Labis kong pinagsisisihan
mga panahong nasayang;
na makasama kita,
mahal kong kaibigan.
Naging tapat at mabait, naman ako sayo,
pero lahat ng 'yon ay binaliwala mo.
Mabuti pa sana kung gayon ako ginawa ko
hindi sana tayo magkakaganito.
Totoo nga ba ang lahat ng impormasyong nakalapat,
Na ibinigay sa akin ng kaibigan kong tapat.
Dahil sa pagnanais na maibalik ang lahat,
ginawa ang makakaya pero di rin sapat.
Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon
na baguhin ang oras at balikan ang kahapon ;
Itama ang dapat maitama noon
At muling maibalik ang inaasam ko ngayon.
Kahit magkaroon pa ng pangalawang oportunidad...
hindi rin maibabalik ang dating walang katulad.
Kaya't ang nararapat ay mag-aral ng mabuti,
Dahil kung patuloy aasa ay walang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Kung Maibabalik Ko Lang Ang Kahapon
PoetrySana magustuhan niyo po ang aking tula. It's for a certain friend, and I learned a lot from that person.