CHAPTER ONE
Five years later
“PAMBIHIRA ka namang bata ka! Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang makikipag-away? Ano na naman ba ang nangyari at gusto akong makausap ng teacher mo?”
“Nanay, ang sabi mo sa ‛kin, kapag nasa tama ako, ‛wag kong hahayaan na awayin ako ng ibang bata. Sabi mo pa, kahit ganito lang ang buhay natin, mabubuti tayo,” pangangatwiran ng anak ni Charlotte na si Michaella.
Sa totoo lang, puputok na yata ang mga ugat ni Charlotte sa utak dahil sa pangangatwiran ng kanyang anak. Sa edad na anim, magaling na mangatwiran si Michaella. Kitang-kita na rin ang attitude nitong paniguradong hindi sa kanya namana. Habang pinagsasabihan kasi ang anak, lalong tumitindi ang pangangatwiran nito. Although hindi siya sinasagot nang pabalang ni Michaella, hindi pa rin niya maiwasang mainis dahil para itong matanda kapag kausap. Palibhasa silang dalawa lang naman ang magkasama sa buhay.
Hindi na naman maiwasan ni Charlotte na mapabuntong-hininga nang maalala ang nangyari sa school na pinapasukan ng kanyang anak. Pauwi na sana sila kanina pero naudlot iyon nang bigla siyang tawagin ni Miss Reyes, ang adviser nina Michaella. Pinakiusapan siya ng napakabait na teacher ng kanyang anak na maagang pumunta kinabukasan dahil may mahalaga raw silang paug-uusapan. Tungkol daw iyon sa mga ikinikilos ni Michaella at sa pakikitungo nito sa ibang kaklase. Hindi man siya deretsahin ng guro, alam niyang tungkol iyon sa napakatinding attitude problem ng kanyang anak.
“Nanay, are you mad?”
“Yes, galit si nanay. Kaya sabihin mo na ahil pumasok ang suki niyang si Mrs. Morales sa RTW and novelty shop na pagmamay-aari niya. Pagkatapos asikasuhin si Mrs. Morales ay nilingon niya ang anak na si Mikos para ayain nang umuwi. Nagulat pa si Charlotte nang sa paglingon niya ay hindi niya nakita ang anak. Kahahanap ay inabutan niya si Mikos na naglalaro sa labas ng shop. Marami pa namang sasakyan na humahagibis sa tapat ng tindahan, palibhasa ay maluwang ang kalsada at kakasya ang tatlong sasakyan. Ganoon na lang ang nerbiyos na biglang umatake sa kanya isipin pa lang ang maaaring mangayri sa anak.
Ang isa pang inaalala ni Charlotte ay mahina ang baga ni Mikos. Sa katunayan ay may hika ito at pawisan lang ang likod katatakbo ay hinihingal na. Kaya naman ingat na ingat siya sa anak.
Aminado siyang medyo napabayaan noon si Mikos ipinagbubuntis pa lang. Palibhasa ay madalas na kapos, hindi niya nabili ang karamihan sa mga inireseta ng doktor na mga vitamins daw na kailangan ng isang buntis.
Niyakap siya ni Mikos. “Sorry,Nanay. Nainip po kasi ako kaya lumabas muna ako,” paliwanag ni Mikos na sa edad na mag-aapat na taon ay matatas nang magsalita.
“Anak, alam mo naman na hindi ka puwede makipaghabulan at mausukan sa labas, 'di ba? Mamaya masagasaan ka pa sa labasan. Isa pa, gusto mo ba na lagi kang hirap huminga sa gabi?” pangaral niya sa anak.
“Ayaw po,” naiiyak na sagot ni Mikos.
Naaawa si Charlotte sa anak. Kung sana lang ay normal ang takbo ng buhay nila. Hindi na sana nila kakailanganing mag-ina na magtago.
Bigla ay naalala niya ang ama ni Mikos. Kumusta na kaya siya? Maayos na kaya ang buhay niya?
“Halika na, uuwi na tayo at papalitan kita ng damit.”
Sumunod naman ang anak sa kanya. Nang makarating sa kanilang bahay, binihisan niya at pinatulog si Mikos. Napabuntong-hininga si Charlotte habang pinagmamasdan ang anak. Mayamaya pa ay bumaba na siya at dumeretso sa sala. Nakita niyang nasa kanugnog na kusina ang kanyang Mama Alma at nagluluto ng merienda. Nilapitan niya ang tiyahin at nagmano.
“Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumusta naman ang tindahan?”
Napangiti si Charlotte. “Okay naman, ho, 'Ma. Malakas pa rin naman ang kita. Medyo nakakapagod nga lang, lalo 'pag maraming tao. Kaya nga po iniisip ko kung kailangan na bang magdagdag kahit isang tindera pa.”
Hinagod ni Mama Alma ang kanyang likod na tila ba inaalo siya. “Kung sa tingin mo ay hindi n’yo na kakayanin ni Jocelyn na tumao, eh, di siguro nga ay dapat ka nang kumuha ng makakasama n’yo. Aba’y mahirap 'yan lalo pa at dinadagsa kayo dahil magpa-Pasko.
Humilig si Charlotte sa balikat ni Mama Alma. “Sana nga lang ay mapagkakatiwalaan ang makuha kong tao, 'Ma. At kung magiging maayos, baka maituloy ko na ang balak ko na pagtatayo ng isa pang tindahan.”
“Ay, sana nga at nang…” Nag-iba ang tono at ekspresyon ng mukha ng kanyang tiyahin.
Napatitig siya sa butihing ginang. Tila kasi may nais itong sabihin.
“Siyanga pala, Charlotte, may sasabihin ako,” alumpihit na sabi ni Mama Alma.
“Ano ho ba 'yon? tanong niya sa tonong nang-eenganyong magpatuloy ito.
“Dumating si Clarisse kanina… Kinukumusta tayo… at si Mikos,” garalgal ang tinig na sabi ni Mama Alma.
Nakaramdam ng panlulumo at takot si Charlotte. Ano ang kailangan ng pinsan sa kanila?

BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough
RomanceAlmost Is Never Enough is a story of a man who fell in love deeply, got ditch by his bride right on the altar, planned revenge, and ended up falling in love with a woman who hid a lot of secrets. Will our guy's love for our heroine enough to break t...