PROLOGUE

12 4 3
                                    

PROLOGUE



Malamig ang simoy ng hangin at madilim pa ang paligid,alas kuwatro y medya palang ng umaga ako'y naglalakad na patungo sa aming paaralan.

Tahimik ko lamang  na binabaybay and daan ngunit hinarangan ako ng mga lalake na animoy wala sa mga sarili dahil sa sobrang kalasingan.

Mayroon sillang sinasabi ngunit hindi ko maintindihan,bumubukas sara ang kanilang mga labi ngunit wala akong marinig na salita.

Napayuko na lamang ako dahil hindi ko mawari kung ano nais nila.

Mukhang hindi nila nagustuhan na ako ay walang sagot sa kanilang mga sinasabi,kaya dahan-dahan at pasuray-suray na lumapit ang mga ito sa kinaroroonan ko.

Nanginginig ang aking mga kamay sa takot.Nais kong magsalita pero walang lumalabas na tunog sa aking labi.

"Ineng sa-saan ka pupumtra..?

Hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi,ngunit nakikita ko sa kanilang mga mata ang masamang balak saakin.

Onti-onti akong umatras sa kabila ng panginginig ng aking mga binti.

Nang nasilayan nila ito mas binilisan nila ang paglapit saakin na mayroong nakakikilabot na mga ngiti.

Nanlalaki ang aking mga mata at sa kabila sa labis na takot ay dahan-daahan akong tumakbo palayo sa kanila.

Pagod at hinihingal akong nakalayo,tumingin ako sa paligid ito ay isang eskinita,sa itsura nito ay matutukoy mong luma na at abandunado.

Walang poste ng ilaw,lahat ng makikita mo ay matataas na halaman at puno.

Nais ko nang pumunta sa paaralan ngunit sa kaisipan na nakaabang sa akin ang mga lasing kanina ay namutawi sa akin ang takot.

"Hihintayin ko na lamang na sumikat ang araw",sambit ko sa aking isipan.

Habang nakaupo ako sa katamtamang bato ay may nakita akong mga anino sa may likod ng puno.

Dahil sa pagtataka kung bakit may ibang tao roon ay magaan akong lumapit sa kinaroronan ng anino.

Hindi pa ako lubusang nakarating sa eksaktong lugar ng anino ay nagimbal ako sa aking nasilayan,dumadaloy na dugo ang patungo sa aking paanan.


Napatakip ako sa aking  bibig at dahan-dahan inangat ang aking paningin at nasaksihan paano paulit-ulit na binaril  ng isang lalake ang wala ng buhay na katawan ng babae.


Hindi pa nakuntento ang lalake at tatlong beses pang binaril ang ulo ng babae hanggang mawasak ang ulo nito.


Nasamid ako ng sariling laway sa nakatatakot na tawanin hind malayo sa punong kinatatayuan ko.


Dahil madilim pa ay hindi ako napansin ng lalake sa gilid ng puno,hindi ako nag-atubuling magtago sa labis na takot.

Bago tuluyang umalis ang lalaki ay nasilayan ko ang buong mukha ng lalake at nakasaluong ang malamig na mga mata nito.

Labis nanlalaki ang aking mga mata at napaupo agad sa takot na makita ako taong pumatay sa babae.

Umiyak na ako sa takot sa kaisipan na nakita ako ng lalaki at susunod na papatayin.Sa nanginginig na katawan ay pinilit kong lumingon at tinignan kung nandyan pa ba ang lalaki.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na ito nakita sa dating kinatatayuan.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa katawan ng babae at napatakip sa aking bibig sa nakita,hindi na makilala ang itsura ng babae at puno ng dugo ang paligid nito.

I was confused and afraid on  what happened , I don't know what is right to do

Because....


I don't heard something-

but

I saw someone.

SILENCEWhere stories live. Discover now