"Hoy okay kalang?" napabalik ako sa katinuan ko ng pitikin ako sa noo ni Scirelle.Napahawak ako doon dahil masakit, pero hindi ko sya masamaan ng tingin tulad ng ginagawa ko kay Kuya dahil nahihiya ako? "O-okay lang" muntik ko ng sampalin ang sarili ko dahil nauutal ako!
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin, Nagkibit balikat lang sya.
"Tara na" aya sa'kin ni Scirelle.
"Tara" sabi ko at tumingin kila Kuya. "Tara na Kuya" sabi ko sakanya.
"Huh? e 'diba sabay kayo ni Scirelle?" parang naguguluhan pa s'ya.
Wait what? So pati pag punta sa school e kami lang dalawa ang mag kasama?!
"Ibang gate kasi ang papasukan ng Senior sa College Kelzer, baka mahaba na ang pila pag dumaan pa kami sa Senior. Alam naman ni Scirelle kung anong gagawin" pagpapaliwanag ni Ate Erich.
"Ahh okay" sabi ko nalang at kinuha ang bag ko. Tumingin ako kila mommy na hindi naman pala nakikinig sa usapan namin. lumapit ako saknya at humalik sa pisngi. "Una na kami mom" paalam ko sakanya at nitap at ulo ni kakay "See you later baby"
Lumabas na kami sa bahay at nakasakay na sa sasakyan sina Ate Erich at Kuya. 'yung sasakyan namin ang ginamit nila. Mercedes-Benz Black C63 'to.
Sumunod ako kay Scirelle sa garahe at lumapit sya sa White BMW i8 specs. woah.
pinagbuksan nya'ko ng pinto, sunod ay pumasok na sya sa Driverseat. May lisensya ba'to?
Nang makita nyang nakatingin ako sakanya'y inangat nya ang isang card na may pangalan nya. "May licence na'ko" sabi nya kahit hindi naman ako nag tanong.
tumango nalang ako at tumingin sa harapan. Smooth ang pagpapatakbo nya, pero ang tahimik. Hindi pa naman ako sanay na tahimik, buti pang pag si kuya kasama ko e puro bardagulan kasi sa loob ng sasakyan.
isang minuto ang nakalipas ay nagsalita na s'ya. pero sana talaga hindi nalang. "Ba't ang tahimik mo? hindi ka naman ganyan dati ah" at tumawa pa s'ya.
"h-ha?" parang akong tanga na walang masagit at nautal pa.
Ngumisi s'ya. "Nautal pa nga" at tumawa ng mahina.
"Stop it Sci" sabi ko at umirap, tumawa lang s'ya at hindi na nagsalita. "Sa'yo 'to?" tanong ko dahil ayoko talaga ng tahimik huhu
"Mm-mm" tumango pa s'ya. "Bigay sa'kin ni Daddy mung birthday ko last year." dugtong nya
"buti pinayagan ka?" tanong ko ulit
"e napilit ko e, tsaka nakakuha din naman agad ako ng lisensya kaya wala na silang nagawa" paliwanag nya at tumango nalang ako. "Ano nga palang strand kukunin mo?" s'ya naman nagtanong ngayon.
"STEM" simpleng sagot ko.
"Architecture nga pala" bulong nya pero narinig ko. Napatingin ako sakanya. Bakit alam nya? "Sinabi mo sa'kin nung bata tayo" parang narinig akong nagtanong.
Architect ang gusto ko simula bata pa, palagi kasi akong sumasama kay Daddy noon sa site. "Ikaw ba?" tanong ko sakanya.
"STEM din" anya, napalingon ako sakanya. "hindi mo na ba tanda?" lumingon s'ya sa'kin bago lumingon ulit sa daan. Umiling ako. "Engineering" Anya at tumango ako
Dun ko nalang naalala ulit na sinabi nya nga pala sa'kin 'yun nung bata kami. "Ahh oo nga pala" sagot ko nalang. Niliko na nya ang sasakyan papasok sa Campus. Marami ngang tao. Hininto nya ang sasakyan. "baba ka na muna d'yan, magpa-park lang ako, hintayin mo'ko d'yan 'wag kang aalis"
BINABASA MO ANG
One good mistake
Teen FictionCOUNTING SERIES 1 Childhood best friends, Miracle Aizher Venasquez, Scirelle Hash Huston, they were both happy, until Lavigne Fritz Ytal and Dane Eziquell Fuertez entered their lives. They're friendship is strong until a mistake happens. 'good mista...