Chapter 1: First Day

71 1 0
                                    

Pitchy's POV

I typed "Oo, Otw!" Send to Yuri.

Honestly, hindi pa ako nakakaligo. Nakahiga pa rin ako sa kama ko.

Sinubsob ko ang mukha sa Unan.

"Ugh!" Sino ba naman kasing nagembeto ng school-school na yan? Akala niyo madali ha! Ang hirap-hirap nga ng mga subjects eh.

Magthi-third year High School sana ako, pero dahil may K-12 naging "Grade 9", Oo nadagdagan ng 2years ang High School life ko.

Haysss life...

"HOY! BABAENG TAMAD! TUMAYO KA NA DIYAN! MALALATE KA NA!" Napatayo ako ng hindi oras. Napatingin ako sa pinto. Haysss! Si Mama.

"Tinext na ako ni Yuri kung nakaalis ka na ba daw" sabi nito. Suminangot ako. Iba talaga itong si Yuri. Sinabi na nga lang On the way na ako eh.

"Sabi mo?" Tanong ko. Well, sorry hindi kasi akong nagpo-po sa mama ko. Ewan ko. Hindi ko nakasanayan mag po kay mama pero mahal ko yan.

Ngumiti siya. "Syempre, sinabi ko nakahilata ka pa diyan sa kama mo!...." Lumapit si Mama sakin. "HALA! SIGE!" tinulak-tulak ako ni mama.

"maaa!" reklamo ko.

"Hindi ka ba excited? Third year ka na?" tanong nito at tinulak ako papuntang CR.

"Ma, Grade 9" pagkokorek ko.

"Parehas din yun." sabi nito at sinara ang pinto. "dalian mo at anong oras na. Nakahanda na damit mo pati yung bag." habol nito.

Haysss. Iba din kasi itong si Yuri. Anong oras palang naman kasi, 6:30 palang.

"Eh, Ano naman kung first day of class? Ano naman kung First day? may gagawin ba agad-agad?"

UGH! THIS IS WHAT I HATE.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. "Ikaw!" Tinuro ko ang sarili sa salamin. "Maligo kana!" Sambit ko.

No choice naman kasi ako, Kung hindi ako magaaral. Paano future ko?

20 minutes ago

Pagkaalis na pagkaalis ko sa bahay. Tinext ko na si Yuri kung nasaan siya banda sa school pero nakarating at nalibot ko na buong school hindi ko pa din siya mahanap. Hindi man lang kasi nagreply.

Dahil nagutom ako wala na akong nagawa kundi ang dumeretso sa Canteen.

Habang naglalakad. Napatingin-tingin sa paligid at narealize na.

Alone.

Lonely.

Ugh! Bakit ganun? ako lang nagiisa? Kaiyak naman nito pero okay lang sanay na ako.

As I continue walking, mas lalo kong narealize kung gano ka lungkot ang buhay ko. Yung mag pinsan ko hibdi ko kaclose, yung mga kaibigan ko may iba ng kasama, Yung iba kong classmate ayon hindi na ako pinapansin. This is sad life.

Pero kaya ko ito. Kaya ko! Dibale nandiyan naman si Food para i-cheer up ako. Kaya "Here I come!" Tumakbo ako papuntang canteen.

Napakunot noo ng makita ang canteen na walang tao. "Aba! ako lang may gustong kumain ngayon?" Pumasok ako at namili ng gusto kong kainin.

Since hindi ako kumain kanina dahil ang hinanda ni Mama ay isang sunog na itlog. Oo, tama kayo ng basa. Ang mama ko po'y hindi marunong magluto. Ganun din po ako.! Hihihihi!

"Ate! Isa pong Rice with Toccino and egg." Agad namang binigyan ako.

Kinuha ko na yung pagkain ko.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon