A/N: lol. May word bang 'Hunking'? Bahala na nga si Ironman. Btw... POV ito either ni Xander o Christian o kung sino pang The hunks na dadating sa buhay ng The Alphabet at ng The Hunters ;) Go on.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Christian Lucas Jimenez"Bro, sino yung tinitigan mo kanina?" tanong ni Xander sakin.
"Huh? Sino? Wala naman akong tinitigan kanina, ah." pagde-deny ko.
Sa totoo kasi... may tinititigan ako kanina. Ang ganda kasi eh. Kaya wala na akong ibang magawa kundi matulala sa kanyang kagandahan.
Slim, Cute, Maganda. tsaka nakakaadik pa yung ngiti niya. Yung para bang kahit wala siyang ginagawa ay nahi-hypnotize ka sakanya. Ewan ko bah. Actually may pagkafamiliar siya.
Yung mga matang yon magkatulad na magkatulad nung kay...
Aish. Wag na nga lang. Dami namang tao sa mundo na pare-pareho ng mata.
"Hoy!"
"AY, DYOSA KA!" Sigaw ko.
Tumawa lang ng tumawa si Xander.
"Hahaha. Sabi na... sabi na ngaba eh. May tinitigan nga kanina." sabi niya habang tumatawa pa rin.
"Oh. Eh sino yung ginamitan mo ng pick-up line kanina?" tanong ko.
Xander Timothy Villareal
"Oh. Eh sino yung ginamitan mo ng pick-up line kanina?" tanong ni Christian sakin.
"Wala. Di ko kilala." palusot ko.
"http://palusot.com.ph." sabi niya. "Wala? Eh sinabihan mo pa na nga nung... ano nga yon... ahh.
'Tandaan mo miss... magiging akin ka rin balang araw. Maghintay ka lang. Malay mo... isang araw pagdilat mo... akin ka na." pagsunod-sunod niya sa boses ko.
Binatukan ko siya.
"Lul! Wala lang yun. Nachallenge lang ako kanina dun sa babaeng yun. Tss. Sabihan ba naman ako na luma daw pick-up line ko." sabi ko sabay irap. Tinaasan naman ako ng kilay ni Christian. "Kaya naman nagsagawa ako ng challenge para sa sarili ko! I'll do everything to make her fall in love with me."
"Tch. Nasa stories yan sa Wattpad eh! Ang cliche mo naman bro. Baka naman mapareho ka sa mga story...Baka hindi mo na lang mamamalayan na inlove ka na sa kanya." sabi pa niya.
Binatukan ko ulit siya.
"Kelan ka pa nagsimulang magbasa ng Wattpad? Gago. -,-"
"Aray ha! Pang-ilang batok mo na yun ah!" Sabi ni Christian sabay haplos sa batok niya.
Binelatan ko na lang siya at kinuha sa bulsa ko ang phone ko.
"Hi."
Inangat ko yung ulo ko at nakita ko ang isang babae.
Maputi, makinis yung balat, angelic face, red pouty lips.
"Hi?" pagsusungit ni Christian.
"A-ah. WALA! SIGE BYE!" sabi niya sabay takbo.
Nagkatinginan lang kami ni Christian.
Weirdo.
"Ikaw kasi Christian eh. Tingnan mo natakot siya sayo." Tukso ko kay Christian. Tapos tumawa lang kami.
"Ano ka ba, Hunter K?! Gawin mo na yung dare!" Girl 1.
"Oo nga! Kundi ipopost namin yung mga derp mo! Sige ka!" Girl 2.
"Ge naaa. Libre ka namin mamaya. At tsaka akala ko ba ikaw yung may pinakakapal mukhs satin?" Girl 3.
"Eh putangina nung katabi niya eh. Avah Maldita boy version lang ang peg?" Sabi nung babae na nag-hi kanina.
Tiningnan ko yung mukha ng mga kasama niya.
"Huy Chris! Di ba yun yung tinititigan mo kanina?" sabi ko sabay turo sa isang babaeng kasama nung nag-Hi. Tawagin nalang natin yung babae kanina na 'Miss Hi.'
"Di noh!" Deny naman niya.
"Sus! E di pwede ko siya ligawan?" Biro ko.
"Hindi." seryoso niyang sabi at saka ay nag-glare siya sakin.
Tinawanan ko na lang siya. Obvious namang gusto niya yun eh.
"Ahm, excuse me...Pwede makiupo?" Tanong ng isang babae, isa siya sa mga kasama ni Miss Hi.
"Ah...Oo?" sagot ko habang medyo naco-confused.
"THANKCHUUUU~" sabi nung isa ring kasama.
At umupo na sila sa table namin. Sakto rin namang may 4 vacant seats. Blanko yung 2 upuan na nasa tabi ko. Katapat ko si Christian at may 2 ring vacant sa tabi niya.
Sa tabi niya ay yung isa sa mga kaibigan nila. Yung nagsabing ililibre daw si Miss Hi.
Sa tabi ng tabi ni Christian ay yung nagtanong kung pwede ba daw na makiupo.
Umupo sa tabi ko yung C-R-U-S-H ni Christian.
Tapos sa tabi niya ay si Miss Hi.
"Hi. Ako nga pala si Bea." Yung katabi ni Christian.
"Hello po. Ako po pala si Gianna. Salamat po pala sa pagpapaupo ha?" Sabi naman nung babaeng nagtanong kung pwede makiupo.
"Hi. I'm Kimberly." Oh, so Kimberly pala yung totoong pangalan ni Miss Hi. Teka lang. May kamukha siya eh. Ah, wala na akong pake basta bahala na. Hahaha.
"I'm Victoria." Yung CRUSH ni Christian.
Bigla namang naglahad ng kamay si Christian kay Victoria. Hindi na ako nagulat. Basta may gusto yan, straightforward yan eh. Kagaya ni...Wag nalang. Si Christian nalang bahalang magsabi sa inyo. Dumadaldal na ako eh.
=___=
Basta ang masasabi ko lang sa inyo ay may matagal na yang hinahanap yang gagong yan. Yung Cinderella niya. Hahaha.
Aish, Basta!
"I'm Christian." Sabi ni Christian.
But Victoria just stared at him blankly. Hahaha! Mukhang hindi gumana yung charms niya, eh.
Siniko ni Kimberly si Victoria. Agad naman ding nakipagshake hands si Victoria kay Christian.
"Nice meeting you." sabi ni Victoria.
"Nice meeting you too." Sagot ni Christian. Nagsmirk pa yung puta! Malaki na siguro yung tama ni Christian kay Victoria.
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
A/N:
Don't forget to vote, and leave both your positive and negative comments and reactions.
BINABASA MO ANG
The Man Hunter and The Man Hater
Teen FictionThe Man Hunter and The Man Hater Man Hunter. Ayon sa Merriam-Webster: Man Hunter. (Noun) Definition: - one that hunts men. Ayon sa magaling kong kapatid: Ako. Si Victoria Scarlette Caliente. Man Hater. Ayon sa Merriam-Webster: Man Hater. (...