Maaga akong naggising nung araw na yun mga 8:30? Maaga na yun. I fixed my bed at tinupi ang mga dapat tupiin dun. Kahit naman may kaya kami may-alam naman ako kahit papano noh. Pagkatapos kung gawin yun ay dumiretso na ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko. It took me an hour and a half bago makalabas dun. Yeah, ganun ako katagal sa CR na most of my friends complained about. Hindi kasi ako sanay ng simpleng kuskus lang eh.minsan tumatambay pa ako sa bath tub bago umahon and tatlong beses ako magsabon. Mannerism ko na ata eh. Parang uncomfortable ako pag hindi yun yung proseso ng pagligo ko. I was combing my hair when
Knock! Knock!
"Blair Hija gising ka na ba?"-that's nanay Inday. Sya na yung tumayong nanay namin pag wala parents ko. Palagi naman silang wala eh. Dalawa kaming magkakapatid kaso pinadala sa ibang bansa ang kapatid ko dahil sa mga kalokohang pinaggagawa nya kaya madalas ay ako lang mag-isa dito sa bahay kasama ng iba pang katulong kaya siguro ako nahilig sa mga bata ay dahil sa kanila ko hinahanap yung kasiyahan ng pagkakaroon ng isang kapatid. Miss ko na yung kapatid ko. Kumusta na kaya sya?
I walked towards the door and opened it.
"Yes nay? Good morning! " I answered her with a smile. Bahagyang napakunot ang noo nya na tila bagang nawiwierduhan sa mga ikinikilos ko. Ang ganda kasi ng gising ko eh and i don't know why.
"Itatanong ko sana kung san mo gusto magbreakfast, sa kama mo nalang ba o sa dining?"- tanong nya.
"Sa dining nalang po nay"- sagot ko naman sa kanya.kadalasan kasi breakfast-in-bed ang peg ko masyado kasing malungkot pag ako lang ang mag-isang kumakain sa napakahabang dining table namin. Minsan kapag hindi ko matake yung lungkot ko. Lumilipat ako sa kusina at kumakain kasama yung mga maids. May sarili rin naman silang dining table dun mas maliit nga lang sa amin. 9 person lang ata ang kayang i-accomodate nun. Pero hindi ko alam kung ano sumanib saken at gusto kong kumain dun sa dining.
"Sige, bumaba ka na at ihahanda ko na ang hapag, ham,hot dog, bacon and egg ang ulam mo ngayon. Paborito mo yun hindi ba?"- masaya nyang sinabi saken. Yup! Tama sya paborito ko nga ang mga iyon. Lalo na yung Luncheon meat. Yung may cheese sa loob?
"Salamat po nay"-masaya ko namang turan sa kanya.
Handa na ang hapag ng bumaba ako. Malaki talaga ang pagpapasalamat ko kay nanay dahil kung wala sya di ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Hija may gagawin ka ba mamaya?"- tanong nya habang nilalagyan ng ulam ang plato ko. Si nanay talaga oh! Masyado nya akong ginagawang baby. Bakit nya naman kaya natanong?
"Aasikasuhin ko kasi mamaya yung Citizenship ID ko mamaya eh nawala kasi nung nadukutan ako"-paliwanag nya pa. Nadukutan nga pala sya nung namalengke sya. Sabing sa Supermarket nalang eh kaso mapilit si nanay, mas fresh daw kasi pag sa palengke binibili.
"Ganun po ba? Samahan ko na po kayo"-alok ko sa kanya. Baka kasi madukutan na naman sya, mahirap na.
"Nakakahiya naman pero Salamat hija. Ambait mo talagang bata ka"-nanay. Hay buti naman pumayag sya. Yan nalang kasi ang way ko para mag-give back sa mga ginawa nya para samin.
"Nanay, talaga oh! Binola pako, pagkatapos ko dito, magbibihis lang ako at aalis na tayo. Kain na po kayo mababawasan ang kagandahan nyo pag gutom kayo nay. Sige ka!"-biro ko sa kanya na sinabayan ko pa ng halakhak.
"Batang to Oo! Hala sige, maiwan na muna kita dyan"- nakangiting usal nya bago umalis papuntang kusina.
Mabilis naming naproseso ang pagkuha ng affidavit of loss at nadala sa DSWD para matapos ang proseso. Mabuti nalang at nadala ni nanay ang mga papeles na kailangan kaya nagawan agad sya ng panibagong I.D.
"Hayy~ sa wakas natapos din"-sabay naming sinabi ni nanay na may kasamang buntong hininga sabay salampak sa sandalan ng sasakyan na naging dahilan ng tawanan namin sa loob ng kotse.
"Tanghali na pala, saan nyo gustong kumain nay? Sa dati parin ba?"-sinulyapan ko ang aking relo habang sinasabi yun. Gutom na rin kasi ako.
"Alam mo na hija"-Sagot ni nanay sabay kindat. Napatawa naman ako sa ginawa nya. Nanay talaga oh! Feeling teenager.
"Max's baby here we come~ "-sigaw ko na may halong excitement. Namiss ko rin to. Nakakamiss maka-bonding si nanay.
Nakahanap agad kami ng mauupuan pagkarating dun. Agad naman kaming inapproach nung waiter. Ayy mali! Gwapong waiter.
"Ano pong order nila maam?"- sabi ni adam. Nabasa ko kasi yung nakalagay sa name tag nya. ayoko syang tawaging basta waiter lang. Masyado syang gwapo para maging waiter lang tho he's kinda not my type.
Luminga-linga naman ako sa paligid ko at nakita kong halos lahat ng babae dun eh ang sama ng tingin saken. Mamatay kayo sa inggit! Behlat. Haha kaya naman, naisipan kong asarin pa sila lalo. Inilagay ko ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko bago matamis na nginitian si adam at binigay sa kanya ang order namin.
"Uhmm..isang order ng Crispy pata, dalawang serve nung fried chicken tig dalawang serve ng garlic Rice at Shanghai Fried Rice,regular coke and water please?"- nakangiti kong sabi sa kanya.
"Is that all ma'am?"-tanong nya habang hawak-hawak yung order slip at sinusulat yung order ko.
"That would be all"-nakangiti kong sagot sa kanya.
Kinonfirm nya lang yung order ko at umalis na. Mapait kasi ang Diet coke nila dito na parang tubig kaya kahit na gustuhin ko mang mag-diet eh napagdesisyunan ko na wag nalang. Minsan lang naman to kaya ie-enjoy ko na.
Napuno namin ng tawanan ang mesa habang kumakain kami dun. Si nanay kasi eh, joker hindi gaya ko na waley minsan. So far wala namang nangyaring hindi kaaya-aya kaya nakaalis kami ng matiwasay. Inaya kong yayain si nanay na magshopping at masaya naman nyang tinanguan iyon tanda ng kanyang pagsang-ayon. Masaya kaming naglalakad patungo sa isang boutique nang may nahagip ang mga mata ko. Saglit akong napatigil upang pagmasdan ang napakagandang scene na yun. It was Zach and Brittany na masayang nagtatawanan habang tinatapat nila sa isa't-isa ang hawak hawak nilang damit. How sweet.
"Si Zach yun hindi ba? Yung dati nobyo mo? At si Brittany? Yung kasama mo nung minsang dumalaw sa bahay si Zach sa bahay? Sila na?"- sunod-sunod nyang tanong saken. Wala naman akong ginawa kundi tumungo habang nakatingin parin sa kanila na masahang naglalandian. Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko. Agad ko namang naramdamang hinawakan ni nanay ang kamay ko.
"Nanay, tara na po? Sa susunod nalang ako magshoshopping"- yun lang ang sinabi ko bago umiwas ng tingin sa kanya at hinanda ang sarili papuntang exit ng mall na iyon.
"Mabuti pa nga, hala halika na at baka pag hindi ako makapag-pigil ay makalbo ko yung brittany na yan."- nanggigil nyang pagkakasabi na nauna pa saken papuntang kotse.
"Nay! Haha hintayin nyo po ako"-natatawang sabi ko habang sinusundan ko. Tatakbo na sana ako nang may kamay na biglang humawak sa bewang ko, dahilan para mapatili ako. Sisikuhin ko na sana sya nang nalaman ko kung sino sya. Agad namang lumiwanag ang mukha ni nanay nang makita kung sino yung walang habas na nanggulat saken. Damn! Hanggang dito ba naman?!
BINABASA MO ANG
Trapped
Teen Fiction"I'm trapped and I couldn't find a way to get out"-blair "You're trapped missy and don't expect me to let go of you that easily"-reid a story of a broken hearted girl pursued by a playboy.