Sa palagay ko kahit di ka EXO-L makakarelate ka naman dito, hindi ko masyadong idinikit sa career nila. Hehe may plot to syempre. Kiligin ka sana kekekeke~
-MARIA
• • •
ALLIAH'S POV
"Goodmorning alliah! Hehehe" bati sayo ng crush mong nakangiti at labas yung pangil. Yan, yan isa sa mga nagustuhan mo sa kanya. Palangiti, mapagbiro, at napakabait. Pero siraulo ding tulad mo. Si Oh Sehun.
"Ay ang sungit? Peymus na nang iisnob na eh." Padabog siyang umalis habang nakapout, pero pinigilan mong ngumiti, badmood ka eh. Ikaw ba naman matastasan ng palda ng ke aga aga dahil sa bulok na jeep na nasakyan mo.
Yung crush mong yun eh kakarating lang, routine niya na ang pagbati ng goodmorning sayo tuwing umaga. Pero ikaw syempre kunwari busy, pinipigilang kiligin.
"Huta, ang hiatus kaya ng ig mo!" Narinig mong sigaw ni Meann kay Baekhyun.
"Anong pake mo? Atleast ako mas magaling pang mag make up sayo." Nagbelat si baekhyun kay meann at si meann ayun di nakasagot at natulala, bigla kasing pumasok si satana-- este kyungsoo hehehehez.
"Kyungsoo pahiram nga ng diary mo sa english? Pengeng word." Sabi naman ni neya habang nakabukaka at nakataas yung paa sa upuan. Partida naka palda yan ah.
"Ibaba mo nga yang paa mo, tss parang di ka babae. Daig ka pa ni .. Oh eto na yung diary ko!" Nangiti naman si neya pero nakataas parin yung paa niya, at napaisip ka. Totoo bang bestfriend mo sila? Si neya mas lalaki pa kay baekhyun, si meann mas astig pa kesa kay suho. Yun nga lang lumalambot silang dalawa pag andyan yung mga love of their lives nila, si meann kay dyo at si neya kay suho. Eh ikaw ba? Edi syempre kay ..
"Sehun!" Napalingon ka naman sa sumigaw. Si xiumin, kinawayan mo siya at ganun din siya sayo. Nakita mo naman na inirapan ka ni sehun. Ew so ghei
"Shumeeeeeeeeen! Hehehez ankyut mo talaga." Sabi ni neya, kinurot niya yung pisnge ni xiumin. Nauubong kumalas naman si xiumin sa yakap. May sikreto kang alam, si neya ay may gusto kay xiumin at kris PERO mas seryoso siya kay suho. Odiba? Stick to one two three.
"Sehun sabi ng bestfriend mong duwag sa ipis yung pera nya daw na ipinatago sayo." Natawa ka kay xiumin kasi alam mo kung sino yung 'bestfriend niyang duwag sa ipis' hehehez di makakilala mababaog.
"Oh, sabihin mo yung utang niyang piso sakin di nya pa nabibigay tss." Badmood na sagot ni sehun. Umalis naman si xiumin at kumaway pa nga siya ulit sainyo ni meann. Ang qt niya :(
BINABASA MO ANG
The Turn Off Operation (Sehun Fanfic)
FanfictionNever give up on something you really want, it's really hard to wait but worse to regret.