Chapter 10

360 53 17
                                    

CONTINUATION AMANDA'S POV

FLASHBACK (4 years ago)

Nandito ako ngayon sa cafe sa labas ng school namin.
Hinihintay ko si Drev dahil may ibibigay ako sa kaniya at tiyak na matutuwa siya.

Pero malungkot ako ng kaunti dahil hindi man lang naalala ni Drev 1'st anniversary na ng relasiyon namin ngayon. Pero okay lang nasanay na ko sa ganyan siya,napapadalas na rin kasi na nagiging makakalimutin siya e.

Siguro pagnandito na siya ay maalala na niya at baka masurprise pa ako sa regalo na ibibigay niya sa'kin.

Ano kaya ibibigay niya sa'kin? Flower bouquet with haryana kaya? Eiiyiie~iniisip ko palang, kinikilig na akooww.

Ay bura, bura, baka naman iba. Ayst, huwag ko na ngalang isipin baka di pa ko masurprise.

Tinignan ko ang relo ko at lagpas dalawang oras na ako naghihintay rito.

Hay, saan naman kaya nagsusuot ang lalaking 'yon, ayaw ko pa naman pinaghihintay ako ng matagal.

Tumingin ako sa labas at halos mag-gagabi na.

Tinignan ko ang regalo ko na ibibigay ko kay Drev at hindi ko maiwasang mapangiti.

Isa itong Canon camera na matagal na niyang gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil mahal. Pero dahil mahal ko siya ay nag-ipon ako para mabili ko ang gusto niya ng hindi niya alam.

Hindi ako kumakain tuwing break time, hindi ako gumagastos except lang kung kailangan, at nagalit pa  sa'kin si mama dahil bakit pataas ng pataas  'yong mga baon ko.

Wala, e. Kung ito ang ikakasaya niya, why not 'diba?

Asan na ba ang lalakeng iyon? Sabi niya ten minutes lang daw siya, e magtatatlong oras na akong nandito.
Nagsisimula na akong mainis ah.

May nararamdaman naman akong kalabit sa aking likod.

Agad sumigla ang pakiramdam ko at iniisip na si Drev na iyon pero nagkamali ako, dahil bumungad sa'kin ay isang casher ng cafe na to.

Napasimangot ako.

"Ma'am, sorry for disturbing you pero magk-close na po kasi kami ngayon. Maaga po kami magk-close ngayon dahil icecelebrate po namin ang anniversary ng cafe.",ang may respetong sabi ng casher.

Bumuntong hininga naman ako bago tumango.

Sakto rin pala na anniversary rin ng cafe na to, kasabay sa first anniversary namin dalawa ni Drev ngayon.

Kinuha ko ang mga gamit ko.

Tumayo ako at nginitian ko muna ang casher bago nag lakad pala as ng cafe.

Naiinis ako Kay  Drev. Hindi ko alam kung nasan siya ngayon. Ganon nalang ba ka-importante ang pinuntahan niya ngayon kaysa sa'kin?

Wala namang siyang family problem at ang sabi niya ay wala namang pinapagawa sa kanila ngayon kaya ano ang dahilan niya para ma-late siya ng ganito katagal.

Tumingin ako sa paligid at halos wala ng katao-tao ngayon.

Habang naglalakad ako papunta sa parking side ng cafe para kunin 'yong bike ko ay may narinig akong nagsasagutan.

Dahan dahan akong lumapit sa ding ding at nang makasandal na ako at sumilip ako kung ano ba ang ginagawa nila.

Ehem, may pagkachismosaritsat din  naman kasi ako, hahaha bakit ba? Lahat naman siguro tyo, ah.

Nang makasilip na ako ay nakita ko agad ang isang babaeng umiiyak. Pinipilit ko namang tignan ang kausap niyang lalaki pero hindi ko siya makita dahil natatakpan ito ng poster ng cafe.

"Ano nalang ang gagawin natin?"

Ang narinig ko na sabi ng babae habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Hindi ko alam."

Ang mahinang sabi ng lalake habang nakayuko ito.

Para namang naalerto ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

Teka, familiar ah.
Napaka familiar talaga ang boses na' yon.

Kilala ko 'yon,e. Alam ko kung kanino galing 'yon.

"Hindi ko ito ginustong mangyari. Aksidente lang ang lahat ng iyon."

"Pero nandito na, Drev. Nandito na!"

Agad sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.

Humigpit ang hawak ko sa paper bag.

"I'm sorry."ang rinig kong sabi ni Drev.

Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit umiiyak iyong babae? Sino ba siya?

Hindi na ako Makatiis at lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Agad-agad akong lumapit sa kanilang dalawa.

Nakita ko agad na nagulat si drev nang makita niya ako at ganoon din ang reaksyon ng babae.

Tumigil ako nang makalapit na. Tinignan ko silang dalawa at lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Anong nangyayari dito?, ang malalim na may nginig na sabi ko.

Hindi nagsalita ang babae at nagsimula na naman itong umiyak.

Tumingin ako kay Drev.

Ito ang unang beses na makita ko ang mukha niya na takot na takot. Mandalas kasi kapag nag-aaway kami ay agad-agad kami nagbabati pero ngayon ay hindi ko masabi.

Para bang alam ko kung ano ang nangyayari ngayo.

"Sino siya?" ang nanginginig na tanong ko kay Drev pero nakayuko lang ito.

Ayokong umiiyak, pinigilan kong umiyak. Ayokong nagmumumhang mahina sa harap nila.

Tumingin ako sa babae, nang magsalita ito.

"A-ako si Jessica, classmate niya ako.", ang humihikbing sabi sa akin ng babae.

Humigpit agad ang hawak ko sa paper  bag.

May iba akong nararamdaman dito.

"Anong meron sa inyo ni Drev?", ang tanong ko habang pinipilit ikalma ang sarili.

Hindi siya sumagot.

Tumingin ako sa boyfriend ko.

"Drev,ano toh? Sabihin mo h-hindi ko kasi maiintindihan e."

"Amy, magpapaliwanag ako."

Tang*ina

"Anong ipapaliwanag mo!? Ano ba kasing ginawa mo!? Sabihin mo!", ang sigaw ko at tinulak siya  bahagya nang akmang lalapit siya sa'kin.

"Matagal na kaming may relasyon ng boyfriend mo."










Vote ka beh ah. . Okay po good night.
Kung may typo beh pakiintindi nalang beh ah.. Hahaha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I accedintally fell in love with my hot wife  (jaymy) Where stories live. Discover now