Hi!
Maligayang pagtatapos sa inyong lahat! Alam kong masaya kayo at nakamit ninyo ang diplomang matagal niyo nang inaasam na makamit. Nagbunga ang hirap at pagod na tiniis natin sa apat na taon sa kolehiyo.
Masaya ako para sa inyo...
Masaya ako dahil nakapagtapos kayong lahat...
Kayo ba naging masaya ba kayo sa akin? Sa lahat ng mga ginawa ninyo sa akin? Pinapatawad ko na kayo. Huwag niyo akong kaawaan kung nasaan man ako ngayon. Huwag kayong iiyak. Iyakan niyo ang pagdiriwang sapagkat kayo ay nakapagtapos na at handa na kayong sumabak sa totoong mundo.
Hinihiling ko sa inyo na maging maayos ang daan na tatahakin niyo. At huwag na kayong lumingon pabalik.
Tuparin niyo ang inyong mga pangaran at huwag niyo na hayaang maulit ang nakaraan.
Kung sakali mang mabasa niyo 'to, tatagan niyo ang loob niyo at mag-handak kayo ng pamunas char! Huwag niyo na problemahin ang mga ginawa niyo sa akin noon...oo, masakit pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na at hindi na natin muling maibabalik pa.
Pasensya na kung hindi ako nakadalo ating pagtatapos ngayon. Huwag niyo na ring balakin na hanapin kung nasaan man ako ngayon. Dahil sa oras na 'to ay nasa maayos at tahimik na paraiso na ako.
Magiging payapa na ako.
Magiging kalmado na ang puso ko.
Hindi ko na rin kailangan magpakanggap na malakas ako.
Wala nang makakapanakit pa sa aking muli.
Maligayang Pagtatapos, Batch 2022!
Heto na ang huling beses na magsusulat ako sa aking libro. Dito ko na wawakasan ang lahat. Hanggang sa muli nating pagkikita!
Nagaral at Nangarap,
- Rylie Eloise Madison
YOU ARE READING
Her One Last Semester
Teen FictionSiya si Rylie Eloise Anderson, isang Communication Arts student at isang semester na lamang ay makukuha na nito ang kanyang inaasam na diploma. Walang mga kaibigan. Laging pinagti-tripan sa classroom at ginagawang katatawanan. At sinisisi sa isang b...