Prologue

4 0 0
                                    

“I SWEAR, that woman would never be happy! Isinusumpa ko 'yon! Pati na ang lahat ng babaeng manloloko! Damn them all!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Misagh. Nasa isang VIP lounge ng isang bar siya kasama ang best buddy na si James. Kanina pa siya umiinom. Oo, siya lang ang umiinom at ang kaibigan ay isang hamak na tagaawat lang. At tagapakinig sa lahat ng sinasabi niya.

        James patted his shoulder, for God knows how many times already. Pilit nitong pinapayapa ang kalooban niya. “Pare, tama na 'yan. Naiintindihan kita at masakit talaga ang bigla ka na lang iwan sa ere ng taong mahal mo. Pero sana huwag mong isipin na lahat ng babae ay—”

          “Pare, saan ba ako nagkulang? Tell me, because… I really don’t know why Margaux did this to me. Nanggagalaiti ako sa galit kapag naiisip ko ang pang-iiwan niya sa akin sa araw mismo ng kasal namin. Pero, ang sakit… Ang sakit-sakit kasi mahal ko pa rin siya.” Muli ay uminom ng alak mula sa baso si Misagh.

          Napailing na lang ang kanyang kaibigan, saka nagpagala-gala ang tingin sa paligid. Natuon ang pansin ni James sa magandang waitress na nagse-serve ng inumin malapit kanilang mesa. Nasaksihan niya kung paano mura-murahin ang waitress nang mabitawan ang tray na hawak at matapon ang laman niyon sa isang babaeng customer. “Okay, fine. I know this is not really a good time to celebrate, but please, try to enjoy the night. 'Tell you what, I think I found someone who could uplift your spirit.”

       Ang araw na iyon mismo ang dapat ay pinaka-memorable at pinakamasayang araw sa buhay ni Misagh. His wedding day. Pero sa kasamaang-palad ay naging worst and embarrassing day iyon ng buhay niya. Of all the days kasi na puwede siyang iwan ng fiancée na si Margaux, ang araw pa na iyon ang napili nito. He should have known, though. Biglaan din kasi ang pagpo-propose niya sa three years girlfriend na si Margaux Steffani Bermudez—beauty titlist slash model slash actress slash fashion designer. Alam niyang nabigla ito dahil hindi naman siya nagpahiwatig na nais na niyang lumagay sila sa tahimik. Career-driven ang fiancée na sinusuportahan naman ni Misagh. Kaya lang, hindi talaga niya akalain na hindi pa ito handa sa bagong buhay na gusto sana niyang tahakin nila. Hindi rin nagpakita ng pagtutol ang nobya mula sa araw na nag-propose siya, hanggang sa pag-aayos nila ng lahat ng kailangan para sa kanilang kasal. He really thought Margaux was excited as he was. Until this fateful day when Margaux’s assistant, Mickaela dropped the bomb: a message from his wife to-be telling him the wedding was off because she was not yet ready to settle down.

         Nakipaghiwalay si Margaux sa kanya at hindi na sinabi pa kung saan ito tutungo. Iyon lang ang tumatak sa isip ni Misagh kanina sa simbahan. Habang ang magulang naman niya na umuwi pa sa Pilipinas galing Norway ang lumapit sa bawat bisita upang ipaalam ang nangyari. Kasama ng mga magulang niya ang mga magulang ni Margaux—na hindi halos makatingin sa lahat ng bisita, higit lalo sa mga kamag-anak ni Misagh. Hindi rin alam nina Daddy Steffano at Mommy Margarette kung paano ipapaliwanag ang naging biglaang desisyon ng anak na si Margaux. Noon pa man ay may tendency na anak na biglang magbabago ang isip tungkol sa isang bagay ngunit hindi naman inakala na pati sa issue ng pagpapakasal ay magkakaganoon din ang anak.

       Hindi lubos maisip ni Misagh na magagawa iyon ni Margaux. Mas matatanggap pa ng binata kung ilang buwan bago ang kasal ay nagsabi na ang nobya na hindi pa ito handa na pakasal sa kanya. Kaya naman niyang unawain iyon. Hind iyong bigla na lang umalis ang dalaga nang walang pasabi at hinayaan siyang harapin ang nakakahiyang sitwasyon.

      Si Margaux pa naman ang first serious girlfriend ni Misagh. Masaya siya sa relasyon nila, at alam niyang ganoon din ito. Kung tagurian nga sila ng media at press people ay golden couple of new era. Pinagbuklod kasi nila ni Margaux ang larangan ng sports and politics at fasion and entertainment industry—siya bilang football player slash city counscilor at ang kasintahan bilang model slash actress. Added bonus nang maituturing na beauty titlist din ito. Ngunit pagkatapos ng araw na iyon ay tila kristal na humalik sa marmol at nagkadurog-durog ang pagtitiwala ni Misagh.

        It was a good thing that his best buddy, James, is with him to share with his grief.

        “Tell me, James. Bakit nagawa ni Margaux sa 'kin ito? Bakit ngayong espesyal na araw pa na ito niya ako naisip iwan?”

        “Honestly, bro, I have no idea. Maybe she’s not meant to be your other half.” Muli siyang tinapik sa balikat ng kaibigan. “All I know is that, naging mabuti kang boyfriend and fiancé sa kanya. Saksi ang buong tropa do’n. At wala kang ginawang masama, puro magaganda at sweet gestures lang na papangarapin ng kahit sinong babae na taglayin ng boyfriend nila.”

          “I know, right,” sagot niya. “And yet, nagawa niya 'to sa 'kin.”

          Inakay siya ni James. “Come on. Let’s not waste the night. You have to get laid, bro. And I have the exact girl you could do with.” Nagpaakay naman si Misagh. “Cheer up, Misagh, my man. Let’s show the world that no one can bring down Misagh Slovick. Not even Margaux Steffani Bermudez.”

          I hope you’re right, man.

  

RAMDAM niya ang malambot na kamang kinahihigaan. Wala na siyang kahit anong suot na saplot. Patindi na rin nang patindi ang pag-iinit ng kanyang katawan. Nagagawa niyon na tabunan ang kanina ay takot na naghahari sa kanyang dibdib. Damang-dama niya ang mainit na labi ng kaniig na dumadausdos sa kanyang leeg. Magaling siya… Diyos ko, tama po ba ang ginagawa ko?

Pagkatapos pagalitan at sesantihin ng amo kanina sa pinapasukang bar, umiiyak na lumabas siya ng establisimyento. Hindi pa man nakakalayo ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Isang matangkad na lalaki ang nalingunan niya. Hindi siya sigurado kung siya nga ang tinatawag nito, ngunit wala namang ibang nasa paligid. Sa ibang pagkakataon, tatakbo siya palayo kaysa pagtuunan ng pansin ang lalaki. Ngunit marahil dala na rin ng kinahaharap na problema, idagdag pa na nawalan siya ng trabahao, ay hinintay niya na makalapit ang lalaki sa halip na ipagpatuloy ang paglalakad.

Nang makalapit ay nagulat pa siya sa inialok ng lalaki na nagpakilalang "James." Hindi niya iyon linya. Kailangan mo ng pera, gaga! paalala ng praktikal na bahagi ng kanyang isip. Kaya kinakabahan man ay pikit-matang tinanggap niya ang “trabaho.” Ngayon ay pikit-mata niyang isusuko ang sarili sa isang estranghero. Hindi siya estranghero. Misagh ang pangalan niya! sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

  

 MADILIM ang buong kuwarto. Sinubukan ni Charlotte na bumangon ngunit hindi niya nagawa. Isang katawan kasi na higit na malaki kaysa sa kanya ang nakakubabaw sa kanya. Dumagsa ang alaala ng mga naganap nang nagdaang gabi. Nakagat ni Charlotte ang ibabang labi, kasabay ng kirot na nararamdaman sa buong katawan. Hindi rin niya napigilan ang pagkawala ng mga butil ng mga luha sa kanyang mga mata. The man on top of her stirred to life. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon bago pa tuluyang magising ang lalaki.

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon