Chapter 8

72 3 0
                                    

Natuloy ang pagsama ko sa kanya sa taping pero hindi ko rin agad nagawang lumabas ng sasakyan kasama niya dahil ang daming fans na naghihintay. Napaka aga pa pero may mga tao na kaagad na gusto siyang makita. I wonder kung anong oras sila nagsipunta rito.

"Tara na." nakatingin siya sa akin pero hindi ako bumaba.

"Wag na. Baka mapag-isipan pa tayo ng masama ng mga fans mo." hindi malabong mangyari. Hindi rin sila maniniwala na katulong ako dahil sa ganda 'kong ito.

"What are you saying? Tara na at di naman nila tayo pag-iisipan. Ang advance mo mag-isip." natatawa niyang sabi. Hindi ko kinuha ang nakalahad niyang kamay dahil baka mangyari ang bagay na ikinakatakot ko; ang masira ang imahe niya sa mga tao.

Dumeretso siya at bumati muna sa mga fans niya. Binitbit ko ang bag niya para props. Well, technically ay nandito naman talaga ako para gawin niyang utusan dahil wala si Ate Ishi. Inaabot at kinuha ko rin ang mga regalo na dala nila at nagsasabi na rin ng pasasalamat.

"Staff niya ba 'yan? Ang ganda ni ate!"  nagulat ako nang tanungin niya ako kung pwede magpa picture and I happily obligued. Tatlo lang naman sila pero masaya na rin ako.

Wala naman gaanong nangyari noong araw na 'yun. Halos wala rin siyang pahinga kaya wala rin ako masyadong ginawa. I just played games with my phone. Mga bandang hapon ay pinauwi na niya ako dahil aabutin daw sila ng hating gabi sa taping.

I can see how busy he is that's why I don't understand why he stays here in his house more often now. Sabi ni Manang Fe ay unusual daw dahil hindi raw tumatagal na nandito si Clint ng higit sa dalawang araw.

"Good morning, kakain na raw...po." sabi ko pagkatapos kumatok. Nang di ko na marinig ang sagot niya ay kumatok pa ako lalo.

Muli sana akong kakatok nang marinig ang pagpihit ng doorknob. Finally! Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang tumambad sa akin ang walang damit na si Clint at mayroong nakakalokong tingin kahit mukhang bagong gising lang.

"Like what you're seeing?"

"Ano ba, magdamit ka nga!" tinakpan ko ang mata ko gamit ang palad pero sumisilip pa rin ako. Sayang ang view!

"This is my room, my house, and for your information, I usually sleep... naked. Pasalamat ka nga nagsuot pa ako ng boxer para sa'yo."

"Arrgh kainis!" namumula ang mukha kong tumalikod. Hindi ako sanay na nakakakita ng nakahubad na lalaki lalo na sa malapitan kaya hindi ko talaga alam paano magrereact. Habang naglalakad pababa ay naririnig ko ang pagtawa niya.

"Hintayin mo 'ko!"

"Bwisit ka! Sana malaglag ka sa hagdan pagbaba mo!"

Lumabas muna ako para tulungan si Ate Lory na magdilig ng halaman. Kinuha ko ang trabaho niya kaya tumulong nalang siya kay Manang Fe sa paghahain ng pagkain. Medyo busog pa ako kaya di muna ako sasabay sa kanila pagkain.

Ang ganda talaga ng garden na 'to. Hindi gaano karami ang bulaklak dahil karamihan ay halaman. Di ko alam na may pagka plantito pala si Clint.

"Trix, di ka pa kakain?"

"Mamaya nalang, Ate Lory busog pa po ako eh."

"Sigurado ka?"

"Yup!"

Nagpatuloy ako sa pagdidilig. Iba pa rin pala talaga kapag ikaw na mismo ang nag-aalaga sa mga halaman, mas maaapreciate mo sila.

"Ang ganda!" lumapit ako sa sunflower na nasa isang gilid ng garden.

"Mas maganda ka."

Bakit ang hilig hilig niya sumulpot at manggulat? Nasa likod ko na siya ngayon at ang ulo niya ay nasa gilid na ng ulo ko. Nakadungaw siya sa sunflower na ngayon ay hawak hawak ko.

BS2: Behind The Actor's DramaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon