Random user: Grabe, napakapili mo naman sa akda. Bakit nasa bookshelf lang ang gawa ko?
SFUS: Iyon ay dahil may sinusunod kami na criteria.
Random user: May criteria pa kayo? Eh five chapters lang naman ang binabasa mo?
SFUS: Ano ka ba? Hindi sapat iyong TASTE lang namin ang sinusunod. Dapat may dahilan kami kung bakit namin pinili ang akda. Nandito ang anim na pamantayan na tinitignan namin sa pagpili:
1. Minimum grammatical errors.
Kapag ang isang akda ay walang grammatical error (Filipino man o English) ibig sabihin ay nagsikap ang may-akda na pag-aralan ang bahagi ng wika. We, the ReadersLeague, appreciate the effort of those authors.
Gayunman alam namin na walang perpekto sa ganitong larangan, kinokonsider namin ang kaunting mali sa gramatika.
2. The balance of Show vs Tell
Isa ito sa pinakamahalaga. Tinitignan namin ang balanse ng pagkakasulat. May mga may-akda na mas kinikilingan ang SHOW narration, ngunit kung puro na lamang gano'n, hahaba ang nakatala kahit 'di na kailangan. Babagal ang pag-usad ng plot. Kaming mga nagbabasa ay nakakadama ng boredom sa ganoong sistema ng pagsusulat.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro SHOW na lang, ngunit 'di rin p'wedeng puro TELL. Dahil mawawalan ng mahalagang detalye ang istorya.
3. Characters
Isa rin sa tinitignan namin ay ang pagkakasulat sa background ng karakter. Likable ba siya o hindi? Consistent ba ang kaniyang ugali at gawi sa limang kabanata na iyon?
4. The Logic of the Characters and Scene
Halimbawa, nag-aaway ang tatay at anak dahil nakabuntis ang anak nang maaga. Sa unang senaryo ay may alitan. Galit na galit ang tatay at nasuntok niya ang anak. Umiiyak ang anak at humihingi ng tawad. Sa sumunod na eksena, bigla na lang tumawa ang tatay at sinabing biro lamang iyon. Ang anak ay tumawa rin. Nasaan ang logic sa ganoong senaryo?
5. Is it Cliché'?
Hindi masama ang cliché'. May mga akda kaming pinili na may gano'n pa ring plot. Gayunman, mas pinapaboran namin ang mga may-akda na nag-iisip ng orihinal.
6. Worldbuilding
Sa mga settings na batay sa totoong lugar, halimbawa: Manila, Quezon Province, Japan Etc... hindi na namin masyadong sinusuri. Gayunman, sa fantasy at mga genre na may fictional settings, sinusuri namin ang pagkakagawa sa mundo ng istorya.
SFUS: Kapag nakapasok ang aklat mo sa Highly Recommended list, ibig sabihin ay nakamtan nito ang criteria namin. Ngayon, alam mo na?
Random User: Hindi ba kayo nagbibigay ng Feedback?
SFUS: Hindi kami critique shop. Hindi kami nagbibigay ng Feedback, nagbibigay lang kami ng reads,comments, votes, at promotion.
Random User: Ah... Kailan kayo nag-propromote?
SFUS: Usually week-end, kapag walang masyadong gawain.
Nasagot na ba ang lahat ng tanong mo? Kung may tanong ka pa ay magkomento lamang dito. ➡️➡️➡️
***
![](https://img.wattpad.com/cover/301710445-288-k849613.jpg)
BINABASA MO ANG
(Closed) The Search for Underrated Stories 2022
No FicciónOpen for all Filipino Aspiring Writers! English, Tagalog, or Taglish books are accepted. All genres are welcome. GOAL: "To search for underrated stories with an amazing plot, characters, and narration and to help them gain more reads." Huwag nang ma...