Femme Fatale - Part II

1.4K 65 119
                                    

A/N: So, no one guessed it right. Well, read and find out what really happened to our Mama Meldy

Enjoy reading!

'Imelda...?'

'Imelda...'

Dahan dahan na ibinukas ni Imelda ang kanyang mga mata at mabuting kinikilala ang lalaking may hawak sa kanya

'Sino ka...?'

Nanghihina niyang tanong sa lalaking hindi niya maaninag ang mukha

'Si Ferdinand ito...'

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Imelda habang unti unti ng lumilinaw ang kanyang paningin

'Ferdinand...?'

Naramdaman ni Imelda ang pag angat ng kanyang katawan at ang kanyang paghiga sa hita at braso ng lalaki

'Ferdinand... ikaw ba talaga yan?'

Napaluha na si Imelda ng luminaw na ang naka ngiting mukha ng kanyang asawa

'Ferdinand!'

Mahigpit na niyakap ni Ferdinand si Imelda ng hinatak siya nito sa batok at saka ito umiyak ng umiyak

'Ferdinand... akala ko mamatay na 'ko'

'Akala ko hindi na kita makikita ulit'

Patuloy lang sa pagiyak si Imelda habang si Ferdinand naman ay mahigpit lang itong niyayakap at hinahalikan sa buhok at pisngi

'Anong nangyari sa'yo?'

'Bakit ka nandito sa sahig?'

'At bakit, naka bra at panty ka lang?'

Hindi sumagot si Imelda bagkus ay sinaklay nito ang kanyang mga hita sa magkabilang baywang ni Ferdinand at mas hinigpitan lang ang yakap dito

'Imelda...'

Tawag ni Ferdinand sa asawa na walang tigil sa pag iyak. Masakit kay Ferdinand ang kanilang posisyon sa sahig ng banyo at lalo ang napaka higpit na yakap sa kanyang leeg ni Imelda, pati ang mahigpit na yakap ng hita nito sa kanyang baywang... pero, ayos lang yon kay Ferdinand. Mukhang takot na takot ang kanyang asawa at kailangan na kailangan siya nito

'Kaya mo na ba magsalita?'

Tanong niya kay Imelda matapos ang mahabang minuto na pag iyak nito

'Ferdinand...'

Mas hinigpitan pa ni Ferdinand ang pagyakap dito ng mas kumapit pa sa kanya si Imelda

'Ferdinand... tulungan mo 'ko'

'Hindi ko na alam ang nangyayari sa katawan ko'

Hinaplos ni Ferdinand si Imelda sa buhok at tinanggal ang tali nito bago ito dahan dahan na niladlad

'Bakit?'

'Anong nangyayari sa katawan mo?'

Umiling iling si Imelda sa leeg ni Ferdinand bago ito umiyak na nagsalita

'Hindi ko alam...'

'Hindi ko maintindihan, Ferdinand...'

Dahan dahan na tinanggal ni Ferdinand ang kanyang asawa mula sa kanyang leeg at malumanay itong hinarap sa kanya

'Bakit... ano bang nararamdaman mo?'

Sunod sunod ang pagbasak ng mga luha sa mga mata ni Imelda habang hawak ng isang kamay ni Ferdinand ang kanyang pisngi

BloodWhere stories live. Discover now