***
"May gusto kaya sya sayo!"
Hindi ah. Hindi yan totoo. Wala syang gusto sakin. Ako? I mean--Sakin? May gusto? Sya?
Totoo naman eh. Walang kagusto-gusto sa itsura ko. Hindi naman ako ganun kaganda tulad ng mga kaibigan ko. Baka nga maniwala pa ako na magka-gusto sya sa mga kaibigan ko.
Tama na kasi. Susuko na nga ako eh. Bakit nyo ba sinasabi sakin ang bagay na yan?
Ayoko nang mag-assume pa. Wag kang assuming, MJ. Oo tama yan. Wag akong maging assuming. Masakit mag-assume. Naranasan ko na yan, for sure naranasan nyo rin.
Ako si Maria Jessica Rosales. 3rd year highschool. Isa lang ako sa mga normal na babae dyan. Ewan ko nga kung bakit ako napasama sa mga kaibigan kong magaganda may pagka-luka nga lang. Tahimik ako. Hindi ako ganun ka-friendly. Nagkaka-topak lang ako pag-kasama ang mga kaibigan ko. Madali lang akong matawa, as in kahit waley yang jokes mo may pag-asang matawa ako.
Pero pagdating sa pag-ibig, isang nalaking WALA. May nagugustuhan ako pero alam ko namang WALA syang nararamdaman sakin.
Sino ba namamn ako para magustuhan nya diba? Walang pag-asang magugustuhan nga ako. Unang-una hindi naman ako maganda, pangalawa walang kagusto-gusto sa ugali ko.
Hindi ako positive tulad ni Yna. Hindi ako friendly tulad ni Danielle. Ano ako? Yung kabaligtaran nila.
Nega nga ako. Paki nyo ba?
"Jay-Z!" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang pangalan na yun. At tama nga ang hinala ko, tinawag sya ng barkada nya.
Kuya Jay-Z malalaman mo pa kaya? Sana naman hindi...
Nakatingin lang ako sa kanya. Ngumiti ako yung malungkot.
Sana... sana hindi mo malaman ang nararamdaman ko...
Tatalikod na sana ulit ako nang bigla syang napatingin sa pwesto ko. Our eyes met. Gusto ko sanang umiwas ng tingin at umakto na parang walang nangyari.
Pero parang may magnet sa mata nya. Hinihila ako palapit sa titig nya. Napalunok ako.
Parang naglalaban kami ng staring contest, walang nakurap, walang naiwas ng tingin.
Puso kalma lang! Wag kang lumabas please lang. Wag mong ipakita sa kanya na naaapektuhan nya ako. Kalma lang, puso.
Gusto ko nang umalis dito sa kinatatayuan ko pero parang may sariling utak ang mga paa ko at hindi naalis ng pwesto. Katawan, maki-cooperate ka naman oh!
At ikaw naman Jay-Z! Umiwas ka na ng tingin! Nahihirapan na akong takpan ang nararamdaman ko eh.
"Oy! M, nakatulala ka na naman dyan. Tara na, magsisimula na ang klase." Napaharap ako sa tumawag sakin. Kung sino ka man maraming salamat! O hindi?
Si Yna =__= Nako! Aasarin na naman ako nito or worst, dadaldalin nya ako.
"Oh? Bakit ka ganyan makatingin? Nakita lang kitang nakatayo dyan na parang ewan. Pasalamat ka nga at tinawag kita eh. Teka nga, ano ba ang tinitingnan mo?" Sumilip sya sa may likuran ko. Nung una, medyo nagulat sya tapos unti-unti ngumiti na sya ng nakakaloko.
Hindi ko gusto ang mangyayari.
"Ikaw MJ ah, hindi mo sinabi sakin na tinitingnan mo pala si Ku--" Agad kong tinakpan ang bunganga nya at dali-daling kinaladkad sya.
"Ah Yna, tara na nga! May quiz tayo diba? Nakalimutan kong mag-aral, patay! Pumasok na tayo ng maka-pag-aral pa ako." Sabi ko habang kinakaladkad ko sya. Tinaasan nya lang ako ng kilay na parang sinasabpi na: "Anong sinasabi mo?"