Chapter 2

36 10 0
                                    


Athena's POV

"Mattiasssssss!! Mattiasssssss! Mattiassss babeeeeee!!!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

Nasa bench kasi siya ng school namin since wala pa naman si ma'am at marami pa ring student sa labas dahil maaga pa.

I was panting hard but I managed to kiss him on the cheek. "Hiningal akoo! Mattias babe, na-miss kita ilang araw kang nawala e. Saan ka ba nagpunta? Tapos bumalik ka sa dating ikaw yung cold na masungit. May problem ba?" Tanong ko sa kanya

"Pasensya ka na babe ah, may inasikaso lang ako this past few days. Stress lang ako kaya naging cold ako. Babawi nalang ako sa'yo" aniya sakin at biglang tumayo.

Inilahad niya ang kamay niya sakin "Tara na? Sa cafeteria tayo. Treat ko, alam ko namang gusto mong pagkain e," natatawa niyang saad.

Tinanggap ko ang kamay niya at inirapan siya. "Grabe ka naman babee!" Saad ko at ngumuso pa. Tumawa lang naman siya. Hmmpp!

Naglakad na kami papuntang cafeteria. Mabibilis nga ang hakbang ko e. Hahaha hindi naman halata na excited ako no? Ng makarating kami sa cafeteria ay agad kaming nagtungo kay ate'ng tindera dahil wala namang bumibili. Tinuro ko na ang mga inorder ko. Ang mga inorder ko, di kayo nagkakamali mga talaga hahaha parang di naman ako nagbreakfast sa lagay na toh. Fries, burger, milkshake, gummy bears, Doritos hehe. Naglalakad na ulit kami ni Adrien babe pabalik sa bench upang kumain milkshake lang ang inorder niya.

Nakaupo na kami ngayon sa bench na pinag-upuan namin kanina. Kumakain na ako habang si Adrien naman ay nagbabasa na naman habang umiinom ng milkshake. Hmm chalap!

"Ang chalap talaga!" Saad ko kaya napatingin sakin si Mattias

Ngumiti naman siya "dahan dahan lang..." Saad niya at akmang ikikiss ako sa forehead ko.

"Gising na Athena! Gising na Athena!" Biglang tunog ng alarm clock ko. Inis kong pinatay ito at nagkamot pa ng ulo dahil sa inis! Panaginip lang pala! Agad akong tumayo at nag-unat nag-ipit na rin ako.

"Good morning everyone!" Bati ko sa loob ng kwarto. Kunwari nalang di ako naiinis, dahil naputol yung panaginip ko.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na papuntang kusina. Pag karating ko sa kusina inihanda ko na ang kawali.
I cooked 3 sunny side up eggs, longganisa, 3 hotdogs and fried rice na rin. Pagkatapos kong magluto naglatag na ako ng 3 pinggan. Tinimpla ko na rin si tito ng coffee at saming dalawa naman ni cayne ay milk. Inilagay ko muna sa table ang mga kakainin namin.

Tatawagin ko na sana si tito at cayne pero nakita ko na si tito na pababa na kaya si cayne nalang ang tatawagin ko.

"Good morning po tito. Ang aga niyo po ata?" Tanong ko sa kanya dahil ang aga niyang gumising ngayon.

"Good morning rin thena, kailangan kasi maaga marami pa naman daw naga-apply ngayon.." sabi ni tito at napatango tango nalang ako.

"Cayneeee! Mag-almusal na! Ang bagal bagal mo talaga!" Sigaw ko dahil malamang nagtatakip pa yon ng unan sa tenga.

"Pababa na.." matamlay na sagot nito.

Nakita ko naman siya na pababa na kaya nagtungo na ulit ako sa kusina upang kumain.

Paupo na sana ko ng dumating si cayne. "Ate naman nakakainis ka! Naputol tuloy yung panaginip ko dahil sa sigaw mo!" Biglang sabi niya at kinamot ng malakas yung ulo niya dahil sa inis. Kala mo ikaw lang! Ako rin kaya!

When The Clingy Girl Got TiredWhere stories live. Discover now