"Jamie hintay!" Sigaw ko sa kanya ang bilis ba naman mag lakad eh.
Nung naabutan ko na nakayuko parin siya.
"Jamie Paige Sora" sabi ko na parang tatay niya lang yung tipong pagpapagalitan na kayo ng magulang niyo mag-iiba agad ang pagtawag nila sa'yo. Seryoso na ako ha.
Hinablot ko yung payatot niyang braso. Nakitingin naman siya sa gilid gilid.
"Huwag ka nga mag-pout hindi bagay sa'yo" sabi ko pero umiiwas parin siya ng tingin at pilit na tinatanggal ang pagkakapit ko sa kanyang braso.
"Wag ka ba umiwas ng tingin nasa harap mo lang ako oh para kang baliw" sabi ko ulit na napipikon na sa pagka matampuhin niya.
"Eh ayaw ko ang view sa harap eh ang pangit nakaka sira ng hapon ko, bitawan mo na nga ako uuwi na ako." Sagot niya kaya binatawan ko na siya.
Kasi nag-ring yung phone ko. Kinuha ko naman at agad na sumagot hindi ko na namalayan kung sino ang tunatawag kasi nakatingin pa ako kay Jamie.
"Hello?" Sabi ko.
"Johann my baby love!!!" Arraay naman ang sakit sa tenga inilayo ko ang cp ko at tiningnan ang name ng caller. Tsk si Kiera pala to grabe ka adik wrong timing.
"Kiera busy ako mamaya ka na lang tumawag ok?" Sabi ko at agad na pinatay pero narinig ko pa siyang nagsabi na "Johann please don't hung up"
Pero na off ko na."Sino yun?" Hindi ko inaakalang andyan pa pala si Jamie.
"Wala wrong number lang" palusog kong sabi.
"Manloloko ka talaga tinawag mo pa nga siyang Kiera eh" sabi niya.
"Haha alam mo naman pala eh ba't ka pa nagtanong. Nagseselos ka lang ata eh." Tease ko sa kanya.
Nag-pout na naman siya ulit.
Sinuntok ko yung ulo niya gamit ang braso ko ang tangkad ko kasi kaya wala talaga akong kaeffort effort mambully sa mga maliliit."Aray! Hoy Ryuu akala mo bati na tayo! Hindi pa no!" Reklamo niya at nag smirk naman ako.
"Weh? Change topic agad siya aminin mo na kasi"
"Ano ka sinuswerte I will never fall for a jerk like you Ryuu. .!" Pasigaw niyang sabi.
"Kung ililibre ba kita ng isaw . . -" hindi pa nga ako nakatapos sinabi niya na agad.
"Teh Ano ka ba Ryuu joke lang yun sige na talo na ako tara libre mo na ko isaw wala namang mapapalala yung pagtatalo natin kung gutom eh" sabi niya sabay hila sa akin sa isawan.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hahayaan ko lang na wala akong reaction pero ang pangit ata kiligin ang isang lalake kaiba.
-One year ago-
Freshman palang ako at gwapo na dati pa tahimik lang talaga ako yung tipong shadow lang na minsan nag-eexist sa iba (esp girls) minsan naman hindi.
Mahilig akong mag earphone sa school at pati sa loob ng classroom kahit lowbat na cp ko nagheheadset pa rin ako wala kasing kumaka-usap sa akin at ayaw ko ding makipag-usap sa iba.
Every afternoon nakakasabay ko ang isang maingay na babae (PS hindi yn siya ganyan dati) na mahaba ang buhok kulay itim, hindi katangkaran hanggang balikat ko lang ata maputi at malinis manamit. At uhumm maganda yung tipong type ko talaga.
Iniisip ko kung pano ko ba siya kakausapin wala naman sigurong malisya kasi kapit bahay lang kami diba?
Uhm magkatabi din pala kami ng bahay nasa left side lang sila namin.
BINABASA MO ANG
That Menace Girl!
Teen FictionComedy Love story School life Family Friends and Epic Fail Events Horror Fantasy TeenFiction with a speck of dust in reality.