Sundo sa langit ang todo sumpa ko kay Copper na hinding-hindi na ako magpapabuntis sa kaniya. Huhu.. paano na lang kung may magugustuhan na naman siyang elements name? Bubuntisin niya ako.. walang-hiyang asawa ko. Pero no. Hindi na ako magpapabuntis sayo. Siya'y sarap na sarap habang ako.. hmff. Never! Never akong magpapabuntis sayo. Never! Never! Never! Neverrrrr.....
"Naia, ayos ka lang?" tanong ni mommy habang napansin akong nangigigil na nakaupo sa sofa.
"Huh? Ayos lang po ako mom. May problema lang kase ako na kinaiinisan ko." sagot ko rito at muling nguya-nguya.
'Copper Au Flouvere. Nagsisisi talaga ako na ikaw ang naging asawa ko. Bakit pa ba ako nag-asawa ng Science Professor.. yan tuloy..lahat ng pangalan ng anak ko, periodic table of elements. Ahuhuhuhu'
"Good evening mom." bati ni Copper nong pumasok ng bahay. Napataas kilay naman ako at hindi ito pinansin.
"Good evening, wifey." at hinalikan ako sa pisngi.
'Ano bang good sa evening'
"Mom, ano bang nangyari kay Naia? Bakit ganito itsura niya?" pansin ni Copper nong makita ang hindi maguhit kong mukha.
"Aba ewan ko. Kayo yung mag-asawa ako tatanungin mo." pilosopong sagot ni mommy. Lihim naman akong natawa rito.
"Naia, ano bang nangyari? Bakit ganiyan itsura mo? May nangyari ba sa business mo?" malambing nitong tanong sa akin. Bigla naman akong napalingon na animo'y parang isang multo. Nasindak tuloy ito sa paglingon ko.
"Nasa kuwarto si baby Iron. Tulog yon. Puntahan mo na lang yon." boses ko na parang isang robot. Walang kagalaw-galaw habang nagsasalita. Kumunot naman noo nito sa tinuran ko.
"Naia. A-ano bang nangyayari sayo? Bakit ganiyan ka magsalita? P-para
kang isang robot." ani nito."Mabuti alam mo." robot style kong saad. At tumayo at naglakad na parang isang robot patungong kusina. Natigalgal naman ito sa tinuran ko at napaakyat ng hagdan papuntang kuwarto. Napaupo naman ako sa at malalim na napabuntong-hininga.
"Tatlo na yung anak namin ni Copper. Boron, Tin, Iron..tas yong pangalan ng asawa ko Copper. Akin na lang pangalan yung hindi. Ayst! Ganito ba talaga yung taong mahilig sa science? O sadyang ganito lang talaga yong asawa ko? Pero never! Never na akong magpapabuntis. Never!"
Tumayo ako at lumabas ng kusina pero nabangga ako ni Copper. Ang sakit ng noo nong tumama sa dibdib nito."I'm sorry, wifey." hinawakan pa nito ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Bigla ko namang tinapik ang dalawa nitong kamay at tumalikod.
"Teka! Naia. Ano bang problema mo?" pag-alala nito. Napalingon naman ako sa kaniya at nagulat ito ng eh poker
face ko sa sobrang inis."Naia..hoy.." pero umakyat ako ng hagdan at pumasok sa kuwarto. Tulog parin si baby Iron. Napatingin ako kay baby Iron at nagsimulang nag emote-emote.
"Iron. Lumilipad na pangalan. Lumilipad rin utak ng daddy mo. Iron. Iron.. huhuhu! Iron! Kung puwede lang sigurong papalitan ni Copper ang pangalan ko, papalitan niya. Pero never! Never talaga ako papayag. Never!"
Nanatili ako sa loob ng kuwarto namin. Nahiga ako katabi ang anak naming si baby Iron. Tambak naman sa mesa ang libro ni Copper.
"Wifey, dinner is ready." malambing na pagkasabi ni Copper sabay bukas ng pinto. Bumangon naman ako at iniwan si baby Iron na ang himbing ng pagkatulog.
"Mommy.. puwede mo bang turuan ako?" sabi nong anak naming si Tin kakaupo ko lang sa sofa pagkalabas ng kusina.
"Bakit? Tungkol ba saan yon?" tanong ko na animo'y kayang-kaya na maturuan ang anak.
"Ito mommy." kinuha ko naman ang inabot nitong notebook. Pero nasindak ako at napakamot batok ng makita kung ano ang nakasulat sa notebook.
![](https://img.wattpad.com/cover/302167151-288-k541650.jpg)
YOU ARE READING
My Husband and Child's Elements, Name
HumorAng storyang ito at tungkol sa isang Science Professor na nagngangalang Copper Au Flouvere. At sa asawa nito na nagngangalang Naia Dezou ang babaeng sundo sa langit na huwag na huwag ng magpapabuntis sa asawang Science Professor. Paano naman kase a...