CHAPTER 2

3 0 0
                                    


"Anong kurso ang kukunin mo, Dianna?"


Kumpleto kaming kumakain sa hapag nang simulan ni papa ang usapan tungkol sa pag-aaral ni ate. Napag-usapan din nila ang desisyon ni ate na dito na lang mag-aral sa Manila at kahit hindi na nila sabihin ay alam kong iyon naman talaga ang gusto nilang mangyari. Ramdam ko ang tensyon habang nag-uusap silang tatlo, tipid lang din ang mga sagot ni ate, kung minsan ay tumatango lang ito o kaya naman ay nagkikibit-ballikat. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganoon sila.


Habang nag-uusap iyong tatlo ay hindi ko maiwasan na kabahan. Nagdadalawang-isip na ako sa gustong gawin kanina lang. Ayos lang naman kung hindi nila ako papayagan, ang mahalaga sa akin ay sinubukan ko.


"Totoo ba, Andreanna, anak?"


Narinig ko ang pangalan ko kaya nalilito kong ibinaba ang hawak na mga kubyertos saka tumingin kay mama na salubong ang kilay na nakatunghay sa akin. Ano nga ulit ang pinag-uusapan nila?


"A-Ano ho ulit 'yon, ma?"


"You were late raw... dahil nag-try out? Saan? Mukhang malalim ang iniisip mo, anak?"


Nasa akin na ngayon ang atensyon no'ng tatlo. Hinihintay ang sagot ko. Tumango lang ako nahihiyang ngumiti. "Sa Table Tennis po, mama. Gusto ko pong maglaro ulit ngayong highschool."


"Hindi kaya maapektuhan ang acads mo, Andreanna?" Si papa iyon na biglang nagkunot-noo.


Mabilis akong umiling. "Hindi po papa," sabi ko pa.


"Siguraduhin mo anak dahil highschool ka na. Dapat ay mas sineseryoso mo na ang pag-aaral mo ngayon."


Tumango si mama sa sinabi ni papa. Si ate naman ay ngumiti lang saka kinindatan ako. "That's okay..." bulong pa niya.


"Ah, mama," pukaw ni ate kapagkuwan. "Birthday ni Mabel next week so I'm planning to go back there and," hinawakan niya ang kamay ko. "I'm bringing, Andreanna."


Nagulat ako sa sinabi ni ate, ganoon din si mama ni papa. Ninerbyos tuloy ako nang magkatinginan silang mag-asawa pero si ate ay seryoso lang ang mukha habang hawak pa rin ang kamay ko na nakapatong sa aking hita, pinipisil-pisil niya iyon. Kinakalma ako.


"She's with me so she's safe."


"Dianna-"


"Ma, gusto ko pong sumama. Hindi ho ako magiging makulit doon at wala pong mangyayaring masama," sabi ko, hindi sinasadyang putulin ang sasabihin sana niya kay ate kanina. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.


Nagkatinginan muli sila ni papa, bakas ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.


"Damian, you can talk to Andreanna..." mahinang sambit ni mama. Alam kong galit na ito at kinokontrol na lamang ang sarili.


Taming Fire Above The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon