Chapter 1

11 0 0
                                    

Hirap

Kinabukasan ay gumising ako nang maaga dahil may pupuntahan akong job fair. Simpleng white shirt, faded jeans at sneakers lang ang sinuot ko. Matapos maghanda ay tinungo ko na ang lugar na pagdadausan ng job fair.

Ngayon ay nakapila ako sa labas ng mall. Unang job fair ko ito para makakuha na ng trabaho. Nagbabakasakali ako na sana ay magtagumpay ako.

Sa pila ako ng isa sa mga stall na may nakalagay na malaking banner ng Part Time Jobs. Pasado alas-sais na ng gabi, nagsimula akong pumila kaparehong oras kaninang umaga. Marami na ang tao noon kaya naman ay bandang huli na ako sa pila. Ang iba nga raw ay alas tres pa ng madaling araw nagsimulang pumila.

Labin-dalawang oras na rin akong nakapila kaya ramdam ko na ang pamamanhid ng aking pang-upo. Ako na ang susunod na i-interview-hin pagkatapos nung kasalukuyang iniinterview kaya medyo umaliwalas ang kanina'y naiinip kong mukha.

Pasulyap-sulyap pa sa akin ang lalaking mag-iinterview habang kausap yung aplikante. Medyo naiilang ako sa tingin niya dahil kalaunan ay naging titig iyon. Iniiwas ko na lamang ang tingin ko sa pamamagitan ng pagbabasa sa aking resume na nasa hita.

Biglang tumayo ang interviewer na iyon pagkaalis nung aplikanteng kaniyang in-interview, may ibinulong sa guard tapos ay bumalik at naglagay ng CLOSED sign sa ibabaw ng kaniyang desk sabay sa pag-anunsiyo ng guwardiya na sarado na nga at hindi na sila tatanggap pa ng aplikasyon dahil sa ubos na ang slot.

Agad namang nag-init ang dugo ng mga taong kasama ko sa pila, syempre ay ganun din ang naramdaman ko pero di katulad nila ay nanatili ako at lumapit pa sa stall.  "Sir, wala na po ba talagang slot?" Tanong ko naman sa interviewer, sinisigurado dahil baka mamaya ay mali lang sila ng bilang.

"Ay Miss, wag na masyadong makulit. Sana'y mas inagahan mong pumila kanina para nauna ka." IIling-iling na wika ng guwardiya sa tabi ng lalaki na busy'ng mag-ayos ng mga resume ng mga natanggap kanina.

Tumayo ito at lumapit sakin, "Pasensiya na, wala na talaga. Saka hanggang alas sais lang ang time limit namin. Pero..." Hinimas niya ang braso ko at bumulong sa akin.

"...Magagawan ko naman iyan ng paraan, Miss." Agad ko namang inilayo ang braso at mukha, ang kaninang tingin niya sa akin ay naging malagkit.

Napangisi ito, "Puwede ka naman doon sa bar namin, waitress. Kung gusto mo lang naman?" Offer niya, manager daw siya ng bar na iyon.

Agad namang nagningning ang mga mata ko, "T-Talaga po?" Kahit na sinasabi ng kutob ko na hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito ay hindi ko na alintana.  Muli ay lumapit siya sakin at nilaro ang takas na buhok na dumikit saking mukha.

Kailangan na kailangan ko kasi talaga ng trabaho para kitain ang perang pambawi sa cafe.

"In fact, ay puwede ka nang magsimula mamaya." Aniya na mas ikinatuwa ko dahil night shift pa pala. Ayos, dahil puwede pa akong maghanap ng trabahong pang day shift.

"O-Oh sige po, maraming salamat!" Nagpaalam siya saglit dahil tatawagan niya daw ang taong magsusundo sakin papunta sa bar.

Labis ang pasasalamat ko sa kaniya nang kuhain niya pa ang resume ko para kung sakaling may hindi magustuhan ang boss niya sa mga aplikante ay may maipapalit siya.




MAINGAY ang loob ng bar gaya ng inaaasahan ko. Puno iyon ng mga nagsasayang mga tao. Ang iba'y nasa dance floor, iba nama'y nasa bar counter at mga upuan na bubungad sa magkabilang-gilid pagkapasok pa lang. Pinasadahan ko nang tingin ang bar, para kahit papaano'y alam ko kung saan-saan dadaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon