Chapter 5

311 37 2
                                    


CONTINUATION AMANDA'S POV

" I love you too, bye." humarap na si Jaydee sa kung saan ako Nakatayo. Tinignan niya ako habang ipinasok sa
Bulsa niya ang cellphone.

"Kanina ka pa d'yan?"
Napakurap ako ng ilang beses nang magsalita siya.

Naramdaman ko naman na naging normal na ang pagtibok ng puso ko.

Lumunok muna ako bago magsalita

"Kakain na raw sabi ni Yaya moning. Bilisan mo habang mainit pa ang pagkain." ang malalim na sabi ko sa kaniya.

Hindi ko sinagot  ang tanong niya. Ayaw ko siyang kausapin. Naiinis ko na Ewan.

Ang sabi niya sa'kin kanina na wala siyang girlfriend, eh ano 'yon? Pinagloloko niya ba talaga ako.

Agad ako tumalikod bago siya makapagsalita pa. Nauna na akong pumasok sa loob habang siya naman ay nasa likod ko,nakasunod.

Nawawala ako sa sarili ko ngayon. Ang sigla na naramdaman ko kanina ay napalitan ng lungkot at pagkalito.

Napabuga ako ng mabigat na hangin bago huminga ulit ng malalim.

May girlfriend ang hinayupak,bwesit.

Nang  makaupo na kami ay agad ako nagsandok ng maraming kanin at kumuha ng maraming ulam. Puno g-puno ang plato ko ngayon at wala akong paki kung tumaba ako. Basta ang alam ko lang ay na-iistress na ako.

Sumubo ako ng sunod-sunod. Napansin ko naman na nakatingin sa 'kin si Jaydee,Hmp bahala ka siya.

Hindi ko siya kaya tignan ng deritsuhan sa mata kahit sa mukha pa niya.

Mga ilang minuto ang lumipas ay walang nagslita sa 'ming dalawa at para akong magkakasakit. Pinanganak akong madaldal kaya 'di ko kaya ang ganito.

Ah!kainis. Amy magsalita ka sabihin mo."May girlfriend ka pala,puny*mas ka! Nagsinungaling ka pa sa 'kin. Ipabubog kita sa 'min, hintayin mo lang!",GAN'ON!

Pero ayaw bumaka ng bibig ko. Para tuloy naglalaban na ang utak at katawan ko ngayon.

Hay,hayaan mo na nga

Naiinis din naman ako sa kaniya.

Pero seryoso girlfriend niya ba 'yong kausap niya kanina?

Baka naman mommy niya lang. Pero wala akong narinig na 'mommy' kanina at di' naman siya ganoon ka-sweet sa magulang niya.

Kanino lang ba siya sweet? Sa'kin? ayieee..

Ay! Tama na nga ang pag-iisip ng king ano-ano, Amy.

Kailan ba naging sweet sa'kin si Jaydee? S*x lang naman habol niya sa'kin, eh. Ouch.

So girlfriend niya nga iyon? Kaasaaaarr!

Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan ko si Yaya moning na magligpit ng pinagkainan habang ang mokong ay dumeritso sa sala at may tinatype sa Cp.

Psh,girlfriend niya  'yon panigurado.

Nang matapos na kaming magligpit ay hinayaan ko na ang mga maid na mag hugas ng plato.

Pumanta ko sa sala para manood ng t.v.

Nang makapasok ako sa living room ay nakita ko si Jaydee at nagta-type parin siya sa cp niya.

Psh. Masyado atang special  'tong girlfriend ni Jaydee. Unti nalang ay magdidikit na 'yong mata niya sa screen ng cellphone, e.

Umupo ako sa couch na inuupuan rin ni Jaydee pero hindi  ako tumabi sa kaniya. Walang gana kong kinuha ang remote at binuksan ang tv.

I accedintally fell in love with my hot wife  (jaymy) Where stories live. Discover now