Chapter 1

990 18 1
                                    

Chapter 1

 

BESTFRIEND

GABRIEL’S POV

Bata pa lang ako pangarap ko nang maging doctor, isang magaling na doctor. Pero nasira ang lahat ng pangarap na yun ng mamatay ang mama ko. Ulila na ‘ko sa ama, ulila pa sa ina.

Nung nabubuhay pa ang mama ko, parating kinukwento sa’kin ni mama na napakabuting tao ng papa ko, napakabait at napakamaalalahanin. Hindi nya man lang nasabi sa’kin kung buhay pa ba si papa o wala na. Dahil gustong-gusto kong malaman.

Kung buhay pa man sya, hahanapin ko sya. Hindi ako susuko hanggang sa mahanap ko sya.

Hindi ko man lang nasabi kay mama kung gaano ako lubos na nagpapasalamat sa kanya. Sa kabaitan, pagmamahal at pag-aaruga nya sa’kin. Aaminin kong naging isang pasaway ako na anak.

Kung gaano ako kasaya nang kasama ko si mama, kabaligtaran naman nun ang naging piling ko sa tita ko, ang kapatid ng mama ko. Sa kanya ako naiwan nang mamatay si mama nung Grade 4 ako.

Napakabwisit nyang tao. Para nya akong ginagawang katulong sa bahay. Hindi na lang ako umaangal dahil siya ang nagpapaaral sa’kin ngayon. Pero alam ko namang sa kanya iniwan ni mama ang lahat ng kayamanan namin.

Akala ko hanggang dun na lang ang buhay ko, mali pala. Bumalik ang sigla ng buhay ko nang mag-3rd year highschool ako. Pinagsikapan kong mag-isa na makakuha ng scholarship sa isa sa pinakamagandang school sa bansa, ang Academe High. Kinaya kong itransfer mag-isa ang sarili ko. Nakapasa naman ako dahil halos araw-araw akong nag-aaral para lang maipasa ang exam dun.

Hindi na ako humingi ng tulong sa tita ko tungkol sa bagay na iyon. Pambaon na lang sa araw-araw ang iniiwan nya sa’kin lingo-linggo. Parati kasi syang wala sa bahay dahil sa bago nyang trabaho. Pero mas maganda na nga yun para sa’kin.

Malungkot ang buhay kapag wala kang mama, papa, o kapatid man lang. Paano ako nakasurvive nang wala sila? Well, I have a best friend. The bestest friend ever.

It was my first day of school sa Academe High ng makilala ko sya. Naglalakad lang ako nun papunta sa school nang may makita akong isang nerdy type girl na pinagbabato ng papel sa gate ng school. Hindi nga sya makapasok dahil sa mga taong humaharang sa kanya.

Pinagtatawanan pa nga sya at sinisigawan ng, “MASARAP BA MAG-ARAL? HUH NERD?”

Pumunta agad ako doon at hinarangan sya mula sa mga nang-iinis sa kanya. Nakita ko kung paano manginig ang labi nya sa kaba at nakita ko ring umiiyak na sya.

Still Holding On (A love story of a lifetime)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon