FIVE days na hindi nakita ni Cithara si Evan. Gusto nyang abalahin si Chata baka alam kasi ng isang iyon kung ano na ang nagyayari kila Evan. Iyon ay kung may alam nga. May possibility na hindi ipinaalam ni Evan dahil kasalukuyang nasa stage iyon ng honeymoon at ng prinsipe nito. Baka nga walang alam ang isang iyon. Naghahanda rin maglipat ang isang iyon sa bagong biling beach house sa Coast Arzasuana.
Maging si Harsha hindi nya rin makita. Where could they be? Palagi syang nakatingin sa labas ng kanyang bintana baka sakaling matanaw nyang parating ang sasakyan ni Evan.
"Lady Cithara, hindi po ba ninyo nagustuhan ang lasa?" Tanong ng servant ng mapuna na hindi nya nagalaw ang kanyang pagkain.
"H-ha?! Okay lang ako. Pasensya na, wala kasi akong gana. Matutulog na ako. Pakidalhan na lang ako ng gatas. Ipasok mo sa loob." Bilin nya.
"Baka ayaw mo talaga ng pagkain. Sabihin nyo lang, Lady Cithara. Mapapagalitan kami ng master kung ganyan. Ibinilin nyang asikasuhin namin kayo. Magagalit sya kapag nalaman nyang hindi ka kumain."
Natigilan si Cithara. Inaalala sya ni Evan. Pinigil nya ang luhang gustong kumawala sa mata nya. Pilit na ngumiti. Muli syang naupo at pinilit na kainin ang nasa hapag. Paano sya makakatanggi kung ang taong inaalala nya ay nag-aalala rin sa kanya.
She missed Evan. Hindi iyon mawala sa isip nya. Si Evan lang ang laman noon. Madaling araw na kung matulog sya. She just keep on thinking about him.
Natigilan si Cithara. She realized, mahal nya ang taong 'yon. Nasuntok nya ang kanyang dibdib. Palibhasang puso nya, pasaway! All the time she just thought of having fun there. Ang
matreat ng pamasahe sa eroplano at ng masasarap na pagkain.
Paano pinili ng puso nya ang isang 'yon na sumpong. Isang duke, misteryoso ang pagkatao, maraming lihim. Hindi sya bagay sa isang 'yon. Dapat pala hindi na nya pinatagal ang pananatili roon. Umuwi nalang sana sya para tahimik na ang buhay nya.
Tahimik? Kahit kailan hindi na magiging tahimik ang buhay nya. She loved Evan. Na-inlove sya sa duke ng Alansor. Suntok sa buwan ito, it's not adventure anymore. She remember the time they kissed at Menean Seedspread in Will Forest. Could Evan feel something for her or simply for fun?
"WHY are you sneaking to her room?"
Gulat na napatigil si Evan sa tangkang pagpasok sa kwarto ni Cithara. Isinarado nya muli ang pinto at hinarap ang abalang iyon. Nasa likuran nya sina Aron at Hajime. Nakahalukipkip ang dalawang iyon habang pailalim na tumitingin sa kanya.
"You two, what are you doing here?" Balik-tanong ni Evan.
"We asked filst. Prince, malayo ang kwarto mo buhat lito. Don't tell us na naligaw ka sa salili mong tahanan." Panunudyo ni Hajime.
"Kayong dalawa ang napakalayo ng narating. Anong sadya nyo rito?" Sita nya sa dalawa.
"Kung anong dahilan mo, iyon ang dahilan namin." Sagot ni Hajime.
"What?" Iniinis yata sya ng dalawang ito.
"Prince probably planning of making love to her." Nakangising saad ni Aron.
"Isa ka pa. Bumalik ns nga kayo sa pinanggalingan nyo." Taboy nya sa dalawa.
"Men, you're inlove." Tumawa ang dalawa. He's inlove?
"Shut up! Get lost! You know I can't perform in bed right now." Aniya.
"He's right. We can't watch a free show." Malisyosong wika ni Hajime.
"Poor guy... We're out." Aron exaggerately said.
Finally, tinantanan na rin sya ng dalawa. Maingat syang pumasok ng silid ni Cithara. He found her sleeping peacefully. She could be at Nea's age. Limang araw nya itong hindi nakita. Si Cithara lang ang babaeng hindi nya pinagtabuyan palayo sa kanya. Maybe she's not into intentionally getting his attention. Inamin nya pasaway minsan si Cithara. She loved natural attitude like his sister.
Umupo sya sa gilid ng kama. Patagilid na nakahiga si Cithara. Nakaharap iyon sa kanya. Maaliwalas ang mukha, marahil maganda ang napapanaginipan. Pinisil nya ng marahan ang ilong nito. He love to stare at her face. Such Asian beauty. Exotic ang taglay na kagandahan.
Gustong-gusto nyang pagmasdan ang mukhang iyon na may taglay na mahabang pilik, bilugang mata na maitim, makipot at mamula-mulang labi at may katamtamang tangos ng ilong.
Hindi nya napigilan ang sarili. He found himself kissing the unconscious lady. Pinangahasan nyang hagkan si Cithara. May chemistry sa pagitan nila. He enjoy her company since the first time na nakita nya itong giniginaw sa sidewalk sa France. Ibinigay nya ang suot na coat. Akala nya hanggang doon lang but she followed him. Hanggang rito sumama ang dalaga. Ang gumulo sa tahimik na si Evan Wilserg.
NAG-INAT si Cithara. Mabuti't maaga-aga ng kaunti ang tulog nya kumpara sa ibang gabi. Mahimbing ang tulog nya. She even dream of Evan kissing her on top of the mountain. Weird, sa bundok pa yung venue ng kissing scene nila.
She stretched her hands. Natigilan sya ng tila may nabangga ang kanyang kamay. She don't even remember of having a pillow- a hard pillow! May matigas bang unan? Sinong nagdala ng matigas na unan sa kanyang higaan. She look at it.
Nanlaki ang kanyang mata. She screamed. Nahagip nya ang unan at inihampas ng
inihampas sa taong iyon. She found a man beside her. Wala syang katabi ng matulog.
"Ouch! Ouch! Stop it, Cith." Daing ni Evan.
Natigilan si Cithara. Si Evan?! Tinitigan sya nito. Si Evan nga! Nakaboxer lang ito. At may benda sa dibdib!
"Oh, Evan. I'm sorry. Are you okay? What happened? Bakit may sugat ka?" Sunod-sunod na tanong ni Cithara.
"Cith, relax. I'm okay. Don't panic."
"Okay. Anong nangyari sa lakad mo?" Now, he's here. She wanna know everything.
"We had an encounter with those junk. Negative, they don't have Nea. Accidentally, I was shot here, below my shoulder." Tinatamad na kweto nito.
"Oh, nakakadisappoint. Nag-alala ka pa naman ng husto. Si Harsha, nasaan na?"
"He confessed to me. Matagal na pala nyang ipinapahanap si Nea ng hindi ko alam. He lead the search for Nea. Kung buhay pa nga ba o patay na. Hindi dapat ako nagalit sa kanya. He cares for us. He likes a loving father to us."
"I'm just glad your back. Pinag-alala mo ako ng husto." Bigla na lang syang napabulalas ng iyak. She's happy. Evan is back now. Hindi naman malala ang lagay nito.
"Teka, bakit narito ka sa tabi ko? Hindi mo ito kwarto." Tigil sa pag-iyak si Cithara.
"Uhm..." Evan caught-off-guard. Tinatamad syang bumalik sa kanyang silid kagabi.
"Naglakad ka ng tulog papunta rito? Hindi ba talaga mawawala 'yang sleeping sickness mo?"
"I-I don't know." Whew! Nakalusot sya. Baka paduguin nito ang sugat nya oras na malamang sinadya nyang pumunta roon. Baka magalit lalo kapag nalamang hinalikan nya. Minsan talaga hindi nya maintindihan si Cithara. Minsan maamo, minsan tigre.
Niyakap nya ito ng mahigpit. He missed her.
"CITH! Cith! Where are you?" tawag ni Evan kay Cithara. He went to her room, he was holding a bouquet of roses with different colors. Inasar sya ni Aron. Hindi raw iyon tatanggapin ni Cithara dahil inayawan na nito ang bulaklak ng minsang matinik. Nag-init ang kanyang ulo ng maalala ang eksenang sinisipsip ni Aron ang daliri ni Cithara.
"Where did she go?" Bulong ni Evan. Napokus ang atensyon nya sa bag ni Cithara. He found something interesting. Ipinatong nya ang bulaklak sa kama. Pa-squat na naupo. Pinagmasdan nya ang palawit sa bag. It reminds him of something.
It was small bells. Nakakabit iyon sa itim na belt. Tinanggal nya iyon sa bag. Its genuine leather belt. Sinipat nya ang bell. May disenyo iyong kabayo at mga rosas. Binaliktad nya ang belt. He found an engrave name. Snowry.
It can't be! Kinabahan si Evan. He open the bag. Nakita nya ang laman noon. Mga memorabilia. Everything reminds him of one person. Suddenly, tears fall from his eyes. He was crying. Para syang bata na umiiyak sa paanan ng kama.
"Cithara knew everything." He went out of her room. Hahanapin nya si Cithara.
"Have you seen, Cithara?" Tanong nya sa servant na nakasalubong.
"Hindi po, Master."
Nilampasan nya iyon. Nagmamadali sya. Kailangan nyang makita si Cithara sa lalong madaling panahon. Kailangan nya ng paliwanag.
"LADY Cithara, nakasalubong ko si Master, hinahanap po kayo."
Kunot-noong napatingin si Cithara sa servant. Ipinagpatuloy nya ang pagkain ng orange. May natagpuan syang taniman ng orange at halos lahat ng bunga ay hinog na. Kanina pa sya roon.
"Mukha pong galit si Master Evan." Dagdag pa nito.
"Sige, pupuntahan ko." Aniya. Pumitas sya ng tatlong orange. Oras na sigawan sya ng lalaking iyon, pupuntiryahin nya ang sugat sa dibdib. Tingnan lang nya kung hindi tumigil ang isang 'yon kapag naramdaman ang sakit.
Mukhang tinotopak na naman ng kasungitan. Wala naman syang ginawang masama. Hindi naman siguro bawal kainin ang orange doon. Isa pa, hindi noon alam na nandoon sya. Sige, magtututos sila.
"CITH, I trusted you. All there time, you keep on playing with me. You lied to me. What do you want, huh? You keep on playing innocent!" Galit na salubong ni Evan ka Cithara.
Parang hindi kayang titigan ni Cithara ang nanlilisik nitong mata. Pero teka, she's not guilty for his accusation. Ano nga ba iyon? Wala syang ideya sa mga pinaparatang nito sa kanya.
"Could you explain futher?" Kunot-noong wika niya. Bagama't mahinahon, malapit na syang mapuno sa drama nito.
"Now, confess! Hanggang kaya kitang patawarin. Habang patuloy kang nagmamaang-maangan, lalo akong maniniwala na sinadya mo ang lahat."
"Bullshit! Straight to the point, Evan. I hate cross conversation!" Gigil na sigaw niya.
"This! How could you explain this? All this time alam mo ang lahat tungkol sa akin pero nagpapanggap kang walang alam." Akusa nito.
Muntik ng matawa si Cithara ng ipakita ni Evan ang palawit ng bag na dala nya. Ang OA naman nito. Dahil lang doon kaya ito nagkakaganoon. Sa inis nya, ibinato nya rito ang isang orange. Sapol ang sugat nito. Nagdugo iyon sa lakas ng impact. Sariwa pa ang sugat ng lalaki. Hindi natinag si Evan.
She could see from his eyes na nasaktan ito. Mula sa kaibuturan ng puso nito. She don't
know why he was hurt. May hindi sya naiintindihan sa pangyayari. Nilapitan nya ito pero tinabig sya.
"'Wag kang lumapit sa akin. You hurt me. Sinungaling ka, mapagpanggap. Wala kang ipinagkaiba sa mga ipinagtabuyan ko. What do you want? My money? You're the best performer I've ever seen."
Napaiyak si Cithara sa sinabi nito. Pakiramdam nya, talagang malaki ang kasalanan niya. Grabe, dahil lang doon galit na galit na ito. Nakakapraning! Anong mayroon sa leather belt na iyon? Wala namang halaga iyon. Ang sama ng lokong ito para paratangan sya ng kung anu-ano.
"That's suck! Easy, men. Mabubutas ang eardrum ko. Anyway, you've got a hot girl out there. Kaya pala ayaw mo na kay Cith dahil may bago ka na, ha! This is not the way of getting rid of your lover. Tsk! Tsk! Tsk!" Naiiling na wika ni Aron habang papalapit sa kanya.
"We're not yet through, stay here!" Matalim na sulya ang ibinigay sa kanya ni Evan bago ito umalis.
"What happened, Cith?" Marahang tanong ni Aron.
Napayakap sya rito. Napahagulgol sya ng iyak. Pakiramdam nya nakahanap sya ng kakampi sa mga oras na iyon. Ibinuhos nya ang sama ng loob.
"Sinigaw-sigawan nya ako dahil lang sa leather belt na iyon. Pinaratangan nya ako ng kung anu-ano. Sa aso pa yata 'yon, eh. Siguro kanya 'yon pero ang alam ko nakalagay na 'yon sa bag ni Merallia." Sumbong ni Cithara. Natawa si Aron.
"He did that? Ganoon ba kababaw si Evan?" Pati si Aron naguguluhan rin.
"Uuwi na ako sa amin. Ihahatid mo ako sa airport di ba?" Pagsusumamo nya.
"S-Sure, pero I think may na-misunderstood lang rito. Linawin mo kaya muna kay Prince before you decided to leave. Importante ka sa kanya."
Sya importante? Kalokohan! Matapos syang sigaw-sigawan at paratangan ng kung anu-ano. Siraulo rin si Aron, batukan nya kaya.
"Go after him, Cith. Oras na gawin nya uli 'yon, see that two orange in your hands. Ibato mo uli sa sugat nya ng hindi na gumaling. Kung kulang pa just tell me isang drum pa ang ibibigay ko sayo. I'm sure, kapag naubos mo 'yon may makukuha pa tayong isang timbang orange extract." Sulsol pa nito sa kanya.
Natawa sya sa sinabi nito. Hindi lang pala ito cool may pagkakomedyante rin pala.
"Serious, Cith. Bumalik ka sa akin and I'll take you back home."
Tiningnan nya si Aron. Ramdam nya ang katapatan sa mga sinabi nito. Nabuhayan sya ng loob sa sinabi nito.
"Sana ikaw na lang ang nagpagulo sa mundo ko."
"Oh, no! Please, tama ang isang taong humahunting sa akin. Ayaw ko ng dagdag." he said coyly.
"Sira! Hindi kita ha-huntingin 'no!" Pinunas nya ang luha sa kanyang pisngi.
"Not you. Prince would."
Duda sya roon. But she made up her mind. If Evan would not clear this once and for all, uuwi sya. Hindi sya tanga may pride din sya 'no.
"Sige, susundan ko sya at babatuhin ng orange. Magpakuha kana ng isang drum." Nakangiting wika nya kahit nagdurugo ang puso nya.
"Go, Cith. Tutulungan pa kita."
"Thank's, Aron." Huminga sya ng malalim. Tumingin sya kay Aron bago nya inihakbang ang paa. This is it. Hindi na nya iyon patatagalin pa. Handa sya kahit ano pa ang maging desisyon ni Evan.
BINABASA MO ANG
Codename: Prince
RandomCodename: Prince Si Evan, nabubuhay upang maisakatuparan ang kanyang misyon na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya. Isa syang bounty hunter. Isa sa mga sikat na miyembro ng Vortex. Nabubuhay sa katauhan ni Prince. Naligaw si C...