Femme Fatale - Part I

1.2K 70 115
                                    

A/N: The long wait is finally over! Here's the second story for our BLOOD series. So, I decided to publish the first part of FEMME FATALE because it's taking me forever to finish it! Hehe

So, as usual, please read end note and;

Enjoy reading!

UNITED KINGDOM: STATES VISIT - 1970

'Madame! Where are you going!'

Patuloy lang si Imelda sa mabilis na paglalakad sa hallway patungo sa kanyang hotel room

'Mom, what's happening?'

Nag aalalang tanong ni Bongbong habang nakasunod ito sa kanyang ina, at habang nakasunod naman ang maraming bodyguards ni Imelda sa kanila

Hindi nadidinig ni Imelda ang boses ng kanyang mga bodyguards, kahit pa mismo ang boses ng kanyang anak na katabi lang naman niyang mabilis din na naglalakad ay hindi din niya nadidinig

Hinihingal at naninikip na ang dibdib ni Imelda. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya... Yung babae na iyon, anong ginawa nang babae na iyon sa kanya?

'Mom! Bakit ayaw mo magsalita?!'

Galit na tanong ni Bongbong sa ina. Masyado na itong nag aalala sa nangyayari sa kanyang ina. Maayos naman ito bago lumabas ng hotel kanina pero bakit kaya bigla na lang nagkaganito ang kanyang mommy pagbalik?

'Tawagan ko na ba si daddy?'

('Hindi...')

Sagot ni Imelda sa isip. Napakalayo nila sa Pilipinas. Hindi makakabuti kay Ferdinand ang mag alala. Kailangan niya muna malaman kung ano ba ang nangyayari sa kanya bago niya tawagan ang kanyang asawa

Nakita ni Bongbong ang pag-iling ng kanyang mommy. Good. Aware pa ang mommy niya sa paligid nila

'Bonget...'

'Yes, mom'

Madiin na nakahawak si Imelda sa doorknob ng kanyang kwarto habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang dibdib

'Tell our bodyguards to leave...'

Nagsalubong ang kilay ni Bongbong

'WHAT?'

'But, why?'

Umiling iling lang ulit si Imelda. Hindi na niya kayang magsalita... at hindi din naman niya kasi alam kung paano ipapaliwanag, kahit siya ay naguguluhan sa kanyang nararamdaman

'Just tell them'

'Kailangan ko mapag isa...'

'Please...'

Naninikip na dibdib na sabi ni Imelda sa anak

Mas lalo lamang nakakapag alala kay Bongbong ang inaasal ng kanyang ina. Halata naman na nahihirapan ito, bakit gusto pa nitong mapag isa!

'No, mommy!'

'I will call an ambulance'

'And I will tell dad!'

Napalitan ng kakaibang takot ang nararamdaman ni Bongbong ng masama siyang tiningnan ng kanyang mommy. Parang... parang may mali

'I said, you tell them to leave'

'At ikaw din... iwanan mo muna ako'

Nagsimula ng manlamig ang mga kamay ni Bongbong sa mga nanlilisik na mata ng kanyang ina

BloodWhere stories live. Discover now