Hunting-Ch. 01

47 4 5
                                    

VICTORIA SCARLETTE CALIENTE'S POV:

*Sarangui gyeolmareun ibyeol

Geuwa dongsie nunmureul heullyeo

Eobseumyeon seophan bido naerigo

Tto ppeonhan ibyeorui gongsigeul seongnipajyo let's go

Yeah, love is incomplete,

The story of love equation

 Ibyeol jangmyeoneseon hangsang biga oji

Yeoldae urim gihu soge salgo inna

 Gin bam oeroumgwa gaeul tto—*

Pinatay ko na yung alarm ko.. na ang ringtone ay 'Love Equation' ng VIXX.

Ako po pala si Victoria Scarlette Caliente. 16 years old. Man Hunter ng barkada. Pinaka-pinakamahilig mag-hunt pala... since lahat kami puro mga Man Hunter. XD. Anong hinuhunt namin? Lalaki. Man. Obvious naman siguro sa 'Man Hunter' diba? Jk. (Sarcastic much?) Hindi ko sila pinapatay, pinapaibig lang. ;)

"Scarlette! Gising na. Malalate ka na sa school!" sigaw ni Mama.

Hindi kami close dahil mas close sila ng bunsong kapatid ko. Tss. Pake ko diyan? Hindi ko naman siya totoong mama, ha. Mas close sila nung anak niya. Bigla na lang nawala ng parang bula si Mommy noong 4 years old pa ako. Walang explanation. Walang letter. Walang kahit anong pinapadala. Hindi na nga ako sigurado kung buhay pa siya.

Two years ang gap namin ni Avery. Noong pinanganak siya ay magkasama na si Papa at yung mama niya. Palagi kaming naglalaro noong bata pa kami. Tapos si Papa at.. yung Mama niya na tinuturing ko na ring Mama ay nanunuod sa amin. Akala ko nga noon.. perfect na kung tingnan yung pamilya namin.

Kaya lang... namatay si Papa. Hindi alam ni Avery dahil wala pa siyang muwang sa mundo noon. Ang importante lang sa kanya noon ay ang kanyang mga laruan.

8 years old ako nung nangyari yung aksidente habang si Avery ay 6 pa lamang.

*Flashback*

Nasa kwarto lang ako noon. Si Avery naman ay nasa kabilang kwarto, tulog. May narinig akong ingay kaya lumabas ako sa kwarto para tingnan kung ano ang nangyayari.

Nakita ko si Mama at si Auntie Matilda na nag-uusap.

"Kristine, may sasabihin ako sayo. Wag kang mabigla ha." she breathed deeply. "Nagkaroon ng bangaan kanina. Bus at Jeep. Yung mga tao sa bus... may mga natamong sugat. Yung mga tao sa jeep... ay kritikal o dead on arrival." "Eh bakit mo ako sinasabihan niyan? Paki ko ba kung may bangaan?" sabi ni Mama. "Eh.. kasi.. nga diba..sumakay ng jeep si Anthony papuntang Cavite? Yung jeep na nabangga sa Bus at yung jeep na sinakyan ni Anthony ay iisa." paliwanag ni Auntie. "Patay na siya, Kristine. Patay na si Anthony. Patay na yung asawa mo."

Bigla na lang umiyak si Mama at kinomporta siya ni Auntie. Pumasok na uli ako sa kwarto at nagmukmok.

Hindi pwede. Hindi pwedeng mamatay si Daddy.

*flashback ends*

"SCARLETTE! GISING NA SABI, EH." sigaw muli ni Mama.

"Opo." sagot ko sakanya. Pumunta na ako sa banyo at dali-daling naligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba na para kumain.

Kumuha nalang ako ng 2 Bingo. Takaw ko. :D.

Nagsimula na akong maglakad dahil malapit nang magsimula yung klase. Malapit rin lang naman kami sa school.

Like:
bahay | bahay |bahay ko
|   k a. l. s. a. d  a.      |
|tindahan|  | school |

Ang lapit diba?

Pagpasok ko sa gate ng school ay ang unang nakita ko ay yung barkada ko. The Hunters. Churvaaaa. XD.

Sina:
Bea Chrystine Delarosa
Gianna Ellaine Diaz at
Kimberly Charlotte Yap.

"Hoy, Hunter V. Bakit ang tagal mo? Eh ang lapit lang kaya ng school sa bahay niyo." sabi ni Hunter G a.k.a Gianna. Ganyan talaga tawagan namin.

Si Hunter B a.k.a Bea.
Hunter G a.k.a Gianna.
Hunter K a.k.a Kimberly.
At siyempre ako,
Hunter V a.k.a Victoria.

"Sorry pooo, Hunter G." sabi ko sakanya.

"Chinguuuu. Alam mo bang may dalawang napaka-hot na transferees? Grabee. Ang haawt." sabi ni Hunter K.

"May nakuha kang info sa kanila?" tanong ko sakanya since siya yung mahilig sa tsismis.

"Oo. Ako pa. Ang pangalan ng isa ay si Xander Timothy Villareal at yung isa ay si Christian Lucas Jimenez. Pero sa tingin ko mas gwapo si..." naputol ang sasabihin ni Hunter K dahil biglang nagsalita si Hunter B.

"Christian." sabi niya.

"Hindi noh. Alam niyo namang iba yung type ko diba?" sagot ni Hunter K.

"Sabi ko si Christian oh. Nakatingin kay Hunter V" sabi niya ulit.

Lumingon ako kung saan man yun ang tinuturo ni Hunter B at nakita kong may lalaking naka tingin sakin. Gwapo siya kaya lang di ko type. Naka-mohawk yung buhok niya. Tsaka matangkad siya, siguro 5'8 o 5'9 ft. Sa paningin ko sakto lang yung katawan. Medyo masculado ang braso. Pero may nakita akong lalaking katabi niya.

Shet. Nakakalove at first sight.

Naka-quiff yung buhok niya. Pare-pareho sila ng height nung Christian pero mukhang mas matangkad siya ng kaunti. Masculado din yung braso niya. At panay ang pag-smirk. Killer Smirk.

"Sino yung katabi nung Christian na yun?" tanong ko kay Hunter G.

"Ahh. Yun?Yun si Xander Timothy Villareal." sagot niya. "Bakit ba?"

"4th Target. Sighted."

/------------/---------------/

A/N: 4/27/15

Love Equation by VIXX on the Media.
Hi po. Please vote, comment and share this book. :).

The Man Hunter and The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon