Nasa 4th year college na ako isang taon na lang at matatapos na din ako matutupad ko na ang pangarap namin nila Lolo at Lola.
Nag papasalamat ako dahil unti unti na nag laylo sila sa pambubully nila sa akin.
O dahil mayroon nanaman sila na bagong pinaplano.
Sem break ko ngayon dahil wala nanaman akong uuwian at may trabaho din ako sa isang cafe.
Hapon ang duty ko hanggang 10 ng gabi ang trabaho ko.
Naka assign ako sa dining agad kong nilinis yung table pag ka tayo ng costumer agad kong nilagay sa tray ang mga pinag kainan ng costumer.
Mabilis ang bawat kilos dahil parami ng parami ang costumer na napasok.
Hindi na ako magugulat na makita ko si Liam o si Atasha dito.
Sanay na ako.
"Athena"tawag ng manager
"Sir"
"Dito ka na lang sa loob"sabi nito
"Yes Sir"Agad akong pumasok sa loob at doon na lang tumulong.
Nang matapos ang duty ko ay umuwi agad ako para maka pag pahinga dahil hindi din maganda ang pakiramdam ko.
Malapit na ako ay hinarang ako ng grupo ni Liam at Atasha.
Kahit anong iwas ko sa kahit anong laban ko wala akong laban sa kanila bukod sa may impluwesya ang mga ito kaya nilang baligtarin ang lahat.
"Oh bakit ka umiiwas Athena"tanong sa isang mean girls
"Baka natatakot tignan mo namumutla na agad"sabi pa ng isa.Agad akong umatras sa kanila wala akong lakas na tumakbo bukod sa masama ang pakiramdam ko anytime ay pwede akong bumagsak.
"Bakit ka umaatras natatakot ka?"naka ngising sabi ni Atasha
"Please Atasha tantanan niyo na ako"pag mamakaawa ko.
"Tantanan hindi pwede wala kaming pag lalaruan"masayang sabi nito.Agad akong tumakbo kahit hinang hina ang katawan ko ay nahabol ako ng mga ito.
Pinag sasampal pinag kakalmot at hindi pa na kuntento ng bumagsak ako sa simento ay pinag sisipa ako.
Natigil lang ng may maka kita sa mga pinag gagawa nila sa akin agad silang tumakbo.
"Miss are you alright?"tanong nito
"Ookay l-lang p-po" sagot koAgad akong tumayo muntik na akong bumagsak kung hindi ako nahawakan nito.
"S-salamat po" hinang hina akong nag lalakad pauwi.
Pag karating ko ng dorm ko doon ko binuhos lahat ng sakit gusto ko nang sumuko napapagod na ako.
Hanggang sa nawalan na lang ako ng malay.
Kinabukasan hindi ako gaano makatayo bukod sa nanakit ang buong katawan ko ay inaapoy ako ng lagnat.
Wala naman ibang mag aalaga sa akin kundi ang sarili ko lang din.
Dahil sa sobrang pag kaka bugbog sa akin ng grupo ni Atasha ay hindi ako nakapasok sa trabaho ko.
Kaya agad akong tumawag sa manager namin at pumayag naman ito na hindi ako pumasok.
Halos tatlong araw akong nasa dorm ko lang hindi ako lumalabas sa loob ng tatlong araw medyo bumuti na din ang pakiramdam ko.
Meron pa din akong mga pasa pero hindi na gaano halata.
Nang bumuti na ang pakiramdam ko ay pumasok na ako ng hapon.
"Athena kamusta ka na?"tanong ng manager
"Maayos na po Sir salamat po"
"Totoo ba yung nabalitaan namin na may humarang sayo?"alalang tanong nito
"Opo" nagulat ito sa sagot ko
"Bakit hindi ka nag sumbong at makasuhan sila"

YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETED)
RomanceAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...