Chapter 24

1.4K 50 4
                                    

Killian’s POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng takot sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung akma ba ang nararamdaman ko sa sitwasyon ngayon.

“Boss, nakaready na silang lahat, kayo nalang ang hinihintay” napukaw ang pag-iisip ko ng marinig ang boses ni lee.

I took a deep breath. “Its time. Let's go”

Nang makalabas ako ay naroon na nga silang lahat, naghihintay sakin. Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong baril. Nagsiyukuan sila ng isa-isa ko silang pasadahan ng tingin, sa ganoong gesture ay ramdam ko ang respetong ibinibigay nila sakin.

“Y’all know what to do, kill them before they kill you” seryoso kong saad. Nag-angat sila ng tingin at sabay sabay na tumango. “Tapusin na natin ’to”

Kasama ko si lee sa isang sasakyan. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nandito na kami sa lugar na sinasabi ni luke. Nakakapagtakang wala man lang akong makitang sasakyan na nakaparada sa labas, sa tingin ko ay sinadya nya iyon. Sunod sunod na dumating ang mga tauhan ko, tanging ugong lang ng sasakyan ang maririnig sa lugar. Napakatahimik. Iyong katahimikan na hindi mo nanaisin na maramdaman sapagkat alam kong pagkatapos ng gabing ito ay isa lang sa amin ang makakalabas ng buhay.

Halos wala akong makita ng makapasok kami sa loob, masyadong madilim. Katulad ko ay alam kong nakikiramdam din sila sa paligid, tanging ang aming pakiramdam lang ang maaasahan sa mga oras na ito. I bit my lower lip to focus myself. One wrong move and we’ll be die.

“Hola, my friend! I heard your son died? Tsk alam kong huli na pero nakikiramay ako sayo” mabilis kong inilibot ang aking tingin ngunit nahihirapan akong makita kung nasaan sya.

“Fucking show yourself, luke. Wag kang magtago”

Nagtagis ang mga bagang ko ng marinig ang nakakainsulto nyang tawa, dinig na dinig iyon dahil napakatahimik ng lugar. Tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito sa loob pero dahil natatakpan ng bintana ay nahihirapan akong makakita. Hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa buwan para makita ang buong lugar.

“Ano ako tanga? Dito kana mamamatay, brix. Hindi kana makakalabas pa” batid kong nakangisi sya habang sinasabi iyon.

Ibubuka ko palang ang aking bibig ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Mabilis akong tumakbo at nagtago sa pader hindi kalayuan sa kinatatayuan ko kanina. Wala pa man akong ginagawa ay hinihingal na ako, hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa kong pagtakbo o sa kaalamang wala akong magawa para makita sya.

“Pray for your life, luke. Ipagdasal mong hindi kita makita dahil sinisiguro ko sa ’yong hindi kana sisikatan pa ng araw” nanggigigil kong banta.

Wala akong narinig na sagot. I closed my eyes to adjust myself from the darkness. Dinig ko ang palitan nila ng putok, sinundan ko kung saan nanggagaling iyon pero ganun nalang ang gulat ko ng hindi pa man ako nakakalapit ay may sumipa na sa tagiliran ko.

“Fuck” daing ko ng tumama ang likod ko sa pader.

Mabilis akong nakailag ng akma nya ulit akong sisipain. Nilingon ko kung nasaan ang baril ko, dahil sa lakas ng pagkakasipa nya kanina ay aksidente ko itong nabitawan. I looked at him, I know he knows how to fight based on his move. Sunod sunod ang ginawa kong pag-iwas ng magpaulan sya ng suntok pero hindi ko inaasahan ang muling pagsipa nya na tumama sa aking bibig dahilan para bahagya akong mapaatras. Hinawakan ko ang aking bibig, hindi na ako nagulat ng malasahan ko ang dugo doon.

Mukhang kailangan ko na talagang magseryoso, sa bawat oras na lumilipas ay lalong tumatagal ang buhay ni luke. Hindi na pinapatagal ang mga katulad nya.

Carrying The Son Of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon