Supplication Day

1 0 0
                                    

Araw ng Linggo. Ito ang araw na mamanhikan ang pamilya ni Timothy kaya naman naroroon din si Mr. and Mrs. Del Vega pati narin ang anak nitong si Liam De Vega. Napagkasunduan ng pamilya Del Vega na dumalo para kay Bri, natutuwa sila kay Bri dahil tinanggap ng maayos ng bata ang naging desisyon nilang magasawa. Napagkasuduan ng mga Del Vega at McVeigh na alas sais ng gabi ganapin ang pamamanhikan.

"Hello Iha. Nasaan ka na? Baka maunahan ka pa ng mga McVeigh na makarating ha. Tandaan mo alas sais ang usapan." paalala ni Mrs. Del Vega kay Bri sa kabilang linya.

"Ma, papunta na ho. Wag kayong magalala." sagot naman ni Bri sa kabilang linya. Mama pa din ang tawag nito na binigyan naman ng pahintulot ng nga Del Vega.

"Osya sige. Magiingat ka. Sabi ko naman sayo, susunduin ka na lang namin e. Magdress ka anak ha. Hindi naman ata akma sa okasyon kung nakajeans at shirt ka. Minsan lang naman kaya pagbigyan mo na ako." pakiusap nito sa kanya.

"Hahahaha. Opo Ma. Pero jan na ho ako magbibihis, nakamotor ho ako. Baka po masilipan ang beauty ko." natatawang sagot nito. Alam kasi nilang hindi mahilig magdress ang dalaga.

"Osya sige na. Patapos na din kami magprepare."

Makalipas ang ilang minuto ay nalalapit na ang sasakyan ng mga McVeigh sa mansion ng mga Del Vega ngunit wala pa rin si Bri.

Pagkaparada ng sasakyan ng mga McVeigh at pagkababa ng mga ito ay siya rin namang dating ng motor ni Bri.

Nakakunot ang noong tinitingnan ni Timothy kung sino ang lulan ng motor na ikinagulat niya ng makitang si Bri ito at ipinagtataka niyang kararating lang din. Hindi mawari ng binata ang nararamdamang kakaiba. Tila nagagandahan siya sa dalaga, ang simpleng muka nito, ang ngiting napakatamis at ang kumikinang na mata na para bang gusto niyang protektahan para mapanatili ang kinang at saya sa mga mata ng dalaga.

"Stop staring Bro!" kalabit ni Anthony sa binata na tila natauhan.

"I am not staring weirdo!" inis na tanggi naman nito.

"Ma, Pa, Lo, sorry, kakarating ko lang. May nagbanggaan sa edsa eh." wika ni Bri pagkatapos magbeso sa mga Del Vega.

"Hello po sa inyo. Pasensya na, hindi ho ako makakabeso, medyo pawis po eh. Hehe." baling naman nito sa pamilya McVeigh "Magpapalit lang po ako Lolo." paalam naman nito sa lolo niya.

"Siya sige, bilisan mo iha ng makapaghapunan na tayo." pagsang ayon niya kay Bri. "Tuloy kayo Pare, Mare, Timothy at Anthony." baling naman niya sa mga bisita.

Tuluyan ng pumasok ang pamilya sa mansion at nagsimula na ring maghapunan. Panay naman ang sulyap ni Timothy sa dalaga na ngayon ay nakabihis at nakaayos ng kaunti pero litaw na litaw ang ganda. Nakadress na fit ang dalaga na kulay gray, off shoulder kaya naman litaw na litaw ang kinis ng balikat at braso nito at nakamessy bun naman ang ayos ng buhok nito. Naka light make up din ito. Ngunit hindi parin nakaligtas si Timothy sa mga pangaasar ni Anthony.

"Bro. Kumain ka ng mabuti. Baka makain mo yang tinititigan mo a. Forfeit na ba yung contract?" natatawang bulong ni Anthony kay Timothy

"Sira. Wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo." saway naman ni Timothy sa pangaasar ng kaibigan

Pagkatapos ng hapunan ay nagtipon tipon na sila sa sala upang pagusapan ang gaganaping kasal.

"Next month na ang kasal niyo, iho, iha. Sa amerika kayo magpapakasal kagaya ng napagkasunduan at sabay sabay tayong pupunta don, ngunit maiiwan si Timothy at Bri doon upang maghoney moon. Gusto ko ng magkaapo agad ah" panimula ni Mrs. McVeigh, ang lola ni Timothy na ngiting ngiti naman habang binabanggit ang mithiing magkaroon ng apo.

"Hahahaha. Wag natin silang madaliin at baka mapressure. Pero ako man ay gusto na rin ng munting Bri. Sigurado akong magiging maganda at gwapo ang magiging anak ng mga batang ito" pagsang ayon naman ni Lolo Carlos habang ang iba naman ay nakikitawa ang nakangiti lang

"Iha, bakit hindi mo ipasyal si Timonthy sa mansion." baling naman ni Lolo Varlos kay Bri.

"Sige po Lolo." bahagya naman tumingin ito kay Timothy at sinenyasang sumunod na siyang ginawa naman ng binata.

"Kung may gusto ka or sasabihin ka. Go lang. Kung wala, go lang din. Dito muna tayo sa garden." sabi ni Bri na siyang tinanguhan lang ni Timothy.

"Mukang okay naman kayo ng mga Del Vega, bakit kailangan ipawalang bisa pa ang pag ampon sayo?" tanong ni Timothy kay Bri na kasalukuyang nakaupo na sa Bench sa tabi ni Timothy

"Ah. Oo, goods kami. Kaso kasi yung nanay at tatay ni Papa ang kontra. Kahit nung inampon nila ako, ayaw talaga nila. Kaya nung nagkababy na si Mama, yun yung hiniling nila kay Papa, e hindi naman makahindi si Papa kasi pinagbantaan siya na babawiin yung mga iniwang kompanya dito sa Pinas pag kinupkop ako. E ayoko namang maghirap sila Mama dahil sakin. Kaya inintindi ko na lang. Pero okay lang, di naman ako pinabayaan ni Lolo Carlos. Mula non, siya na ang kumupkop at nagaruga sakin." mahabang kwento niya.

"Hmm. Okay. Bakit nga pala kakarating mo lang kanina? May pasok ka parin ng Sunday?" tanong ni Timothy kay Bri

"Ah. Haha. Di kasi ako nakatira dito, kakagaling ko lang sa bahay ko non kanina. Mamaya uuwi din ako since may pasok ako bukas. Nung grumaduate ako, namuhay na ko magisa. Ay di pala magisa. Kasama ko mga pusa ko. Hehe. Si Muning at Kuting."  nakangiting sagot niya

"Ah. Bakit hindi ka na lang nagpasundo sa driver ni Lolo Carlos?" nagtatakang tanong ni Timothy

"Walang nakakaalam ng bahay ko. Ako lang. At ayokong ipaalam. Bakit? Ayoko lang. Minsan gusto ko lang talagang mapagisa e." sagot ni Bri kay Timothy

"Balik na tayo." paanyaya ni Bri kay Timothy na bumalik na sa loob ng mansion na tanging tango lang ang sagot ng binata

"O kumusta ang date niyo?" nakangiting tanong ni Anthony para asarin ang kaibigan na tanging ngiti lang ang sagot ni Bri.

"Osya. Mauuna na kami. Bukas kayo magsusukat ng susuotin niyo sa kasal, Timothy at Bri kayo na ang magusap kung anong oras pero importanteng makapagsukat kayo para walang aberya pag dating ng araw ng kasal niyo. Okay?" saad ni Mrs. McVeigh, ang lola ni Timothy

"Magkita na lang tayo sa lugar bukas." wika ni Bri kay Timothy

"Anong magkikita. Sunduin mo ang fiance mo sa office niya bukas iho." sabat naman ni Lolo Mak

"Yah. I will just drop by your office tomorrow. At 5pm right?" baling naman ni Timothy kay Bri

Tumango lang ito bilang pag sangayon.

Tuluyan ng nakauwi ang pamilya McVeigh. Nakauwi na rin si Bri sa bahay niya after umalis ng mga McVeigh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never againWhere stories live. Discover now