Dreaming of YOU

1 0 0
                                    

"And I wish on the star that somewhere you are thinking of me too."

---
Bri's POV

"You may now kiss the bride." I closed my eyes waiting for our lips to collide.

meow.. meow..

"Nakanaman ng Tilapia Muning oh! Maglalapat na e! Ikikiss na ko ni Timothy miloves! Y naman nanggigising Muning ko?" singhal ni Bri sa pusa niyang si Muning matapos nitong dilaan ang kanang pisingi niya na kanyang ikinagising.

Meow.. ang tanging sagot ni Muning na nakatingin lang sa kanya.

"Osya sya. Tara na at ng makakain ka na. Alam kong ikaw ay gutom na kaya mo ko ginising." dirediretso niyang sinasabi habang bumabangon.

Matapos pakainin si Muning ay agad naman na din siyang naghanda ng almusal para sa kanya.

"hmmmmm. napakasarap ko talaga magtimpla ng kape." pagpuri niya sa sarili matapos humigop ng kapeng kanyang tinimpla.

Pagkatapos mag almusal ay kanya ng inayos ang kanyang kama at naghanda para sa pagpasok niya sa kanyang trabaho.

Siya ay isang call center agent ng isang kompanya na pagaari ng kanyang adoptive parents. Hindi man siya itinuturing ng mga ito na anak matapos magkaron ng sariling anak ay binigyan parin siya ng bahay dahil na rin sa kahilingan ng kanyang lolo na siyang nagaruga at tumuring sa kanya bilang pamilya. Nakatira siya sa isang bahay na may katamtamang laki, may dalawang kwarto para sa kanya at isa naman para sa bisita. Walang nakakaalam kung san ang bahay niya, bagamat nagkikita sila ng lolo niya ay kahit ito ay hindi alam kung san ito nakatira. Siya ay 24 na anyos na at namumuhay ng mag isa. Ganun pa man, masaya na rin siya sa buhay niya dahil may sarili siyang bahay, may maayos na trabaho at mga pusa na nakakasama niya sa araw araw.

Pagkatapos niya magayos ay sumakay na siya sa motor niya bitbit ang bag pack papasok ng trabaho.

Hindi man gusto ng lolo niya na mag motor siya ay wala itong magawa dahil na din sa kakulitan nitong si Bri. At para din kay Bri, mas convenient ang motor papasok ng trabaho sa pagkat maaari itong sumingit para makaiwas sa traffic

Pag karating sa opisina ay agad na itong dumiretso sa kanyang station para magset up.

"Hi Bri!" Good morning" bati sa kanya ni Adrian, ang kanyang masugid na manliligaw na kahit binasted niya na ay patuloy pa rin sa pagpapalipad hangin nito.

"Halu. Magandang umaga." bati nito pabalik.

During lunch break ay may nareceived itong message mula sa kanyang lolo.

"Iha. Dumiretso ka dito after work mo. We need to talk. I need some important matters to discuss to you. And I missed you Iha. Take care."

Kunot nuong binasa niya ang mensahe.

"Ano kayang important matter yun." pagsabi nuon ay nagreply na din sya sa lolo niya.

"Okay po Lolo ko. Miss na din po kita. Ingat ka din po parati."

"Breaking News! Youngest businessman and The McVeigh Corporation's heir will be married soon? How true is this news? Or is this a bluff? ABANGAN!"

"Anooooo! Sino naman yang pakakasalan ng mahal ko. Talaga naman, oo!" malakas na pagkakasabi ni Bri ng marinig ang balita sa radyo.

"Te, baka naman bluff lang. Lagi naman ginagawan ng issue ng media yang mga business man no. Kaya kalmahan mo lang." Wika ni Mel na kaibigan at katrabaho ni Bri

Never againWhere stories live. Discover now