Prologue

26 2 0
                                    


"B-But..."


"Wala nang pero pero Ms. Devon. Malinaw na nakalagay sa contract, mapapasa-ilalim na ng management ng Mojeco Inc. ang cafe mo."


Wala na akong nagawa after they forcibly took my cafe keys away from me. It's closed. Napasabunot na lang ako sa aking sarili matapos ang lahat.


5 years.



Ganyan pa lamang katagal sakin ang shop, pero nawala agad?! Nasabi nga ni Papa na may contract nga siyang pinirmahan about the cafe pero hindi ko inasahan na ganito pala yun? Kukunin sakin ang cafe. Hindi!


H-Hindi ako papayag, I have to take it back dahil wala naman sa usapan na kasama ako dun at ang cafe ko! Kung wala ang consent ko ay wala silang karapatan na kuhain ang pinakamamahal kong cafe.


Pinamana pa naman sakin yun nila Papa, and with just a silly contract na wala akong kaalam-alam, isasara nila ang cafe ko.

Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto, though wala namang magagalit dahil mag-isa lang naman ako. Inis kong binuksan ang laptop at ini-type sa search bar ang ngalan ng kompanya. After few clicks, I was able to get their number. Hindi na ako nagdalawang-isip at tinawagan sila.

[Good day! This is Monica from Mojeco Inc., how can we help you?]


"Puwede ko bang makausap si Mr. Mojeco?" Agad kong sabi.


[I'm so sorry Ma'am, but Mr. Mojeco is not available at this moment. I'll transfer you to his secretary so you can book your appointment.]



"A-Ano?! No, gusto ko siyang makausap ngayon din." Ramdam ko ang pagtaas ng kilay ko nang marinig ang susunod niyang sinabi.


[Ma'am, I'm very sorry pero hindi po talaga puwede. Ita-transfer ko na po kayo sa secretary niya para makapag-set kayo ng appointment.]


"Look, Miss. Urgent ito, hindi na 'to makakapag-hintay pa-- Hello! Miss" Binabaan niya 'ko ng telepono.


Hayst. Wala akong choice. Ayokong mag-book pa ng appointment dahil kailangan kong mabawi ang cafe ko.


Agad agad.


Five years ago nang mawala ang mga magulang ko sa aksidente, ilang araw pa lang noon matapos nilang ilipat sa pangalan ko ang cafe. 16 lang ako noon. Wala akong ibang source ng pagkakakitaan, tanging ang cafe na yun lang. Kaya naman napakahalaga noon sa akin.


Kaisa-isa nila akong anak kaya ang J'aime le Cafe' na iyon na ang bumuhay sakin buhat nang mawala sila. Paano na ako ngayon nito? Kinabukasan ay maaga akong gumising upang magpunta sa Mojeco Inc.



Oo, alam kong may posibilidad na hindi ako papasukin.

 

"Ma'am, may appointment pass po ba kayo?" Bungad agad sakin ng guard sa entrance pa lamang ng building.


"Ahh, yun ho ba? Eh kasi kakausapin ko lang si Mr. Mojeco tungkol sa contract ng cafe ko." Magalang kong tugon sa kaniya.


"Ay naku, Ma'am. Pasensya na 'ho, ay hindi 'ho pupuwede ang walang appointment pass. Mabuti 'ho, sasamahan ko na lang kayo sa secretary's desk para, mai-set ninyo ang appointment niyo."


"Ganun po ba? Oh sige po." Agad niya akong iginiya papasok sa loob ng building matapos na tapikin ang kasamahan niyang guard din upang pumalit sa puwesto niya.

Busy ang elevator na paakyat sana sa floor kung nasaan ang sinasabi niyang sekretarya na mag-a-assist sa akin para makapag-set ng appointment kaya naman matagal kami bago makasakay.

Chasing SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon