Athena's POV
"huy kiyo... Hindi mo talaga ako naaalala?" Tanong ulit ni Brittany kay yoshi.
Kanina pa sila ganyan, nakakahalata na nga ako na para bang pinagtitripan na lang ni yoshi itong si Brittany. Dahil paano niya makakalimutan ang taong isa rin sa pinagsasabihan niya ng mga problema niya? Pero possible nga iyon dahil miski ako ay nakalimutan nga siya.
Pero di ibig sabihin nun nakalimutan ko na nga siya, nag-iba lang ang itsura ni Brittany kaya hindi ko siya natandaan.
"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa'yo na hindi nga kita maalala," saad naman ni kiyoshi kaya lalong napasibangot si Brittany. Gusto ko tuloy matawa kaya lang pinigilan ko lang dahil baka lalong mabugnot itong si Brittany.
"Sakit mo naman magsalita." Sabi naman ni Brittany sa kanya. "Porket di lang alam ni athena na gusto mo siya ganyan ka na, palibhasa kasi torpe ka sayang tutulungan pa naman sana kita kay athena kaso lang sabi mo 'di mo ko maalala," pabulong na dagdag ni Brittany na 'di ko masyadong narinig pero mukang narinig naman ni kiyoshi.
"Anong sabi mo bri? Paki ulit? Tutulungan mo talaga 'ko sa kanya?" tanong naman ni kiyoshi kay Brittany. Sino kaya yung pinaguusapan nila? Hayst ang hirap ng binge! Joke malakas lang talaga ang pandinig ni kiyoshi dahil malapit sa kanya si Brittany.. isa lang masasabi ko edi isa! Joke na out of place ako.
"Luh! Anong uulitin ko? Sinasabi mo dyan kiyo? Anong tutulungan kita? Saan? Hindi ka ata nag-breakfast kaya kung ano-ano 'yang naririnig mo. Teka baka naman may sakit ka?" Saad ni Brittany at biglang hinawakan sa noo si yoshi, hinampas naman siya nito at agad na tiningnan nang masama.
"Oh bakit ka ganyan makatingin?" Inosenteng tanong na naman ni Brittany
"seryoso kasi ako bri.. tutulungan mo nga 'ko?" Tanong naman ni kiyoshi.
Kanino ba siya tutulungan?
Sino ba yung pinaguusapan nila?
Hayst!
"Ngayon naaalala mo na 'ko dahil sa sinabi ko! Parang kanina lang sinasabihan mo pa 'ko ng 'sino ka di kita kilala.'" nagtatampong sabi ni Brittany
"Bri! Joke lang naman yung kanina eh! Sige na.. tutulungan mo ba ko o ano?" saad naman nitong isa
"oo na, oo na kung di lang talaga ako shipper niyong dalawa di kita tutulungan!" Sabi naman nitong si Brittany.
Seryoso? Kanino ba kasi nagpapatulong itong kiyoshi'ng to?! May liligawan na ba siya?! Bakit di ko alam yun?!
"Seryoso guys sino ba 'yang pinaguusapan niyo? Di ako makasali sa inyo kanina sa usapan niyo eh," saad ko
Kinakain na talaga ako ng kuryosidad eh!
"Walaaaa!" "Wala thena, wala." Sabay nilang sabi
"Luh! Ang daya niyo! Hmpp!" Sabi ko
"Wala nga 'yun thena. Ge mamaya na lang babalik na ko sa chair ko," saad ni Brittany at nakita ko pang kinindatan niya si yoshi ng mapang-asar.
Para saan yung wink na yun?!
"Siraulo talaga yun," sabi naman ni yoshi habang umiiling
"Bakit ka niya kinindatan? Para saan yung wink na yun?" Tanong ko naman kay yoshi. Nagkibit balikat lang siya bilang sagot.
Nakakainis sila, ano kaya yun?
YOU ARE READING
When The Clingy Girl Got Tired
AléatoireAthena Jazleen is known as a clingy girl. She's 17 years old. She's a smart girl too. Ang mama niya ay isang ofw and ang papa niya ay may ibang pamilya na. Nakatira siya sa isang apartment kasama ang kanyang nakababatang kapatid at ang kanyang stepf...