✥✥
"Pang-ilang taon na ba ito?" tanong ni Fina habang nakatingala sa langit. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang ginagalaw ng hangin at mahaba niyang buhok.
"Siyamnapu," nakayukong sagot ng kanyang Tiya Lupe. Ang tatlungpung-taong gulang niyang tagapagbantay.
"Sampung taon nalang. Makakabalik na ako sa lugar na 'yan," ani Fina habang nakatingin sa kalangitan. Dumating ang kanyang Tiyo Sagara at yumuko sa kanya bilang paggalang. Si Sagara ay isa rin sa kanyang tagapagbantay at dalawang taong gulang lang ang angat nito kay Lupe. "Sana naman ay tumino ka na, Anitun Tabu." Tiningnan ni Lupe na masama si Sagara dahil sa sinabi nito.
Mahinang natawa si Fina.
"Ang tagal ko nang hindi narinig ang pangalan na 'yan," aniya at bigla nalang nagbago ang ngiti at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Oo nga pala. Ako si Anitun Tabu." Unti-unting lumalakas ang hangin sa paligid habang nagsasalita si Fina. Tumatawa natin ito kaya umalerto na sina Lupe. "Serafina Reva!" Sigaw ni Lupe na nagpatigil kay Fina at agad itong napaluhod tsaka binaling ang tingin kay Lupe. Masama ang tingin nito sa kanya.
"P-Pasensiya ka na, Fina. Kinailangan kitang pigilan," ani Lupe at yumuko. Tumayo naman si Sagara at inalalayan na si Fina patayo.
Serafina Reva. Ang pangalan na ibinigay sa kanya mula nang bumaba siya sa lupa at mamuhay kasama ang mga tao. Noon, siya si Anitun Tabu. Ang diyosa ng hangin at tubig na pinababa sa posisyon niya dahil sa kanyang napakasamang ugali.
Sina Sagara at Lupe ang ibinigay sa kanya na tagapagbantay. Hindi dahil nanganganib ang kanyang buhay, kundi dahil sa kanyang ugaling bigla-bigla nalang naghahasik ng lagim sa mundo ng mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng bagyo. Tanging ang pagbigkas ng Serafina Reva ang nakakapigil sa kanya.
"Masyado ka namang matatakutin, Lupe," ani Sagara at ikinarga si Fina sa kanyang bisig. Nawalan na ito ng malay dahil sa sinabi ni Lupe. Tumayo ang babae at tinignan si Sagara. "Naninigurado lang ako. Masasayang ang ilang taon na pagtitiis niya rito sa lupa kung maghahasik siya ngayon." Hindi sumagot si Sagara sa sinabi nito at tiningnan nalang si Fina na mahimbing ang pagkakatulog.
"Hindi mabait si Anitun Tabu, Lupe." Tumalikod na si Sagara at naglakad pabalik sa mansiyon para ipagpahinga si Fina. Nang maiwan si Lupe, doon niya naalala ang sinabi ni Fina nung siya ay pinababa sa lupa.
"Kahit dumaan ang isang daang taon at matapos ang parusang ibinigay ninyo sa akin, hindi-hindi ako luluhod sa harap ninyo. Babalik ako sa sisirain ko lahat ng pinaghirapan ninyong buoin! Ako ang maghahari rito at doon kayo sa lupa! Sisirain ko tayong lahat! Tandaan ninyo. Ako si Anitun Tabu!"
✥✥