh. Ang maganda kung hair. Haha."

"Haha. Asus. By the way high way mauna na ako pupuntahan ko pa kasi si principal."

"Sige sir. See you around." At umalis na si sir.

Hahanapin ko nga muna si Fris. Hehe

*lakad lakad habang papalakad ako palabas ng gym ay nakita ko na siya sa pinto ng gym.

"Ayon!" Pabulong kung sabi nang makita ko si Fris.

Teka! may kausap ata siya. Malapitan nga. Hihi.

Nang papalapit na ako nakita ko si mama!

Bakit naman niya kausap si mama?

Kaya nagtago likod ng pinto. Wala namang dumadaan kasi busy pa ang mga estudyante sa pagpapapicture. Tss.

"Tita tungkol po sana sa tinanong ko sayo kanina. So pwede po ba?" Tanong ni Fris kay mama.

"Hindi pwede hijo. Hindi pa siya ready sa mga ganyan." Kalmadong sagot naman ni mama.

"Pero po sana bigyan niyo ako ng chance para sa anak niyo."

"Oh gosh! Tama ba yung narinig ko?? Chance daw. Ako ba yung tinutukoy niya? Waaaaah!" Yan ang nasa isipan ko ngayon

"Hijo mga bata pa kayo. Dapat unahin niyo muna ang pag-aaral niyo kesa sa mga ligaw-ligaw na yan." Maawtoridad na sabi ni mama.

"Mama! Ang KJ niyo! Magkakalovelife na ako oh! Please naman Tristan fight for me." Sabi ko pero nasa isip ko lng yan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman ngayon.

Masaya ako dahil may feelings din pala ang hinayupak na si Tristan para sakin. At nakakalungkot ring isipin na against si mama sa amin. Tss.

"Pero po. Hindi po ako magiging distraction sa kanya. I swear"

"I sain no! Get it!" Putcha! Mama naman! Galit na siya. Uhrg!

"Uhmm. Sige po. Pero I'll prove myself to you na one day pwede na ako sa anak niyong si Allona (pronounced as : Alyona)."

What the hell! Akala ko ako na eh. Bakit siya pa?!

Hindi ko na kaya pang makinig sa kanila! Ang sakit na! Umasa lang ako. Walang hiyang mga luha to! Traidor kayo!

"Bakit kusa nalang kayong tumutula?! HA! HA!" Sabi ko habang patakbong umalis kung saan ako nagtago. Dumaan ako sa ibang pinto para makalabas na sa gym.

Wala na akong pakialam kung maghanap sila sa akin ang gusto ko lang ngayon ay ang mailabas ang kalungkutan at ang pagkabigo ko.


Dinala ako ng mga paa ko sa isang puno na medyo malayo sa gym. At doon na ako umupo at umiyak ng tuluyan.


"Shete naman! Akala ko hindi ako masasaktan kahit na one-sided love ang meron ako. Pero bakit ganon?! Malas ko naman! Assumera pa!" Inis kong sabi ng natigil na ang pag-iyak ko.

"Eh! Kasalanan mo yun noh! Alam mong wala kang patutunguhan sa kanya tapos minahal mo siya. Tss. Baliw. Hahaha." Sabi naman ng other half ko.

"Eh bakit si Allona pa? Hindi naman sila gaanong close dba?. Ako kaya ang lagi niyag kasama." Sabi ko

"Eh sa ayaw niya nga sayo. At yung maganda mong kakambal ang gusto niya." My other half.

Oo may kakambal ako. Mas matanda lang siya sa akin ng 3 minutes. Kambal nga kami pero medyo malayo ang pagkakahawig namin sa isat-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love (Jadine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon