#1 Craziness Overload

21 1 0
                                    

In class . .

"Iiiiimmmm gonna swingggg from a chandele-heeerrr from a chandele-heeee-eeeerr, one two three one two three three one two three one two three three."

"AAAAAHHHHH" extrang kaklaseng sumigaw at naghehesterikal lumabas na nakatakip yung tenga.

"Anyare sa taong yun Ryuu?" Tanong niya sakin.

"Hindi ba obvious?" Pabalik kong tanong sabay sagot niya "Hindi bakit an'meron?" Tanong niya naman ulit.

"Next time kasi kumanta ka ng ikaw lang mag-isa para wala ng tatakbo ng ganun ulit. Gets mo?" Sabay pat ko sa balikat niya at naglakad palabas ng room.

Agad naman ang pagsalubong sa akin ng Ate ko kasama ng mga members ng Student Council, for those who do not know siya lng naman ang weirdo at baliw na president ng SSG.

"Ryuu~ Halooo~ Watcha doing lil' bro?"

"Wag mo nga akong tawaging little bro di na bagay" masungit kong sinabi.

"Aaaaaww halika ka nga rito kiss kita, ang cute mo talaga basta nagsusungitan lil'bro" lumapit naman siya at inakbayan ako para maabot niya ang ulo ko tapos guguluhin na naman ang buhok ko na alam niyang ilang oras kong inayos sa waxx.

"Uy tingnan niyo si Ryuu ng Sophomore oh at si Miss Pres magkapatid ba sila?" Girl #1

"Malamang magkamukha sila diba?" Girl #2

"Kyaaahh ang gwapo niya talaga grabe pwedeng ako nalang ang ate niya?" Girl #3

Yung feeling na wala kang magawa kahit na sobrang nahihiya kana dahil pinagtitinginan at pinag-uusapan ka pa ng mga ibang mga students beside sa SSG.

"TA-DA!" Sigaw niya pagkatapos niya akong pagtripan. "Ang sexy mo ng tignan sa buhok mo lil bro!"

"Gosh ang gwapo talaga ng kapatid mo Miss Pres ang swerte mo naman dahil naging ate ka niya" sabay sabi ng isang member ng Council.

"Bakit maganda naman din ako ah MAS maswerte siya- (sabay turo niya sa akin pero MA na ako missing in action dahil habang busy siya dahan dahan na akong umalis sa loob ng room)

"Hoy! San ka galing at napano ba ang buhok mo may bagyo ba sa labas?" Tanong niya.

"Hindi mo ba ako nakita? Nasa labas lng kaya ako ng room pinagtripan ni ate" Sagot ko.

"Malay ko ba? Buti nga sayo ba't kasi yun pa ang na ate mo ang malas mo naman na ka ate ka ng isang exotic witch hahahaha." Sabi niya.

Napansin ko naman ang papel ko na hawak hawak niya.

"Teka akin yan ah, ikaw talaga sobra ka na ba"

"Tumahik ka nga! Busy ako sa paggawa ng assignment dito eh" Sabi niya.

"Gumagawa ka ba talaga o busy ka lang sa pangongopya ng ASSIGNMENT KO?" Sabi ko na naiirita na kasi naman wala na siyang paalam kusa nalang siyang maga-open ng bag ko tapos nakawin assignment ko tama ba yun?

"Masama ba? Friends naman tayo eh"

"Friend? Friends lang ba turing mo sa akin?" (Oops sa isip ko lang yun fellas)

"Hoy!" Sigaw niya sabay suntok sa braso ko.

"Anu ba yan hindi nga ako si "HOY"! EH ANG KULIT MO!" pasigaw ko at kung saang napipikon na ako diyan na naman niya ako aasarin ng lalo.

Tumayo naman siya na nag-aakalang mapapantayan niya height ko.

"HOY! Ahahaha namumula kana HOY! Ahahaha" Tawa niya. Sinampal ko naman siya buti nga sa kanya. Kekeke in a slow-moe naman eh sabay takip sa bunganga niya.

That Menace Girl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon