Chapter 2: Light and Darkness

28 0 0
                                    

Chapter 2: Light and Darkness

“den..sumure…yin”

At unti-unti ng kinain ng kadiliman ang buong paligid 

Kadiliman na ayoko ng balikan 

Kadiliman na pilit kong tinatakasan

----

“mangkukulam..mangkukulam, galugarin nio ang bawat sulok. Hindi sila pwedeng nakatakas”

“inay, natatakot po ako”

“nakinig ka Rin, nandito lang ako huwag kang matakot”

“papatayin po ba nila tayo?”

“hindi…hindi anak”

Pero alam ko ng mga sandaling iyon ay nagsisinungaling si inay

“nandito sila, dalian nio”

“inay”

“Bilisan mo Rin”

“hindi ko na po kaya, pagod na po ako”

“hindi ka pwedeng tumigil Rin, kukunin ka nila, gusto mo ba yon?”

“hindi po”

“ayon sila”

“Rin, dito ka lang. wag kang lalabas kahit anong mangyare, kahit anong marinig mo.”

“sasama po ako inay, ayoko po dito”

“hindi pwede na mahuli nila tayo pareho, kapag sinunod mo ako, pangako babalik ako”

Wala na akong magawa ng umalis si Inay.

pangako…isa na namang pangako

---

“kapangyarihan? Gusto mo ba ng kapangyarihan?”

Mula sa dilim at isang boses ang biglang nagsalita

“sino ka?” halos madoble ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot

Takot..takot para sa sarili ko

Paano kung nakita na nila ako? Paano kung nahuli na nila si inay?

“huwag kang matakot, hindi ako kagaya nila, isa akong kaibigan at alam ko na matutulungan kita”

Tulong.tama yun ang kailangan ko hindi ang takot

“pakiusap iligtas mo kami, Si inay ….hindi ko alam kung nahuli na siya. Tulungan mo siya..papatayin nila kami.wala naman kaming ginagawang masama..tumulong lang naman si inay pero bakit…bakit”

“shhh, wag kang magalala tutulungan ko siya, kung susundin mo ang kondisyon na hihingin ko”

“kon…disyon?”

“oo, isang kondisyon at kapag sinunod mo ako..tinitiyak ko sayo ang kaligtasan ng iyong ina”

“kung pera ang gusto mo, wala akong maiibigay, hindi kami mayaman….”

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa

May nakakatuwa bas a sinabi ko?

“hindi ko kailangan ng pera”

“hindi?”

“kaluluwa.ibigay mo sa akin ang iyong kaluluwa”

At kasunod kong naramdaman ay sakit sakit na magmumula sa aking dibdib, Sa nanginginig na kamay ay hinawakan ko ang aking dibdib

Dugo

“hindi…hindi”

halos balutin ako ng sindak ng makita ang buong anyo ng babaeng nagsasalita

“HALIMAWWWWWWWWWWW”

----------

“ha…ha….ha…ha”

Panaginip?

Hindi ….. isang bangungungot

mula sa pagkakahiga ay bigla akong napabalikwas

panong? Hindi ba dapat ..

mabilis akong tumayo…kailangan kong umalis ngayon dito

pero nakakailang hakbang palang ako ay biglang bumigay ang aking tuhod

mula sa kung saan ay dalawang bisig ang tumulong sa akin

“ayos kalang?” tanong mula sa isang baritonong boses

At kasabay ng pagtataas ko ng paningin bumungad sa akin ang mga berdeng mata

“kung gusto mo pang mabuhay bibitawan mo ako tao”

Pero imbis na bitawan ay ako lalo pang hinigpitan ng pangahas na tao ang pagkakaYAKAP sa akin habang hindi mabura sa kanyang mukha ang isang nakakainis na ngiti

Abat

“zen..tenum..ashmiru” pero ang inaasahan kong pagiging abo NIYA ay hindi mangyare

 “zen..tenum..ashmiru” muli kong ulit pero wala pa ring mangyare

Anong nangyayare?

“mukha atang napalakas ang pagkakauntog mo binibini, at masasabi kong hindi ka pa nga ayos” at lalo pang lumapad ang pagkakangiti ng lalaki sa aking harapan

Kung nakamamatay lang ang tingin masaya na kong makita na nagyayare yon sa lalaking ito

“bitawan mo”

“masusunod mahal na prinsesa” ngunit sa aking pagkabigla ay mabilis niya akong dinala pahiga ulit sa may kama

“kailangan mong magpahinga lalo nat mukhang masama ang naging epekto ng aksidente sa iyo”

“aksidente?”

“sa ibang araw sasabihin ko sa iyo ang nangyare ang mahalaga ay kailangan mong pagpahinga”

“gusto kong malaman ngayon ang nangyare” lalo nat paano ako napadpad sa lugar na ito

“sa ibang araw pero hindi ngayon” may pinal niyang pagkakasabi

Nagsasalita pa sana ako ngunit napigil iyon ng pag danti ng kanyang daliri  sa king mga labi

“shhh, wala ng mga tanong. Magpahinga ka na, bukas mahal na prinsesa sasabihin ko sayo ang iyong nais”

*dug-dug*

*dug-dug*

*dug-dug*

Nagsimula na siyang lumakad

“anong pangalan mo?” hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon

“Shiro, mahal na prinsesa”

The Grim ReaperWhere stories live. Discover now