Hating-Ch.02

11 0 0
                                    

Avery Beatrice Caliente

"ABC, may lalaking kanina pa tingin ng tingin sayo oh." sabi ni DEF a.k.a Dianne Erica Fuentes pinakabestfriend ko sa mundo. Yup. That's what we call each other. By our initials.

ABC= Avery Beatrice Caliente
DEF= Dianne Erica Fuentes
GHI= Gabriella Hope Imperial
JKL= Jewel Krista Labajo.

Kami yung tinatawag nilang 'The Alphabets' a.k.a Man Haters.

"Tss. Paki ko? Wag mo na nga lang pansinin." sabi ko sakanya.

"Pero, ABC! Ang hot kaya niya." sabi ni GHI.

Binatukan siya ni JKL.
"Hoy, GHI. Hindi mo naman nakalimutan yung oath natin diba?" sabi ni JKL.

"Oo nga. Pero hindi ko siya tinuro dahil hot siya. Tinuro ko siya dahil panay ang titig ni Vicky-- este Victoria sa kanya." sabi ni DEF.

Close kaming tatlo simula bata pa lamang kami: Si Victoria, ako at si DEF hanggang sa dumating ang Grade 6.

May nagustuhan akong lalaki noon. Noong hindi pa ako masyadong man-hater. George yung pangalan. Sobrang nagwagwapuhan ako sakanya at naging 'crush' ko siya. Classmate at seatmate ko siya. Swerte ko, noh? Naging friends kami hanggang naging close friends. Yung simpleng paghanga ay biglang naging 'love'. Ewan ko lang kung anong nararamdaman niya para sakin basta alam ko iche-cherish ko na lang yung mga moments namin.

Hanggang sa punto na iaamin ko na yung feelings ko sakanya.

*flashback*
"Psst. George. May... may ibibigay sana... a-ako sayo." sabi ko noon sabay abot sakanya ng papel at nakabalot na regalo na pinagsikapan ko nung gabi bago ko planong aminin yung nararamdaman sakanya.

"Ano to? Wala namang okasyon ha?" patawa niyang sabi.

"Basta. Basahin mo na lang yung nasa papel." utos ko.

"Sige na nga." sabi niya at binuksan yung papel.

Habang binabasa niya yung papel naging seryoso yung mukha niya.

"Avery." tawag niya. "Sorry ha. Pero... hindi tayo pareho ng nararamdaman. May... may girlfriend na kasi ako eh. Sasabihin ko sana kanina pero ayaw mong tumingin sakin eh. Sorry talaga." sabi niya.

"Hindi, okay lang. Hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo rin ako." sabi ko. "Sino?"

"Ha?" tanong niya.
"Sino yung swerteng babae na kumuha ng puso mo?" tanong ko.
"Si Victoria." sagot niya.
"Sinong Victoria?" may dalawang Victoria kase akong kilala.
"Si Victoria. Yung kapatid mo." sagot niya.
"Awh. Okay. Sana maging masaya kayo." sabi ko habang ngumingiti kahit nasasaktan na ako.
*Flashback Ends*

Okay lang sana kung si George yung inagaw niya sakin. Eh halos lahat ng nagugustuhan ko... nagiging boyfriend niya.

Bigla nalang akong nainterrupt sa pag-iisip ng may biglang lumapit sakin na lalaki.

"Miss. Nawala ko yung number ko. Pwede bang yung number mo nalang ang kunin ko?" sabi niya.

"Luma na yung pick-up line mo. Kaya pwede bang umalis ka na sa harap ko bago pa ako tuluyang magalit sayo." pagmamataray ko.

"Pinapaalis mo ako? Eh halos lahat ng babae gusto akong makausap?" pagmamayabang niya.

"Paki ko sakanila? Eh AYAW KO SAYO." sabi ko at nagsimula na akong maglakad patungo sa room.

Bigla niya na lang akong kinalabit at sinabihang,

"Tandaan mo miss... magiging akin ka rin balang araw. Maghintay ka lang. Malay mo... isang araw pagdilat mo... akin ka na."

The Man Hunter and The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon