CHAPTER 4

2 0 0
                                    

"Ah, dapat negative 'yong n?"


Napasabunot na lang sa sariling buhok si Joanna saka pinukol ng masamang tingin si Miguelle. Natatawa kong ibinalik ang atensyon sa binabasa at hinayaan na lang silang mag-away doon. Kanina pa kasi ini-explain ni Jo iyon kay Miguelle pero talagang nahihirapan siyang intindihin, konti na lang at mukhang lalayasan na kami ni Joanna. May exam pa sina Fourth at Leo kaya kami pa lang dito sa paborito naming tambayan, sinamantala naman ni Miguelle iyon para magpaturo ng Math kay Jo. Hindi kasi kami magkaintindihan no'ng tinuturuan ko s'ya, anong magagawa ko eh hindi naman ako magaling talaga.


"Got it!"


Inirapan lang ni Jo si Miguelle at ipinagpatuloy na niya ang pagbabasa ng kaniyang notes. Ako, itinigil ko na ang pag-re-review ko kasi nakapag-basa naman na ako saka pakiramdam ko sasakit lang ulo ko lalo. Bukod pa roon ay last day na ng exam bukas kaya masaya ako, sino bang hindi? After finals ibig sabihin lang no'n bakasyon na ang kasunod kaya dapat lang na masaya kaming lahat. Kaso mali pala ako, dahil no'ng nakita ko ang mukha ni Leo biglang napawi ang saya sa mukha ko. Pucha!


Papalapit sila sa pwesto namin, nauuna si Leo na magkasalubong ang dalawang kilay at nakakunot ang noo. Base sa itsura n'ya mukhang sirang-sira na ang araw nitong isang ito ah. Sa likod niya ay si Fourth na may kausap sa cellphone, nang magtama ang tingin namin ay agad niyang itinuro ni Leo saka nagkibit-balikat.


"Anyare kay Leo?" pabulong na tanong ni Joanna nang makaupo si Leo sa tabi ni Miguelle. Nagkibit-balikat din ako, malay ko ba naman sa isang 'yan eh ngayon ko lang 'yan nakita ngayong araw.


Sinulyapan din ni Miguelle si Leo pero talagang mukhang masama ang loob niya, tuloy ay sa tabi namin ni Joanna umupo si Fourth.


"Baka hindi ako makasama bukas after ng exam ah? May pupuntahan ako, e." Nakita kong napangiwi pa si Leo after sabihin 'yon, plano kasi namin na pumunta kina Fourth bukas ng hapon.


Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming apat dahil hindi kami nagsasalita, alam kong pare-pareho kaming naghihintay sa idadahilan n'ya. Nakuha naman agad iyon ni Leo kaya napasipol ito at agad nag-iwas ng tingin, halatang ayaw pang magsalita pero alam niyang hindi pupuwede sa 'min iyon. "Pupuntahan ko si Sarah. We had an argument."


Halos sabay-sabay pa kaming tumango, natigilan at hindi nakaimik. Umalis rin si Leo makalipas lang ang ilang saglit pero nanatili kaming tahimik lang na nakaupo roon, wala pa ring nagsasalita. Sa pagkakaibigan, napagtanto kong hindi nga pala parating biruan at tawanan, hindi parating kompleto dahil may mga puntong kailangan naming mag-isa na ayusin ang ilang bagay sa mga sari-sarili naming buhay. Gayunpaman hindi kami mawawala sa isa't-isa.


chleox2gawangchina: Nandito na ako sa bahay, umuwi na rin kayo ha. May exam pa bukas. See you guys tomorrow.


Ibinalik ko ng aking cellphone sa sling bag na dala saka naiiling na naglakad papuntang court. Naghiwa-hiwalay kaming apat sa bench kanina, papunta raw si Miguelle sa Mang Carlito, isang malaking compound iyon na may resto, bilyaran at basketball court. Malapit lang dito kaya maraming estudyante ang nagpupunta roon. Si Fourth naman ay pupunta raw ng bookstore, sunod s'yang umalis kay Miguelle. At dahil ayaw sumama sa 'kin ni Jo sa court kasi wala naman daw siyang gagawin doon, napagdesisyunan niyang umuwi na lang. Gusto kong magkipaglaro muna kasi maiinip lang ako sa bahay kung uuwi ako agad kaso nga lang pagdating ko sa court wala akong nadatnan na nagvo-volleyball. Wala akong choice kundi ang umuwi na lang din.

Taming Fire Above The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon