Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Nang makita na ayos na ang porma ko, lumabas na ako ng kwarto ko.
Nakasuot ako ng pink shirts with Hello Kitty design at fitted jeans.
Napailing ako. Ayoko ng mga damit na ito sa totoo lang. Mukha akong bakla dahil sa suot ko. Pero dahil couple shirt namin 'to, wala akong magawa. Ang sabi niya bagay daw. So, I wore it.
Tatlong spray ng Creed Aventus ang ginawa ko at minaniobra na ang aking sasakyan.
Mapait akong ngumiti habang tinatahak ang daan patungo sa kanya.
It’s been a long time, Babe.
“Sinuot ko ang couple shirt natin. Ginamit ko din ang pabango na binili mo.”
Umaasa pa rin ako na maririnig niya ako.
Biglang kumirot ang puso ko kasabay ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko.
Kaagad ko itong pinunasan nang maaalala kung gaano niya kaayaw ang mahina, na ayaw niyang umiiyak ako.“I’m sorry, Liberty! Dahil hindi ako kagaya mo na malakas,” sambit ko habang patuloy sa pagpupunas ng mukha.
Sandali nalang, Babe. Hintayin mo ako. Malapit na ako.
Pilit akong ngumiti. Ayokong makita niya akong umiiyak.Naalala ko kung paano siya nagalit nang makita niya akong umiiyak dahil binully ako ng isa sa mga classmates ko. Fourth year college na kami noon.
Nakaupo ako at nakasandal sa pader habang nakayakap sa aking mga binti.
“Bakla ka ba?” bulyaw niya nang maabutan niya akong umiiyak sa rooftop.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa harapan ko at nakapameywang ang dalawang kamay. Nakatingin siya sa akin na may galit ang mga mata.
Umamba akong tatayo ngunit mabilis niya akong naitulak kaya napaupo muli ako. Muntik na akong mapahiga kung hindi ko lang naitukod ang dalawang kamay ko sa lupa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Handa na akong sigawan siya dahil sa kanyang ginawa kung hindi lang siya muling nagsalita.
“Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na api-apihin ka ng mga unggoy na ‘yon? Bakit ba kasi napakaiyakin mo!? Ano ka ba, bakla!?” sunud-sunod niyang tanong sa’kin.
Medyo hiningal pa siya dahil sa mga sinabi. Bigla siyang umupo sa tabi ko at umakbay sa akin.
Bahagyang nagulat pa ako sa ginawa niya kahit na madalas naman niya itong gawin sa’kin.
Hindi pa rin ako nasasanay.
Napatingin ako sa kanya. Sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang ganda niya. Singkit ang mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong, manipis at may kaputlaan ang kanyang labi, bilugan ang hugis ng mukha na mas lalong nagpadepina sa mukha niya, at maikli at medyo kulot ang kanyang buhok. At mas lalo pa siyang gumaganda dahil sa skin color niya. Morena si Liberty.
YOU ARE READING
Stay With Me
Historia CortaOne shot Gusto kong ibigay ang lahat para sa kanya. Manatili lamang siya sa piling ko.. Ngunit sadyang may isang bagay na kahit gustuhin ko ay hindi ko maibigay sa babaeng pinakamamahal ko.