TAHIMIK lang akong nakaupo habang nakatingin sa dinadaanan namin pero napakunot ang noo ko noong nakita kong pamilyar ang lugar ang tinatahak namin. Naghintay ako ng ilang minuto para makompirma ang nasa isip ko at tama nga ako. Mabilis akong bumaling kay Valkyrie na nasa tabi ko lang at mukhang naiinip na.
"B-Bakit tayo papuntang sementeryo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
He's not going to kill me there, is he? May kasunduan kami. I'm gonna bear his child in exchange for keeping me alive. Is he really going to break that?
"Calm down, my sultana. You're tense," kalmadong saad niya.
"P-Pero bakit nga tayo papunta ng sementeryo? A-Akala ko bibigyan pa kita ng maraming anak? Hindi ba dapat sa hotel tayo pumunta?"
Hindi ba gano'n naman ang gawain ng mga tao ngayon? Pumupunta sila sa hotel kung gusto nilang magtusukan?
"Wala akong pera pang hotel. Dito, libre lang," aniya.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na kinilabutan. We are gonna do that thing?! Here?! Seriously?!
"What?! Nasisiraan ka ba ng ulo?!" hindi ko mapigilang isigaw iyon sa kaniya.
Kaso napatakip din ako sa aking bibig noong bigla siyang tumingin sa akin. Mabilis akong umusog hanggang sa pinakadulo ng upuan dahil sa takot.
Dapat ay hindi ko siya ginagalit. Baka mamaya hugutin siya ng baril at iputok na lang bigla sa akin. Inirapan niya ako bago nangalumbaba at tumingin muli sa harap. Napanguso naman ako habang nakatingin sa kaniya.
Seryoso ba? Dito na kami gagawa ng milagro? Nakakatakot naman at saka nakakahiya. Sa lahat ng lugar kung saan kami gagawa ng milagro, ba't sa sementeryo pa? Paano na lang kung may manood sa aming multo? At saka baka may magambala kami rito. Pero ano bang magagawa ko?
"M-May pang harang ka ba?" mahinang tanong ko sa kaniya.
Nakakahiya naman kung sa may damuhan lang kami tapos wala pang harang. Paano kung may makakakita sa amin tapos picture-an kami at i-post sa social media? Nakakahiya naman.
Doon naman siya napalingon sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
"What?"
"K-Kung, alam mo na, magddudduddu tayo dito sa sementeryo, may pang harang ka ba?" nahihiyang tanong ko.
Napakurap lang siya sa tanong ko pero maya-maya ay umalingawngaw na ang malakas niyang tawa sa buong sasakyan. Napatingin ako sa harapan at napakagat ako sa aking pang ibabang labi noong nakita kong pati si Shenel na nagdra-drive ay nagpipigil ng ngiti.
Naramdaman ko ang pag init ng magkabiling pisngi ko bago bahagyang napanguso. Tinignan ko na lang ang aking kamay. Doon ko itinuon ang atensiyon dahil sa kahihiyang nararamdaman. Pinaglaruan ko lang ang aking mga daliri.
Bakit ko ba sinabi iyon? Malay ko bang hindi pala siya seryoso sa sinabi niya.
"My sultana," aniya.
Hindi ko siya pinansin at nanatili lang na nakatitig sa aking mga kamay. Malay ko ba kung ako ang tinatawag niya. Hindi naman Sultana ang pangalan ko.
"Andreana."
Tumaas ang lahat ng balahibo ko noong binanggit niya ang aking pangalan. Doon na ako nag angat ng tingin at nahigit ko ang akong hininga noong umusog siya papalapit sa akin. I nearly held my breath as his face came just a ruler's length away from mine.
Napalunok ako noong tumaas ang kamay niya at kumuha ng ilang hibla ng buhok ko bago iyon nilapit sa kaniyang ilong at inamoy. He closed his eyes as he inhaled the scent of my curls, and for reasons I couldn't explain, the moment sent a flutter through my stomach.
BINABASA MO ANG
The Miscreant's Salvation
General FictionO N G O I N G WARNING: READ AT YOUR OWN RISK