Kabanata 10

160 4 0
                                    

"Magiging sekretarya ka ni daniel." seryoso niyang sabi. Pilit akong ngumiti sa kan'ya upang makita niyang masaya ako sa magiging trabaho ko. Lagi akong tumitingin sa positibong sitwasyon lalo na't may nangyayari sa amin ni daniel. Itong pangyayaring ito ay magbibigay sa amin ng kapalagayan ng loob.

Bukas pa daw ako magsisimula ngunit nais daw akong ipakilala ni sir danilo sa kaniyang anak bilang sekretarya at hindi model nang kanilang brand. Hindi naman makakaepekto ang pagiging sekretarya ko sa company nila dahil maliit na model lang ako.

Hinatid ako sa ni sir danilo sa office ni daniel. Pagpasok ko ay tinignan ko kagad ang loob ng opisina. Umupo ako sa sofa na malapit sa pintuan at iniwan na rin ako ni sir danilo dahil marami pa raw s'yang bagay na aasikasuhin. Hintayin ko na lang daw ang pagdating ni daniel.

Pagsara ng pinto ay agad akong tumayo upang tignan ang mga litrato na nakasabit sa pader. Namangha ako nang makita ang mga award na nakuha ni daniel bilang isang empleyado ng kumpanya. May litrato rin silang mag ama, nakaupo si sir danilo samantalang nakatayo naman si daniel.

Pumunta ako sa table n'ya at nakita ang isang litrato na nakapatong dito. Kinuha ko ito at tinitigan. Isang lalaki na nakatayo sa gilid ng puno, labis ang saya sa kaniyang mukha. Nakita ko na s'ya nang isang beses ngunit hindi ko maalala.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok dito si daniel habang kapit ang ilang piraso ng papel. Agad kong binalik ang litrato na aking kapit. Nagulat rin siya nang makita ako at natigil sa paglalakad.

"Anong ginagawa mo dito?" agad niyang tanong na ramdam mo ang gulat.

"ah kasi-" naguguluhan kong sambit ngunit naputol ako dahil sa biglang pagdating ni sir danilo.

"Daniel s'ya 'yung sinasabi 'ko sayo na bago mong sekretarya." saad ni sir danilo kay daniel. Seryoso lang siyang nakatingin sa kaniyang tatay at pagkatapos ng sinabi ay napatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila at hindi pa rin natatanggal ang tingin sa akin ni daniel.

"Alam kong kailangan mo ng sekretarya at si bella ang nakikita ko doon." sambit ni sir danilo kahit hindi nakatingin si daniel. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip ni daniel. Hindi ko alam kung natutuwa ba s'yang makita ako o naiisis dahil sa dami ng lugar ay dito ko pa napili.

"Iwan mo muna kami, titignan ko kung pwede s'yang maging sekretarya ko." sambit niya at tumuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang swivel chair. Umupo siya dito at pinatong sa lamesa ang mga dala niyang papel.

Sinenyasan ako ni sir danilo na umupo sa upuan bago siya umalis at isara ang pinto. Nilibot ko ang mata ko upang mawala ang ilang na aking nararamdaman. Napabalik ako ng tingin sa kaniya dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Anong pumasok sa isip mo at dito mo napiling magtrabaho?" tanong niya na ramdam ko ang galit. Ngayon ay sigurado na ako na hindi s'ya natutuwa.

"Wala na akong choice, kailangan ko ng pera." sambit ko sa kaniya.

"Plano mo ba 'to?" saad niya na aking ikinagulat. Ayokong husgahan ang kaniyang sinabi kaya tinanong ko siya upang maliwanagan ako.

"Anong ibig mong sabihin?" natatawa kong sambit, sinusubukang pagaanin ang sitwasyon.

"Sinadya mo na tumira sa bahay at ngayon pati sa trabaho gusto mo kasama ako!" sigaw niya na nagpatahimik sa akin. Hindi ko inakala na pinagiisipan n'ya ako ng ganiyan. S'ya naman talaga ang dahilan kung bakit napalayas ako. Wala akong gusto sa mga nangyayari. Kahit isa.

"Ganiyan paraan mo pala ako tingnan." natatawa kong saad. Ayokong magpakita sa kaniya ng kahinaan dahil baka lalo lang niyang isipin na planado ko ang lahat.

"Hindi, ang ibig kong-" sambit niya ngunit hindi ko na s'ya pinatapos at agad lumabas ng kaniyang opisina. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas nang kanilang building. Napatingin ako sa kalangitan dahil sobrang dilim kahit magtatanghali pa lang. Mukhang uulan pa at malas dahil wala akong dalang payong.

Kailangan ko nang umalis sa bahay nila daniel dahil baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Ayokong umabot sa puntong pinagsisihan namin ang aming pagkikita. Agad akong tumakbo dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong ako sa bus stop kasama ang ilang tao.

Kinuha ko ang towel sa aking bag at pinunasan ang mga basang parte nang aking katawan. Natigil ako sa aking ginagawa dahil sa biglang paghinto ng isang sasakyan sa aking harapan. Napatingin ako nang diretso nang lumabas si daniel dito at sumugod sa ulan upang puntahan ako. Kinapitan niya ako sa aking braso.

"Magusap tayo." saad niya at hinila ako papasok sa kaniyang kotse. Tinakpan ko nang aking kamay ang aking ulo. Umaasang mapoprotektahan ako nito sa ulan. Kita ko ang tinginan ng mga tao sa amin

Umupo ako sa kotse ngunit hindi siya tinapunan ng tingin. Pinaandar niya ang kotse at dinala sa parking lot nang kanilang building. Hindi ako nagsasalita, inaantay ang kaniyang sasabihin.

"Bella, sorry nadala lang ako nang gulat at takot." saad niya sa normal na boses. Mahirap intindihin ang nararamdaman ng mga lalaki. Basta sa pagtatago ay tiyak silang magaling.

"Takot?" tanging tanong ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Naiintindihan ko na nagulat siya ngunit ang takot ay hindi ko alam kung saan nanggagaling.

"Takot na baka malaman nila na may nangyayari sa atin, na magkasama tayo sa bahay." sambit niya na alam kong totoo dahil isa rin iyan sa mga kinatatakutan ko.

"Alam kong desperada na ako sa mga ginagawa ko pero hindi mo dapat ako pinag isipan nang ganoon." saad ko at hindi na napigilan ang aking luha at tuluyan na itong pumatak.

Nagulat ako dahil marahan niyang kinapitan ang aking pisngi at hinarap sa kaniya. Pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang daliri.

"Kaya nga humihingi ako ng tawad dahil alam kong mali ang mga sinabi ko." sambit niya habang nakatingin sa aking mga mata. Ramdam ko na taos puso niya itong sinabi.

Napapikit ako nang bigla niya akong halikan. Malalim na halik. Natigil ako sa pag-iyak dahil sa kaniyang ginagawa. Tila unti-unting nawala ang aking galit dahil sa ginhawa na kaniyang binibigay.

Akala ko wala akong gusto sa mga nangyayari ngunit meron pala at ito iyon.

Fulfilling His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon