Hi guyss !
Support/share thank you!-lulu_she
------------
Shen pov
"APO ILAG"
Boogsh
Aray ! Ano ba yun? Sakit sa noo ! Hinanap ko kung ano yung bagay na nagpasakit sa noo ko at ayun isang bola. Tangina. Pinulot ko ito at tinignan si kalbo ng matalim
Inasinta ko kung gaano kalayo si kalbo at un 6 meters . linagay ko lahat ng pwersa sa kamay ko at inihanda ang sarili
"Apo, sorry. Di ko naman sinasadya eh!" Sigaw ni tanda tas nagpuppy eyes pa
Di tatalab yan sakin tanda. Isa dalawa tatlo hagis.
" wahhh. Apo sor..." Ayun sapol. Tumba si kalbo
Linapitan ko si tanda at ayun mukhang iiyak na haha arte
"Hoy kalbo di ba sabi ko sayo noon mas masakit ang ganti at salamat sa maganda mong pagsalubong sakin" sabi ko sakanya at tinalikuran
Naglakad na ako at pumasok sa bahay na pansamantala kong tirtirhan.
Walang pinagbago. Kung nasaan yung mga gamit noon dun parin. Inalagaang mabuti ni tanda ang bahay ahh. Umakyat ako sa ikalawang palapag at nagtungo kung saan ang aking kwarto. Papasok na sana ako ng makita ko ang kwarto ng aking ina kung saan nangyari.. Nangyari ang.. Urggg. Nevermind
"Apo naman. Di mo man lang ba ako yayakapin? Namiss kaya kita. Nasaan yung pasalubong ko?" Sigaw ni kalbo mula sa baba
"Sorry na! Diko naman sinasadya tsaka malay ko ba na ngayon ka pala darating." Sigaw ulit ni kalbo
Kaya naman pala walang sumundo sakin kasi di naman pala alam. Ang tanga talaga ng matandang yun ah.
Kaasar.
*Blag (sounds po yan ng isinarang pinto ni shendra hihi)
Humiga ako sa aking napakalambot na kama at ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong mahanap kong sino ang taong pumatay sa aking ina hanggat kaya pa ng katawan ko. Hanggat may lakas pa ako.
Tok tok tok
"Sorry na! Usap tayo!" Sabi ni tanda
"Pasok" seryosong sabi ko
Pumasok si tanda at tumabi sakin.
"Kumusta ang biyahe? Bat di mo man lang sinabi na darating ka para sana pinasundo kita!" Tignan mo tong matandang to ako pa sinisi
Di ko sya sinagot at nanatiling nakapikit
"Apo naman para akong tanga dito. Kinakausap ko na sarili ko. Kausapin mo naman ako. Magsalita ka naman." Naiiyak na sabi niya
"Lo, pagod ako. Wala akong oras para dinggin yang mga walang kwentang sinasabi niyo." Nakapikit paring sabi ko sakanya
"Sige na nga lalabas na ko. Ang sama mo talagang apo. Di mo man lang ako namiss. Kahit isang yakap lang" Naramdaman kong tumayo na sya at nagsimulang maglakad "lalabas na ko apo." Tuloy na sabi niya
Itinaas ko ang isa kong kamay at isenyas ang dali-alis-na gesture
"Masama. Manhid." Yan ang huli niyang sinabi bago ko marinig ang pagsara ng pinto
Salamat makakapagpahinga na ko. Sobrang pagod ngayon ang nararamdaman ko.
Bumangon na ako at nagtungo sa sarili kong banyo at naligo. Nang natapos ako ay ibinagsak ko na ang aking katawan sa napakalambot kong kama. Sarap
Pipikit na sana ako nang makarinig ako ng napakalakas na pagkabasag ng mga babasagin sa baba. Dadali akong bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa lugar na pinanggaligan ng tunog.
Nang makarating ako at makita kung ano ang nangyayari napahawak nalang ako sa aking sintido.
"Lo, ano nanamang drama to?" Bwisit na bwisit na tanong ko kay tanda
"Ayan napansin mo rin ako. Kasi naman apo namiss kita tapos di mo man lang ako pinapansin" reklamo ni tanda
"Pagod ako. Bukas na tayo magkwentuhan kung yan ang gusto mo. Please let me take my rest" buntong hiningang sabi ko sakanya
Lumapit ako sakanya at yinakap ito nang matagal. Nang Naramdaman kong gumanti ito nang yakap ay bumitaw na ko baka di na ko pakawalan eh
"Sige na nga. Goodnight apo" sukong sabi ni tanda na may kasamang flying kiss
Napapailing nalang akong bumalik sa aking kwarto upang makapagpahinga na. Para makausap ko si tanda bukas tungkol sa papasukan kong paaralan at para may lakas akong magtimpi sa kakulitan niya.
Hayyyy!
Zzz zzzz zzzz!-----------
Support/share
Pasensya na po sa pangit at magulo kong imahinasyon.
Salamat sa mga readers ko.
-lulu_she
BINABASA MO ANG
Blood for blood (onhold)
Jugendliteraturre·venge rəˈvenj/ noun the action of inflicting hurt or harm on someone for an injury or wrong suffered at their hands.