"Can we talk?"
Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa aking siko.Nilingon ko ito habang nakakunot ang noo ko sakanya.Ibinaba nito ang tingin sa aking mukha at sinalubong ang aking masamang tingin.
"Para saan?"tanong ko sakanya at nilampasan ito.Nasagi ko pa ng bahagya ang balikat nito.
Narinig ko ang pagtikhim nito.
"Saoirse,"tawag nito sa akin ngunit hindi ko ito binigyang pansin.Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin.Hindi ko tuloy maiwasang mainis.
"Ano?"inis kong singhal at naglakad muli palagpas sakanya habang iniaayos ang mga nahugasan kong mga plato matapos naming kumain.
Niyaya pa ni lola ang binata upang mananghalian dito saamin bilang pasasalamat daw sa pagpapasakay saamin kaya't narito ngayon ang binata.
"Galit ka ba saakin?"
Nangunot ang noo ko at bahagyang umawang ang aking labi.Nilingon ko ito.
"Hindi a,"pagtatanggi ko."Bakit naman?"
"Totoo ba? Pero bakit ganyan ka makitungo saakin?Daig ko pa ang nakapatay,"malungkot na turan nito.
Nanatiling nakaawang ang labi ko habang nakatitig sa binatang bahagyang nakatungo.Hindi ko rin alam ang isasagot ko sakanya.
Hindi naman talaga ako galit sakanya sa totoo lang kahit na aware ako sa pakikitungo ko sakanya. Sadyang ayaw ko lang sa ideyang may gusto ito saakin. Ayaw ko itong pakitaan ng motibo dahil sa totoo lang ay wala akong planong patulan ito, mas gugustuhin ko nalamang na ipagtabuyan siya palayo kaysa paasahin.