PROLOGUE

35.1K 1K 1.3K
                                    

TW: violence, blood

─── ⋆⋅ ♰ ⋅⋆ ───

"ANDENG, naniniwala ka ba sa mafia?"

Napanguso ako bago napaisip sa sinabi ng kaibigan ko. 

Mafia?

"Parang sa KinnPorsche ba?" tanong ko sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi ko bago mahinang hinampas ang aking balikat.

"Gaga, addict ka na talaga sa BL. Hindi KinnPorsche. 'Yong Mafia sa totoong buhay. You know, Italian mafia, Russian mafia and etcetera," sambit niya sa akin bago pinaglaruan ang keychain ng kaniyang bag.

Saglit na kumunot ang aking noo bago pinaglaruan ang aking daliri na nakapatong sa aking hita.

"Hmm, ewan ko. Siguro oo? Hindi naman 'yon impossible. Saka marami tayong hindi alam sa mundong 'to 'no."

Tumingin sa akin si Victoria. "Gwapo rin kaya 'yong mga Mafia?"

Nagkibit balikat ako bago ngumiti. "Sa totoong buhay? Ewan ko na lang. Pero sa mga nobela at palabas? Sobrang gwapo nila!" kinikilig na sambit ko.

Hindi nga ako maka-move on sa KinnPorsche e. Parang kinuha ng palabas na iyon ang puso't isipan ko. Balang araw, gusto ko pumunta sa Thailand para makilala silang lahat. Lalo na si Apo na sobrang gwapo. Ngiti pa lang niya, ikamamatay mo na.

"Puro ka KinnPorsche, Andeng. Kinakain ka na ng palabas na 'yan," ani Victoria.

"Maganda kasi e at saka nasa ibang level ang mafia BL series na 'yon! It set the bar so high—so high that I don't think any other Thai Mafia BL can surpass it. Unless, of course, they produce another series with an even better setting, plot, and quality, but that seems almost impossible," wika ko sa kaniya.

Natatawang umiling si Victoria sa inasta ko. "Paano ka makakapag-asawa niyan? Puro ka BL, girl."

Ngumisi ako sa kaniya.

"Kung hindi lang din isa sa kanila ang mapapangasawa ko, hinding-hindi ako mag-aasawa!" desididong sambit ko.

Tumawa nang malakas si Victoria sa sinabi ko.

"Paano kayo magkakaintindihan? Kaya mo bang umintindi ng Thai?" hamon niya sa akin.

Napasimangot ako roon at napanguso. "E ano naman? May google translator naman e at saka kaya kong aaralin ang Thai para lang maintindihan sila."

Napailing-iling si Victoria sa sinabi ko pero nanatili pa rin ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa tinuran ko. She might think I'm crazy, but I'm sure—absolutely sure! I'll definitely learn Thai so we can communicate.

"Ewan ko sa'yo, Andeng. Nilamon na ng BL 'yang sistema mo."

"Gusto mo bang sumama sa'kin sa World Tour nila sa Manila? Libre ko ticket mo! Doon tayo sa harap!" I happily chirped.

Napakunot ang noo ni Victoria sa sinabi ko.

"Pinayagan ka ng Dada mo?" tanong niya sa akin.

Doon na unti-unting gumuho ang aking excitement. My shoulders sagged as I sighed in defeat. I stopped wiggling my feet and stared at the ground.

"No . . ." I whispered, feeling the disappointment wash over me once again.

"As I thought," komento niya. "Ni pagpunta mo nga dito sa University, may kasama kang guard diyan pa kaya sa pagpunta ko ng World Tour na 'yan kung saan maraming tao. Naku, talagang 'di ka papayagan ng Dada mo."

I sighed, annoyed, before side-glancing at my five bodyguards, who were keeping an eye on me as we waited for our ride home. Binalik ko ang aking tingin sa aking mga paa.

The Miscreant's SalvationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon