Chapter 4: Soju's home

111 20 0
                                    

Chapter 4: Soju's home

S O J U

Ako ang nakatoka ngayon sa guard house. Simula 8 AM hanggang 6 PM lang ang shift ko ngayon. At kanina pa ako nababagot dito sa loob ng guard house. Wala akong pakielam sa mga taong naglabas-pasok dito sa subdivision. May isang tao lang akong kanina ko pa gusto makita.

4 PM na pero di pa rin nakakauwi sina Shun at Chan. Siguro, busy ata sa school si Shun kaya ganon.

Dahil  wala naman akong magawa ay uminom nalang ako ng kape. This is my 4th cup of coffee.

Habang busy ako sa pag-inom ng kape nakikipagtitigan rin ako sa CCTV Footages dito sa computer. Napansin kong may pamilyar na kotse ang papalapit sa gate ng subdvision. Agad kong nilagay sa mesa yung kape ko at dali-dali akong lumabas ng guard house at binuksan ko ang gate.

Nang mabuksan ko ang gate ay pumasok na ang kotse niya. At huminto ito sa harap ko saka ibinaba ang bintana ng kotse ni Shun. Lumapit agad ako sa kaniya. Wala si Chan, asan kaya ang batang 'yun?

"Dinner tayo sa bahay mamaya, are you g?" I asked him and I smiled genuinely.

"A-ah... E-eh.."

"Busy ka ba mamaya? Sa susunod—"

"No! I mean... wala. Ay! Oo, pupunta kami mamaya. I mean... sige" Shun replied to me. I can see his cheeks turned red. Cute.

"Ay wait! Hindi ko alam kong saan banda ang bahay mo eh."

"Eh? Paanong di mo alam eh, hinatid niyo pa nga ako sa bahay ko noong time na sabay tayo nag grocery eh."

"Well... wala ako sa sarili ko that time at marami akong iniisip. Hindi ko na napansin nakauwi na pala kami that time."

"Alam naman ni Chan ang bahay ko ah."

"Yun lang, hindi ko alam kung anong oras pa yun uuwi, hindi ko siya nakita sa school eh, hindi rin nag text sakin."

"Ah ganun ba, susunduin nalang kita mamaya sa bahay niyo. Since, di mo naman alam kung saan banda ang bahay ko. Ok?"

"O-okay." And he awkwardly smiled to me.

Itinaas na niya ang bintana ng kotse niya at pinaharurot niya ito palayo sa pwesto ko.

Napapansin ko talaga na nauutal siya kapag kausap niya ako. Ano bang meron sa akin at ganun siya?

Naalala ko tuloy kaninang umaga. Pagbaba ko galing kwarto ni Shun ay naabutan ko si Shun na nagluluto ng breakfast namin. Habang si Chan ay nasa stool lang ng island counter naghihintay na matapos sa pagluto ang kuya niya.

"Good morning, kuya Soj." Masiglang bati ni Chan sakin.

"Ma-maupo na ka sa stool, Soju. Dito ka na mag breakfast."

Tumabi ako kay Chan.

"Alam mo kuya Shun. Para tayong one big happy family." Saad ni Chan. Agad na napatingin si Shun sa kinaroroonan ni Chan.

"Pinagsasabi mo diyan? Wag mo'kong simulan, Chan. Please lang."

"Alam mo yun, ikaw ang mama tapos si kuya Soj ang papa at ako naman ang anak." Saka bumuhakhak ng tawa si Chan dahil sa sinabi niya.

Nagkatitigan kami saglit ni Shun at ibinalik agad niya ang atensyon sa niluluto niyang hotdog, ako naman ay napakamot nalang ng ulo.

Hanggang sa matapos kaming mag agahan panay pa rin ang kantsaw ni Chan sa kuya niya patungkol sa pagtulog ko sa kwarto ni Shun. Ang cute nila pagmasdang magkapatid. I wish I had a little brother.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon