Prologue
When we lose someone we love, what do we normally do?
We cry, right? We cry our hearts out until we feel empty. We feel empty but the heaviness is still there. Because we know that they aren't coming back.
And it's not just for a temporary time either. They aren't coming back in a day, in a week, in a month, or even in a year.
And it just makes everything feels much heavier. Because no matter how long we wait, we know that they will not come back. They are not coming back again.
In my case years ago, I always believe that people will come back. I always believe he will come back.
I always hope that he will come back. It's all I wished for. Every Christmas, every birthday... I'm always wishing for it, hoping that it will come true.
I believed that he will come back. Not until I realized that he will not.
I am just believing that he will come back because I want him to come back.
Maraming dahilan kung bakit hindi sila bumabalik. Pwede naman silang bumalik pero wala pa rin sila. Pwedeng hindi na ikaw o kayo ang mahal. Pwedeng akala nila, hindi na pwede.
But this is a different one. Hindi iyon ang rason ni Rain.
"Drey?"
Lumingon ako sa katabi ko bago ako tumingin sa harap ko. Nandito na pala kami.
Hawak ko ang dalawang kandila habang hawak ni Gray ang mga bulaklak na binili namin kanina. Sabay kaming naglakad papunta sa puntod ni Rain. Tahimik lang kami pareho. Ramdam na naman namin ang bigat sa puso naming dalawa.
Gray visits her a lot more than I do. Bukod sa mas marami siguro siyang oras, ayaw ko talagang pumunta dito dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko at maiiyak lang ako. Kaya ngayon, hihingi ako ng tawad kay Rain dahil ngayon ko lang siya binisita pagkatapos ng isang taon.
Huminto kami sa tapat ng puntod ni Rain. Binaba ni Gray ang bulaklak sa gilid ng lapida at kinuha ang kandila sa akin para siya na ang mag-sindi. May ilang mga kandila na rin dito at mga bulaklak.
Umupo kami ni Gray sa gilid at tumingin lang sa pangalan niya na naka-ukit sa lapida.
I know that she loves us. Hindi siya bumalik dahil talagang umalis na siya. Wala na siya.
Rain is our friend. She died exactly a year ago.
Kapag nababasa ko ang pangalan niya dati, halos magtatalon ako sa tuwa dahil magkasama na naman kami sa parehong klase. Pero ngayon, sobrang bigat ng pakiramdam ko habang binabasa ang pangalan niya.
YOU ARE READING
After The Dream
RomanceAfter The Pain Series #2 Andree Brielle Tuazon always see a man in her dreams. She always believed that he is real. That he's just out there, waiting for her to come. Well, she is not wrong. Because Sean Jayden Santiago has been seeing her too in hi...